Chapter 2

10 2 0
                                    


Halos lumabas ang espirito saking katawan sa biglaang pagtalon namin sa bintana ng kwarto.Ni hindi ako nakakilos agad sa pinaglandingan naming lupa dahil sa kabang lumamon sa puso ko.Ghad,ano ba kasing ginagawa niya?

"Huwag ka munang gumalaw diyan."mabilis nitong binitawan ang braso ko at tumayo na mula sa pagkaupo.Sinunod ko naman ang sinabi niya.
Umalis ito sa tabi ko at pumunta sa daang patungo sa harap ng bahay.Aist,nabigla ata ang lalaking iyon kaya pati ako dinamay na niya sa pagtalon,kaloka.
Buti nalang din dahil maayos ang paglanding namin sa lupa.

Pero bakit kayang may mga rider na nakapasok dito na sa gayong gawa sa matibay na bato ang pader nila?Sa narinig ko kay Lola sila daw ang pinakamahirap na kalaban sa buong lugar.Ang bayan din nila ang pumapangalawa sa malaking bayan dito.Ang bayan ng Darkwoods.

"Lura,halika dito."nang marinig ko ang mahinang boses niya mabilis na akong tumayo sa inuupuang lupa para lumapit sa kanya na ngayon nakasilip na sa harap ng bahay.Kahit nandito na kami sa likurang bahagi nito maayos ko paring naririnig ang kaguluhan sa harap.

Pinagmasdan kuna rin ang paligid nito.Kulay itim ang kulay ng bahay.May mga malalaking bintana ang bawat kwarto na natatakpan ng makakapal na kurtina.
At ang sa gilid naman nito ay ang pader na gawa sa bato at mga tanim na crotons na nakapalibot sa buong likuran ng bahay.

"Tingnan mo ang nangyayari sa harap."aniya.Hindi na ako nag atubili pang sumilip at tiningnan ang kaguluhan dito.
Mula sa gate nang pinasukang mga black rider nakatayo ang tatlong kabayo.Wala na ang sakay nila.Nakita kuna rin ang matandang nagpapasok samin kanina na nakahandusay na sa lupa.Halos tapakan na ito ng tatlong kabayo na panay ang pagpadyak nang kanilang mga paa sa lupa.

"Anong nangyayari?"tanong ko.Hindi naman nila siguro sisirain ang gate nang ganon ganon nalang kung hindi importante ang pinunta nila dito.
Those men in black is dangerous.Base in their black cloack they come here to summoned someone.Hindi naman sila magsusuot nang ganun uri ng damit kung hindi galing sa hari ang utos.

"They came from Darkwoods.The place where I become a slave for how many years,and those men are the chosen soldier of their king.Hindi sila basta basta lang.Kung ano ang iuutos sa kanila susundin nila."

"Pero bakit sila nandito ng ganitong oras?"

"They are here to summoned someone."so tama nga ako.Hindi lang sila pumunta dito nang wala lang.

Mayamaya pa nakita kuna ang tatlong lalaki na sakay ng tatlong kabayo.May hinihila silang tao na ngayon nakadapa na sa lupa.Nakatali ang dalawang paa nito sa lubid at may nakalagay pang takip sa kanyang ulo.
Hindi na ito gumalaw pa.

"Anong gagawin nila sa kanya?"

"Para usisain.Para hanapin dito ang isang importanteng bagay na nawawala."naguguluhan akong napatingin sa kutsero.Nakataas ang sulok ng labi nito habang seryosong nakatitig sa ginagawa ng tatlong lalaki.

"Paano mo naman nasabi na importanteng bagay ang hinahanap nila?"tanong ko sa kanya.Eh,pwede naman nilang dalhin lang ito o dikaya'y kausapin lang.Pero ang ginawa nila hindi na makatao.They are torturing someone.

"Tsk!Gamitin mo nga ang utak mo Lura!Mga pinagkakatiwalaan silang suldado ng hari.Sa tingin mo ba,hindi nila gagawin iyan sa lalaki kung walang kasalanan o hindi inutos sa kanila?
Syempre dahil sa inutos iyan ng hari na gagawin nila,gagawin talaga nila."tumaas ang isang kilay ko bago tinuon ang mata sa harap.Eh,nagtanong lang naman.

"Pero bakit pa tayo tumalon sa bintana kung hindi naman tayo ang kailangan nila?"walang ganang tanong ko.Kaloka,muntik na akong mamatay don noh.

"Aish,sa nasabi kuna kanina they are the chosen soldier of their king.Ang bayan ng Darkwoods hindi lang basta basta.Nasa kanilang lugar ang pinakamaraming mamayanan na may alam sa witchcraft.
At nang tumalon tayo kanina ay siya ring pag akyat ng isang black rider para isa isahing tingnan ang bawat kwarto.
At kung hindi tayo umalis doon kanina siguradong pati tayo dadalhin nila pauwi sa bayan nila."

BasementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon