"PAGHANGA"Sa di inaasahan nang ika'y aking masilayan,
Bigla'y para akong nakalutang,
Tila ba'y nagliwanag ang kapaligiran,
Sabay hinto ng kalangitan.Sa bawat pag patak ng oras
Ika'y nakatatak sa aking utak,
Ay di mawaglit-waglit pati saking panaginip,
Larwan mo'y nakasilip.Pano ba't kumakabog ang puso,
Sa tuwing ika'y nasisilayan nito,
At parang tuta kung makatingala,
Sa mukha mong kaaya-aya.Sa malayo't ako'y nakatanaw,
Sa anyo mong di matunaw tunaw,
Tila ba'y ika'y isang araw,
Na nag bibigay liwanag saking
pananaw.Ako sanay iyong mapansin,
Tanging hiling ko sa hangin,
Dahil puso ko'y iyong ginising,
Sa malalim na pagkaka himbing.Isa lamang ako sayo tagapaghanga,
Kaya wag ka sanang magalit at mangamba,
Huminahon ka muna't kumalma,
Hindi ako masama't gusto lang kitang makilala.DeamSolis18
BINABASA MO ANG
Tulang Handog
PoetryMore on spoken♡ [English - Filipino] [2020 - 2022] ©BINIBINING ARAW