"Ilang oras na lang at gising na si Taesuk. Pano yan? Anong mangyayari sa kanila sa konting oras na yun?""Wag mo kalimutang magka iba ang andar ng oras sa mundo ng mga panaginip. ang ilang isang oras ay matagal nasa mundo ng panaginip at saka makakalabas lang sila doon kung nagawa na nila ang rason kung bakit sila nandoon o kaya naman sa loob ng 24 hours"
"So walang problema?"
"Wala. Kaya pwede kanang umalis para makapag pahinga na ako"
"Ok. Byeeeeeeeee"
Pumasok ng room sina Palv at TaeSuk kasabay ang P.E Teacher nila.
"Mag palit na kayo ng uniform"
Naglabasan ang lahat at nagpuntahan sa locker room. Habanh walang problemang nag papalit ang mga classmates ni Palv ay nasa isang tabi si Palv at naka talikod na nag bibihis. Nahalata si Palv ni Richy ang isa sa heartthrob ng school nila.
"Palv" hinawakan ni Richy ang balikat ni Palv at sinubukang iharap sa kanya pero tinangal ni Palv ang kamay ni Richy kaya naka talikod parin si Palv. "Ayos ka lang ba Palv?"
"Oo ayos lang ako"
"Bakit ayaw mong humarap sakin kung walang problema?"
"Wala lang"
Agad na nagdamit si Palv at nag sapatos saka lumabas ng locker room. Lumapit si TaeSuk kay Richy para tanungin siya
"May problema ba daw si Palv?"
"Tinanong ko pero sabi nya wala naman daw"
Habang tumatakbo ang lahat ng 20 laps ay katabi ni Palv si Richy at Taesuk sa pagtakbo. makulit na inu-usisa ng dalawa kung may problema si Palv
"Wala ngang problema, ang kulit nyo naman eh"
Tumigil na ang lahat sa pagtakbo pagkatapos ng 20 laps.
"Ok guys! Palv at BoYoung! Pumunta kayo sa harapan"
Pumunta ang dalawa sa harapan at inutusan na mag gawa ng 2 groups. Group ni Palv at Group ni BoYoung. Dahil lalaki si Palv ay babae ang una nyang pipiliin tapos lalaki tapos babae ulit at kabaliktaran naman ang kay BoYoung. tuwing pipili si BoYoung sa mga lalaki ay nag tatago si Richy at TaeSuk pero nag tatatalon at nag tataasan pa ng kamay ang dalawa kapag lalaki ang pipiliin ni Palv. Naiyamot na si Taesuk kaya naman sumigaw na ito
"Palv! Galit kaba sakin at ayaw mo akong piliin?! Piliin mo na ako! Sige ka pag mapapunta ako kay BoYoung baka magsisi ka!"
Nag buntong hininga lamang si Palv at tumingin sa isa nilang kaklase na lalaki, itinuro ito ni Palv at tatawagin na sana ng biglang tumakbo si TaeSuk papunta kay Palv at tinakluban ang bibig nito
"Totoo?! Hindi mo parin ako tatawagin pagkatapos kong mag reklamo?! Hinding hindi ko tatangalin ang kamay ko sa bibig mo kapag hindi mo ako sinama sa group mo"
Bumuntong hininga ang teacher nila
"Sige na Palv ipasok mo na si Taesuk sa group mo"
Tumingin ang teacher kay BoYoung para papiliin na ito pero biglang sumigaw si Richy
"Sir! Ako din! Gusto ko din sa group ni Palv!"
"O sya sige! Kayong dalawang lalaki na natitira dito na kayo sa group ni BoYoung"
Divided na into 2 groups ang class nina Palv at ready na sila maglaro ng dodgeball. Nag ready na ang lahat para maglaro. Pumwesto sa gitna ang P.E teacher at pinatalbog ang bola. Nakuha ni TaeSuk ang bola at agad na binato ang mga kalaban. Medyo mainit pa ang ulo ni Palv sa dalawa hangang sa 4 na lang silang natira habang ang kalaban ay may 8 pa na members. Ibinato ni BoYoung ang bola at tinamaan ang natitirang babae sa grupo ni Palv. Huminga ng malalim si Palv at kinausap na sina Richy at TaeSuk.
![](https://img.wattpad.com/cover/29698125-288-k115325.jpg)
BINABASA MO ANG
Sealed Hearts: Love in the Dream (boyxboy)
RandomPalv is a straight acting gay na pala biro. Maraming na gugustuhan si Palv na mga lalaki pero bilang crush lang pero isang umaga, hindi na nya maramdaman ang kilig na nararamdaman nya dati pag naiisip nya ang mga lalaking crush dahil sa isang Dream...