SIGURO
Siguro isang salitang di sigurado,
Salitang binibigkas ng labi ko.Hindi ko mapagtanto,
Kung sa huli ba ay maging tayo.Aking dinaramdam ang matatamis na salitang iyong pinapakawalan.
Para akong hinihili sa ilalim ng malamyos na agos ng katubigan.
O, Kay sarap pakinggan.
Di nagsasawang ikay pagmasdan,
Para kang bulaklak na sing ganda ni Adan.Mga ngiti mo ay nakakahumaling,
Para akong nilalambing.Isang araw ako'y nagising,
Ako'y nanaginip lamang.Isa ka lang palang tauhan,
Na nabubuo saking isipan.Masyado akong nalinlang,
Nawala ako sa katinuan.Tila ako'y nagulantang,
Magkaiba pala ang ating pinanggalingan.Ika'y nabubuhay sa fiction lamang,
Ako'y nasa realidad na katauhan.Paano ba kita maabot?
Iniisip kita pero bakit sobra mong layo.Isang libro, bawat pahina tumitibok ang puso na alam kong ito'y hindi maririnig mo.
Oo nga pala, iba ang iyong kasama.
Hindi nga pala ako si Eva sa kwentong nakalathala.
Isa lamang ako mambabasa,
Naging saksi sa inyong pagsasama.Kailan ba?
Kailan ba maging akin ka?Siguro hindi.
Sobrang layo at malabong may pag-asa.
Siguro hindi ngayon.
Hindi ikaw iyon.
Siguro makikita ko sa tamang panahon.Hindi man siya kasing perpekto mo
Pero alam kong siya ang hanap ko.DeamSolis18
BINABASA MO ANG
Tulang Handog
PoesiaMore on spoken♡ [English - Filipino] [2020 - 2022] ©BINIBINING ARAW