PART 02

2 0 0
                                    

Late na din nakauwi sila meghan at isaac kagabi kasi dumaan pa sila sa parents ni meghan. Sobrang bilis lang ng nangyari kagabi actually, we ate at the nearest fast food chain kasi ayaw ni vincent sa cafe sa baba ng condo namin and after namin kumain bumalik na kami kaagad para mag pahinga kasi nga may pasok na naman.

"Good morning ahava" sabi ni janna ng makita niya akong lumabas ng kwarto ko na naka uniform at handang pumasok, I don't usually eat breakfast pero tutal nandito si vincent eh kailangan kumain dahil I'm sure na isusumbong niya ako kila daddy. pssh

"Good morning janna" bati ko pabalik sakaniya habang binababa yung bag ko sa upuan para maka kain na ako. Si janna madalas ang cook namin dito sa condo, hindi naman namin siya pinipilit haha kusang loob niyang ginagawa yung pagluluto.

"Calli! Ok na yung breakfast lumabas ka na, male late na naman tayo!" sigaw niya kay calli na tinatamad na naman pumasok, sa pag kakaalam ko talaga ayaw na ni calli mag college kasi may business naman sila at isa siya sa mag he handle noon pero ang higpit ng mga kuya niya kaya ayan napilitan siya mag aral.

Lumabas na din si isaac, vincent at meghan sa room nila ng nakaayos at good mood. Nag tataka na ako sa relationship ni isaac at meghan.. hmmm mga hindi nag sasabi kung sila ba o hindi.

"Good morning beautiful ladies" bati ni isaac sa amin ng makita niya kami na nasa dining area na para kumain. Well, sa barkada namin si isaac yung pinaka gentleman pero gago. Naalala ko nung ma broken yan sa first girlfriend niya talagang umiiyak siya sa sakit pero i'm happy na ok na siya ngayon at nakaka ngiti na ng totoo.

"Ava, nakuha mo yung schedule mo?" tanong ni meghan sa akin sabay upo sa tabi ko, feeling ko hindi niya alam schedule niya.

"Oo, nakuha ko naman na. Ikaw?" sagot ko sakaniya bago isubo yung masarap na spam na nasa harapan ko. omg i love janna for making my morning happy because of this spam.

"Nah. Hindi ko naasikaso kahapon sa sobrang busy ko, bakit kasi kahit mag kaklase tayo tapos mag kaiba ng shedules" sabi niya habang nakasimangot na halatang stress dahil hindi niya alam schedule niya.

"Nag aaya si allen mamaya after class sa favorite nating restaurant, miss na miss ata tayo" sabi ni vincent habang umiinom ng kape, wow ha american boy ayaw mag rice.

"I will try na makasama kasi busy ako mamayang hapon para sa try out ng football." sabi ni isaac na mukhang dismayado dahil hindi niya sure kung makakasama siya.

"Ikaw ba vince, hindi ka mag try out?" dagdag nii isaac.

Vincent can play football but he's good at volleyball actually varsity siya nung highschool kami and lagi akong inaaway noon dahil bestfriends kami at akala nila gf niya ako. tss mga utak talaga ng tao ngayon di mo masabi.

"I don't know, I really want to prioritize my study pero gusto ko mag volleyball at the same time. Hays! Hindi ko alam" sabi ni vincent na napapaisip kung paano gagawin niya.

"Sasama ako mamaya pero kailangan ko muna pumunta sa SG Office, ia announce daw sa amin yung mga bagong rules and regulations at may bagong officer daw dahil umalis si trixia." sabi ko sa kanila, syempre kailangan updated ako dahil ako yung secretary ng university ang hirap ihandle pero kinakaya ko naman kase may assistant naman ako.

"May bago din daw student ah, sa pag kakaalam ko baka maging kaklase niyo ava" sabi ni calli na nakaupo sa sofa dahil tapos na siya kumain.

Transferre na naman, lagi na lang may na ta transfer sa school and kadalasan engineering or business ad yung course pero ngayon tourism? hmm, sana boy para may crush na ako kung cute at maait HAHAHAH.

I'm JUSTWhere stories live. Discover now