Chapter 3

25 6 5
                                    

Zane POV

Grabe  nakakapagod hooooo!!...si besty ko? Ayun di na maipinta mukha pagod na pagod eh kala mo naman di taga bundok eh. Di na siguro sya sanay sa mga akyatan matagal na sya dito mga tatlong taon na kaya siguro ganyan mukha nya. Sa susunod talaga pipilitin ko na sarili Kong sumakay sa naglalakad na hagdan tsaka dun sa kahon na bumubukas at sumasara "Elevator" tawag ni besty dun.

"Best, pila ka na d'yan oh. Tawagan mo na lang ako mamaya kung tapos kana. Alis mo na ako Alam mo namang may work pa ako." Nakangusong sabi nya kala nya naman bagay sakanya, Hindi na nga maipinta mukha nguso-nguso pa mas lalong pumangit tuloy.

"Sege best. Tatawagan Kita pagkatapos. Pag pray mo na matanggap ako ha. Ingat ka." Sana matanggap ako.

Habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko, naglaro muna ako ng snake. Wiling-wili ako sa paglalaro ng aking snake 'di  ko napapansin kanina pa pala ako tinatawag.

"Zane?!! Sino si Zane?!! Ang bingi mo ha! Sayang oras!" Maka bingi ka sakin Kuya ah sakalin kita d'yan makita mo. Pasalamat ka naghahanap pa ako ng trabaho baka pag sinakal kita palabasin mo'ko. "Zane!!"

"Po?!! Sorry po" nakataas kamay kung sabi at nagmadaling pumunta sa harap kung saan may isang pinto na papasukan.

"Oh pasok na, ang tagal mo. Sinasayang mo oras ni boss. Bilisan mo na." Wag mo naman ako itulak. Ikaw kaya itulak ko ha?

Nang ako'y makapasok na sa silid napapanganga ako sa aking nakita. "Wooww" ang ganda ng kwarto nato. Pwede kayang matulog dito?

"Mag-aaply kaba talaga ng trabaho miss?"  

"Ayyy tubol!" Sino yung nagsalita. Sinusulit ko pa dito sa kwarto nato eh. Ay hala mag a-apply pala ako ng trabaho kaya ako nandito. Ako ba yan ang tanga ko.

"Ah eh he he" nakakahiya. Ayoko na huhu gusto ko na lumabas.

"Ano d'yan ka lang? Get out if don't want this job." Sungit naman Neto ..

"Ahhhh. Bakit mo tinatakpan mukha mo? Panget ka siguro no?" Tama ba ginawa ko?  Sana tama.

"Bullshit!! THIS. IS. NONE. OF. YOUR. BUSINESS! Mag-umpisa ka na lang! You waisting my time idiot!" Sakit nun ah nag tanong lang naman ako eh. Maka-idiot ka dyan ha. Baka di na ako tanggapin Neto. Huhuhuhu

"He. He. He. Opo, mag-uumpisa na" dapat confident, kailangan lakasan ang loob para matanggap sa trabaho. Kailangan ko lang isipin ang pamilya kong nasa malayo sila ang dahilan kung bakit ako nandito. Kaya lang wala pa akong experience dito. Perstaym ko to eh.

"Ehem! Ehem! Magandang araw po ako si Zane Audrey Babiera  25 years old, may dalawang kapatid, babae at lalaki. Ako ay galing sa  Mahirap na pamilya, ako po ay isang probinsyana. First time ko pong mag hanap ng trabaho, sana ako'y matanggap nyo. Nag-aaply po ako bilang isang  sekretarya  kaya ko pong maghugas ng pingan, maglaba, maglampaso ng sahig mag......"

Ang Probinsyana GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon