strong

2 0 0
                                        

Ash

Habang nagsusulat ako ng lecture namin na pinapasulat ng aming teacher ay nakita ko na lamang ang isang classmate kong babae na tila sumisigaw, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero sa tingin ko ay nasa panganib si Pauline.

Tumingin ako sa mga kaklase kong nasa likod na nagdadaldalan, humarap ako sa kanila. "Excuse me, may naririnig ba kayong sumisigaw?"- tila nagulat naman sila nang bigla ko silang tanungin pero sa huli ay sabay sabay silang umiling.

Dali dali akong lumabas na tila napakabilis ko, nadatnan ko nalang ang sarili ko na parang sobrang galit. Ang mga kilos ko ay napakabilis, at napadpad nalang ako sa mga babaeng may tinatadyakan. Napatingin sila sakin at nagulat sila.

"Ash, ano namang ginagawa mo dito? At naka contact lenses ka pa ha! Pero bagay mo dahil nagmumukha kang bampira."- nagtawanan silang lahat pero dahil sa sobrang galit ko ay para akong isang asong nanggagalaiti sa sobrang galit kaya mas lalo silang nagulat.

"Papakawalan niyo si Pauline o gusto niyong umabot kayo sa hukay..."- nagtawanan lang silang lahat, agad niya akong nilapitan at sinabunutan pero hindi man lang ako nasaktan. Pero nang ako na ang sumampal sa kanya ay natanggal ang mga ngipin niya.

Umupo ako para magpantay kaming dalawa, bakas sa mukha niya ang sobrang takot nang pulutin ko ang isa niyang ngipin. "Ano bang klaseng nilalang ka at napakalakas mo?"- tanging tanong niya sakin, ako naman ay tumingin lang sa mga mata niya at binasa ang sinasabi nito.

Ang sabi niya ay, 'isusumbong kita sa parents ko, congressman ang mga yon.' Natawa nalang ako. "Siguro, panahon na para malaman mo kung sino ako. Ako si Asherline Joy Pelaez, sorry ka nalang dahil walang magagawa ang parents mo sakin."

Sasampalin ko na sana siya pero may isang kamay sa akin ang pumigil, hinawakan nito ang aking kamay kaya napalingon ako sa kanya at napatayo sa sobrang pagtataka. "Nasaktan na siya, Ash. Siguro naman ay tama na yung natanggal ang ngipin niya dahil sa lakas ng sampal mo."- mahinahon nitong sabi sakin.

Pinagmasdan ko siya ng mabuti, mas matangkad siya sakin pero mas maputi ako sa kanya. May malalapad na balikat, naka jacket na fila, singkit na mga mata, kulay itim nitong buhok, at naka earrings na akala mo naman ay gwapo siya kapag nilalagay non sa tainga niya.

Binawi ko ang aking kamay na hawak hawak niya. "Hindi mo alam ang nangyayari dito kaya huwag ka nalang makialam."- nilapitan ko si Pauline na nakahiga sa sahig, inalalayan ko siyang tumayo at saka inalalayan na ring maglakad dahil baka ma out of balance siya.

"Ako na ang aalay sa kanya sa paglalakad, tsaka hindi ba ito alam ng parents mo? Paano kapag pumunta sila dito at makita itong mga ginagawa mo?"- sumbat niya na parang kilala niya ako, tiningnan ko lang siya ng masama at nalaman ko na isa siya sa mga taong nasa nakaraan ko.

"Bakit mo ako kilala?"- tanong ko sa kanya habang dahan dahan kaming naglalakad papuntang clinic, ang mukha at braso kasi ni Pauline ay puno ng galos. Hindi na nila kinawawa itong babaeng ito, ano bang kasalanan niya at ganon nalang siya kung sipain ng paulit ulit?

"Kasi dati tayong magkasama noon, nakwento ni tito at tita na nagka amnesia ka kaya nagulat ako ng malaman ko yun mula sa kanila."- sabi niya nang hindi man lang tumitingin sakin nasa daan pa rin ang mga mata niya habang inaalalayan niya si Pauline.

"Ano bang relasyon ko sayo noon?"- at bakit ganon nalang siya sakin kanina, kung makatingin siya sakin ay parang ako ang may kasalanan sa mga nangyari. Masama ba kug tulungan ko si Pauline dahil mula sa malayo ay narinig ko siyang sumisigaw?

"Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako, pero malapit na tayong ikasal noon. Naudlot yon dahil naaksidente ka, tinatawag ka daw ng isang bata pero hindi mo siya pinansin. Mas mahalaga ba ang laruan kesa sa buhay mo?"- sabi niya sakin.

"Kasal? Nagpapatawa ka ba?"

"Hindi, pero dahil ok kana, sasabihin ko nalang sa parents natin na ituloy ang kasal next year. Masaya na tayo noon pero binago ng panahon ang lahat nang maaksidente ka, akala ko nga noon ay hindi kana mabubuhay pa."- may kalungkutan sa tinig niya nang sabihin niya yon sakin.

"At bakit naman ako mamamatay? Kailangan ko pang makatapos ng pag aaral ko dahil sakin mapupunta lahat ng negosyo nila mom at dad, kapag nangyari man na matuluyan ako sinong magpapatuloy sa negosyo nila?"- naisip ko yon dahil ano ba naman kung maaga akong mamamatay.

"Tama ka, at kung hindi ka nabuhay ay hindi na kita mapapakasalan."- kumindat siya sakin kaya ngumiti naman ako saka ko siya sinampal sa braso niya at napadaing siya sa sobrang sakit, nakalimutan kong kasama pala namin si Pauline na kanina pa nakikinig samin ay nadamay ko.

"Sorry na, ikaw naman kasi eh! Hindi ito ang tamang oras para pakiligin mo ako! Kailangan mo pang dalhin si Pauline sa clinic dahil namamaga na yung mga galos niya sa katawan!"- dahil sa sinabi kong yon ay binilisan na namin ang paglalakad para magamot na ang kawawang si Pauline.

Pagpasok namin sa clinic ay naabutan namin ang babaeng natanggal ang ngipin dahil sa pagkakasampal ko, balot na balot ng bandage ang magkabila niang pisngi na kulang nalang ay buong mukha na ang lalagyan. Nanginginig siyang tumingin sakin, ako naman ay umaktong parang hindi ko siya nakita.

"Nurse, pakilagyan naman ng first aid kit itong kaibigan ng fiance ko. Ang dami kasing galos oh!"- ako naman ay nagulat sa aking narinig mula sa lalaking ito. Fiance ko ang lalaking ito? Seryoso? Sabagay, tatanungin ko nalang ang parents ko kung totoo ang sinasabi ng lalaking ito.

"Teka, nakailang records kana dito sa clinic, ah! Bakit hindi ka naman yata tinatantanan ng nang aaway sayo?"- biglang sabi ng nurse kaya naman ay tumingin ulit ako ng masama sa babaeng yon, tila manginginig na naman siya sa takot dahil sa paraan ng pagtitig ko sa kanya.

"Kaya nga dahil doon ay napalakas ang pagkakasampal ko sa babaeng yon, tanggal pati ngipin."- sabad ko naman.

my wife is a vampireWhere stories live. Discover now