Chapter 1

11 3 3
                                    


Maayos kung inilalagay sa loob nang aking maleta ang dadalhin kung damit patungong NorthWoods.Ngayon kasi ang alis ko patungo doon para mamasukan bilang katulong sa isang napakalaking mansion.Sa totoo lang hindi ko pa iyon nakita.Nalaman ko lang iyon kagabi noong kweninto ni Lola ang papasukan ko.

Malayo layo narin ang bayan na iyon kaysa sa bayan ko.Siguro kailangan ko munang mamalagi nang ilang taon doon bago makabalik dito.
Nandito kasi kami sa pinakamaliit na bahagi ng bayan ang Northrealms.Ito na ang pinakamaliit na bayan sa kabuuan.Ang pinakamahirap na bayan kung tawagin ng iba.Well,totoo naman dahil kadalasan nang mga kaedad ko dito umaalis para magtrabaho sa ibang bayan.Yung iba hindi na bumabalik dahil sa doon na nakapag asawa.

"Lura!Nandito na ang sasakyan mo papuntang Northwoods!"mabilis akong tumayo mula saking kama at lumapit sa bintana.Marahan kung inilabas dito ang ulo para silipin ang sinasabi ni Lola.
Pagtapat ng aking mga mata sa bakuran doon kuna nakita ang kulay itim na kalesa na hila hila nang dalawang kabayo na kulay itim din.May kaliitan ang kutsero nito na ngayon nakatayo na sa gilid ng kalesa habang minamasdan ang paligid nang aming bahay na gawa sa kahoy at kawayan.

Lumaki ako saking lola simula pagkabata.Ni hindi ko nasilayan ang mukha ng aking mga magulang dahil sa pinatay sila nang mga hindi kilalang tao sa tinitirhan namin noon.Ang bayan ng Treewoods na kung saan nandoon lahat nang mga magsasakang naghahanap buhay nang tahimik katulad sa pamilya ko.Pero sa isang iglap lang nagbago ang lahat dahil sa isang aksidente na nangyari ten years ago sa mga pamilya ko at sa mga kababayan namin.
Pinatay sila ng mga bampira at ako lang daw ang nakaligtas sa mga bagong silang na sanggol roon.
Sinabi narin ni lola na nag iisa lang akong anak nang mga Dominion kaya kailangan ko daw mag ingat pag nakarating na ako sa Northwoods.

"Lura bilisan muna d'yan!"nang marinig ko muli ang sigaw ni lola nagmadali na akong umalis sa bintana at agad na nilapitan ang aking maleta sa gilid ng aking kama.
Nagmamadali akong lumabas saking kwarto habang hila hila ito.
Pagdating ko sa sala naabutan ko si Lola na naghahanda ng pagkaing babaonin ko sa pag alis.

"Lola",tawag ko sa kanya.Agad naman itong lumingon sakin gamit ang walang emosyon niyang mukha.

"Ang sabi ko sayo.Huwag na huwag mong kakalimutan."

"Opo lola."sagot ko at sumilip sa labas.Nakatingin na dito ang kutsero ng kalesa.Seryoso ang mukha nito habang sinisilip din kami sa loob.

"Palitan mo ang apelyedo mo nang Donza pagmakarating na kayo sa bayan ng Northwoods.Wala dapat ang makakakilala sayo doon na isa kang Dominion.Nainchindihan mo?!"mahina akong tumango at binalik ang tingin sa kanya na ngayon hawak na ang basket ng pagkaing dadalhin ko.

"Aalis na ako Lola."paalam ko at kinuha na ang basket na hawak niya.

"Mag iingat ka doon."tanging tango nalang ang naisagot ko sa kanya nang tuluyan na akong lumabas sa bahay daladala ang maleta at ang basket na bitbit ng kamay ko.
Simula noong pagkabata hindi kami gaanong ka close ng Lola ko dahil ipinagbawal samin ang magyakapan sa lugar na ito lalong lalo na kung hindi ko siya totoong magulang.
Pero pasalamat narin ako dahil siya na ang nagsilbing ina't ama ko noong panahon na walang wala na talaga ako.

Pagdating ko sa aming bakuran nakita kuna agad ang kutserong papalapit na sakin.Malawak ang ngiti sa labi niya nang tuluyan nang masilayan ang mukha ko.

"Hindi nga nagsisinungaling ang Lola mo.Napakaganda mo ngang dalaga!"kasabay nang pagngisi niya na tinanguhan ko naman.Base sa suot niya para nga talaga itong nagtatrabaho sa isang napakayamang pamilya.
Simula sa suot niyang pantakip sa ulo gawa na sa mamahaling tela at balahibo ng leon.Ang damit niya ay gawa rin sa mamahaling balat ng hayop sa Northwoods.Ito ang balat nang hayop na kadalasang kalaban ng mga bampira ang werewolves.
May pagkatulis din ang suot suot niyang sapatos na may kalakihan sa kanya.

BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon