Ash
"Good morning class! Tahimik na kayo!"- nagsitahimik ang lahat nang marinig nila ang teacher namin na sumigaw, tumingin silang lahat sa harapan kung nasaan ang teacher at kasama na rin ako dahil mamaya ay ipapakilala ko na ang aking sarili.
Tinanguan ako ng teachr namin na magpakilala na kaya agad na akong nagsalita. "Hello, classmates. My name is Asherline Joy Montefalco, 20 years old. Nie to meet you all, hope we'll be friends."- nakangiti kong pagpapakilala sa aking sarili.
"Ayaw namin ng kaibigan na pangit!"- nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ng isang babae sa may bandang likuran, hindi ko nalang yon pinansin at sa halip ay ngumiti lang ako para hindi halatang masakit sa damdamin ang kanyang mga sinabi.
"Tama na! Miss Ash, umupo kana sa tabi ng babaeng nakasalamin."- nakita ko naman ito agad, nakayuko lang siya habang may sinusulat sa kanyang notebook. Naglakad na ako papalapit sa kanya nang bigla nalang akong natumba dahil pinatid ako ng isang babae.
Nagtawanan na naman ang lahat, tumayo lang ako na parang walang nangyari at umupo na ako sa tabi ng babaeng yon. "Oh! Best friend na kayong dalawa! Pareho kayong pangit!"- pangit daw kami? Grabe naman itong babaeng ito, makapagsalita siya akala mo naman siya nang pinakamaganda dito sa mundo.
"Oo, pangit kami kasi yon ang tingin mo samin. Kaya dapat lang na magandahan ka diyang sa mukha mo, mukha kang diyosa."- napangiti naman ang babae sa sinabi ko, nag flipped pa siya ng hair sa harapan namin ng babaeng katabi ko. Akala mo yun lang? May idadagdag pa ako.
"Talaga? Diyosa ba ako ng kagandahan kaya nagandahan ka sakin? Grabe ka naman, ang bait mo naman!"- nagngitian lang kami, tingnan ko lang kug hindi iinit ang ulo mo sa susunod kong sasabihin sayong bruhilda ka. Humanda ka sakin.
"Hindi, diyosa ng mga feeling magaganda. Sa tingin mo maganda ka? Naka make up ka lang pero hindi ivig sabihin non na maganda kana rin pag wala kang make up."- pabalang kong sagot, makikita mo ngayon kung gaano ako ka-savage. Maldita lang nakakatalo sakin.
"Anong sabi mo? Nananadya ka ba?"- try me bitch, hindi kita uurungan. Wala kang karapatang pagsabihan kami ng pangit nitong katabi ko dahil sa totoo lang ay para kang nasabugan sa bibig dahil ang lawak ng bunganga mo, walang kasing lawak.
"Pwede bang manahimik kayo?!"- nang si ma'am na ang nagsalita mula sa harapan ay natahimik na kaming lahat, muling tumingin sakin yung babaeng katapat ko lang at siya ang nasa harapan ko. Tiningnan niya lang ako ng matalim saka muling tumingin sa harapan.
Fast forward
Habang nasa canteen ako at mag isang kumakain ay lumapit sakin ang classmate ko na katabi ko sa upuan kanina, umupi siya sa harapab ko dahil malawak naman ang lamesa. Hindi ako nagsalita, nagpatuloy lang ako sa paglamon ko sa aking sariling pagkain.
"Asherline Joy Pelaez ang totoo mong pangalan, diba?"- nagulat ako dahil sa sinabi niya, alam niya ang tungkol sakin? Tuango lang ako bilang pagsagot sa kanyang katanungan. Tinitigan niya ako ng mabuti, maya maya ay nagpatuloy siya sa kanyang pagkain.
"Pano mo nalaman na Pelaez ang last name ko?"- tanong ko sa kanya, hininaan ko ang boses ko dahil ayokong may iba pang makarinig ng pag uusap naming dalawa, ayokong may ibang makaalam na Pelaez ang last name ko dahil wala akong planong makipagplastikan.
"Kamukha mo kasi yung mommy mo, madalas siya dito noon para malaman niya ang patakaran nila dito."- talaga va? Kamuha ko si mommy? Mabuti naman at may nasabing maganda itong kasama ko, iiwasan ko na sana siya dahil alam kong karamihan dito na nerd ay maldita.
"Andito pala itong dalawang ito oh! Talagang bagay dilang mag beat friend dahil parho silang mga pangit."- nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ng babaeng nasa likuran ko, tatayo na sana ako pero binuhusan niya ang jacket ko ng mainit na kape.
"Ash! Basa kana!"- nagulat na sambit sakin ng babaeng nerd habang ang iba naman ay nagtatawanan at kinukunan pa ako ng litrato at videos dahil sa tingin nila ay madumi ako. Mukhang hindi ako tatantanan ng babaeg ito ha! Mukhang ipapakita ko sa kanya kung ano ang hinahanap niya.
"You think you're win? Don't celebrate so early, girl."- dahil sa basa na nga ako ay wala akong nagawa kundi hubarin ito, at imbes na tumakbo pa ako papuntang comfort room ay agad ko itong hinubad at sa harap pa ng maraming etudyante.
Bakas sa mukha ng mga lalaki ang mapahanga dahil sa maputi kong balat habang ang mga babae naman ay nainggit yata dahil mas maputi pa ako sa kanila. Agad kong ibinato sa mukha niya ang jacket ko. "Labhan mo yan dahil wala kang karapatang buhusan ako ng kape. At once na ibully mo pa ako, makikita't malalaman mo kung sino ako sa eskwelahang ito."
At dahil dadaan nga ako ay tumabi silang lahat, sinenyasan ko ang kasama kong babae na sumama sakin, iniwan ko na rin sa lamesa ang pagkain ko na hindi ko naubos dahil nawalan ako ng ganang kumain ng dahil lang doon sa babaeng muhang tipaklong.
"Ash, salamat dahil pinagtanggol mo ako sa kanila. By the way, bagay mo ang naka dress dahil napakaputi mo."- nagsalita ang kasama kong babae, ngumiti ako pero pati ako ay hindi makapaniwala sa nagawa ko kanina. Masyado ba akong salot para pagtripan niya?
"By the way, ano nga palang pangalan mo? Kanina pa tayo nag uusap pero hindi ko man lang alam ang pangalan mo."- at habang hinihintay ko ang sagot niya ay may narinig akong boses na tila kaharap ko lang, 'ako nga pala si Pauline Jane Molina.'
Nagulat ako dahil sa boses na yon, saan ba yon nagmumula? "Pauline Jane Molina?"- bulalas kong sambit, ang babaeng kasama ko naman ay nagulat at napatingin sakin. Sino ba yung Pauline Joy Molina na yon at bigla ko nalang narinig ang boses niya?
"Alam mo rin ang pangalan ko, Ash?"- napatingin ako sa babaeng yon. Sa kanya ba nagmula ag boses na narinig ko?
