Chapter 1

88 2 0
                                    

Nasa classroom sina Palv, TaeSuk at mga kaklase nila. naka upo si TaeSuk sa front row habang nasa second row naman naka upo si Palv at nasa harapan nya ang katabi ni TaeSuk sa kanan na si ShinHye. Nang mag breaktime, ay sa upuan nila kumain sina TaeSuk, Palv at Shinhye at iba nilang mga kaklase na naka tayo sa may tabi ni TaeSuk.

Kumakain si TaeSuk ng mga Tangerines habang si Palv ay isang toast at ang iba including Shinhye ay ang gusto nilang kainin.

Tumayo sa upuan nya si Palv pumunta sa likod ni TaeSuk. Ipinatong ni Palv ang baba nya sa ulo ni Taesuk at hinug nya ito sa leeg.

"Taesuk, penge ng Tangerines"

Ibinaba ni Taesuk ang ulo ni Palv at ipinatong sa balikat ni Palv na nakayakap sa may leeg ni Taesuk kaya mukhang naka patong ang ulo ni Palv sa balikat ni Taesuk. Pagkapatong ng ulo ni Palv sa balikat ni Taesuk ay agad na sinubuan ni Taesuk si Palv ng Tangerine.

Napagod tumayo si Palv kaya inilapit niya ang lamesa na nasa likod nya at inupuan sabay yakap ulit kay Taesuk.

Halinhinan ng kain si Palv at TaeSuk. Habang naka yakap si Palv kay Taesuk ay hawak nya ang kanyang toast kaya parehas si Palv at Taesuk na nakaka kain ng bain ng isat-isa.

Kinulbit ni ShinHye si Palv

"Bakit?"

"Palv, palit tayo, dito ka nalang umupo sa upuan ko"

"Ok"

Bumitaw sa pagyakap si Palv at umupo sa upuan ni Shinhye habang si Shinhye naman ay may pag taklob taklob pa ng bibig nya sa sobrang kilig. Ng napigilan ni Shinhye ang sarili nya sa pag smile ay nag ready na sya i-hug si TaeSuk. Nang iha-hug na ni Shinhye si TaeSuk ay ipinag dikit ni TaeSuk ang inunupuan nila ni Palv. Umakbay si TaeSuk kay Palv at nagsubuan ulit sila ng baon nila. Napapatawa ang ibang nakatayo dahil sa mukha ni Shinhye na dissappointed dahil hindi nya nagawa ang balak nya na i-hug si TaeSuk.

"Ito oh Palv" Ini abot ni TaeSuk ang isang jar na may lamang strawberry jam at isang strawberry juice "yung juice galing sakin pero yung jam galing kay Mommy"

"Wow~! Thank you, paki sabing thank you din kay Mommy at yung lunch nga pala natin ay may favourite mong Salmon"

"Yes! Thank you"

"No problem. pinapadaan ka nga din pala ni Mama sa bahay, papauwian ka ng chocolate cake na gawa nya"

"Ok, bait talaga ni mama"

Makalipas ang ilang minuto ay natapos nadin ang break.

Habang nasa kalagitnaan ng Klase at nagpa excuse si Taesuk

"Ma'am may I be excuse? Napasok po ata ng hangin ang tiyan ko"

"Ok. Go ahead. Uhm Palv samahan mo si TaeSuk sa infirmary"

"Yes Ma'am"

"Ma'am ako na lang po!"

"Hindi na Shinhye, hayaan mo na silang mag asawa"

Tumahimik na lang si Shinhye. Habang papalabas na sina Palv ay niloloko sila ng mga kaklase nila na mag asawa daw sila at na ang sweet sweet daw nila.

Pagkarating nina TaeSuk sa infirmary ay inihiga na ini upo na ni Palv si Taesuk sa higaan at maya maya lang ay pinainum na sya ng gamot sa sakit ng tiyan.

Naging puti ang kapaligiran nina Palv at Taesuk pero hindi nila ito pinapansin. Naka upo lamang ang dalawa sa kama. Naka upo si Taesuk pero naka harap sya sa kabilang direksyon at ganun din si Palv.

Lumuhod ni Palv at hinarap ang likod ni Taesuk. Niyakap muli ni Palv si Taesuk mula sa likod at saka nagsalita

"Mahal kita, Taesuk"

Sealed Hearts: Love in the Dream (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon