Prolouge

81 7 198
                                    

Prolouge

“Hey sweetie, you should fastened your seat belt,” saad ni dad.

Tinitigan ko lang ito dahil hindi naman ako marunong magkabit ng seatlbelt and as always dad notice it. He smiled at mabilis itong kinuha at inilagay sa akin. Nang masiguro niyang maayos na itong nakakabit, hinawakan niya ang ulo ko at bahagyang ginulo ang aking buhok.

“Matanda ka na dapat marunong ka nang magkabit ng seat belt mo,” bilin niya na naman sa akin.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong sinabi sa akin ni daddy pero sa huli, siya pa rin naman ang nagkakabit nito. Sumimangot ako sa kanyang ginawa at sinabi, ayaw na yaw ko talagang ginugulo ni daddy ang buhok pero palagi niya pa rin iyong ginagawa.

“Dad! Stop it… hindi na po ako bata,” saad ko sabay alis ng kamay niya sa buhok ko.

Dad chuckeled when he saw my face and immediately stop nang makita niyang mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang akin siyang lingunin.

“Okay…” sambit nito sabay taas ng dalawa niyang kamay.

“But you’re still my little princess Gwen,” malambing na wika ni dad habang nakangiti bago bumalik sa pagkakasandal sa kanyang kinauupuan.

Nawala ang pagsasalubong ng kilay ko at napangiti sa sinabi ni daddy. ‘And you’re the best and awesome dad in the world,’ saad ko sa aking isipan.

Muli kong ibinalik ang tuon sa bintana ng eroplano. Ito ang unang beses na makakasakay ako sa ganito kung kaya’t excited na excited ako. Ang mga mata ko’y punong-puno ng admirasiyon dahil sa magandang tanawin na natatanaw ko mula sa labas.

Ito na siguro ang pinakamagandang sunset na nasaksihan ko sa buong buhay ko. Nag-aagaw ang kulay kahel at asul na kalangitan. Ang mga ulap ay ay nagliliwag dahil sa sinag na nagmumula sa papalubog na araw.

Inilabas ko ang cellphone ko upang kunan ng litrato ang sunset mula sa bintana ng eroplano. ‘Ang ganda talaga’ nakangiting sambit ko sa aking sarili habang tinitingnan ang mga litratong nakuha.

Napalingon ako sa harapan nang magsalita ang flight attendant, “Ladies and gentlemen, this is Eunice Lozato and I’m your chief flight attendant. On behalf of Captain Madrigal and the entire crew, welcome aboard Sky High Airlines flight JP12TC34, a non-stop service from Manila to Hongkong.”

My lips automatically form a big smile on my face the moment I heard the Hongkong. I’m turning 16 tomorrow at ito ang regalong ibinigay ni daddy sa akin. A trip to hongkong disneyland.

“Our flight will be 2 hours and 8 minutes. We will be flying at an altitude of 321m at a ground speed of 826 miles per hour/kilometers per hour. At this time, make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position and that your seat belt is correctly fastened. Also, your portable electronic devices must be set in ‘airplane’ mode until announcement is made upon arrival. Thank you.”

Matapos magsalita ng flight attendant inilagay ko sa airplane mode ang cellphone ko gaya ng bilin nila at kinuha ko ang earphones sa kulay pink na sling bag na dala-dala ko. Makikinig na lang ako ng music para hindi ako mabored sa byahe.

I’m busy scrolling my playlist para maghanap ng kanta nang mapansin ko mula sa peripheral vision ko si dad. Nakapikit ito nang mariin at habang ang isang kamay ay nakahawak sa kaniyang dibdib.

“Daddy ayos ka lang po ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya. May mga butil ng pawis na namumula sa kaniyang noo. Binuksan niya ang kaniyang mata at naluluhang tumingin sa akin. He closed his eyes again and this time I saw tears fallling from his eyes.

Kinuha ko ang kamay ni daddy at mahigpit itong hinawakan, “Dad...” nagsisimula na akong magpanic. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala sila mommy ngayon dito dahil kaming dalawa lang ni daddy.

Napatingin sa amin ang ibang mga pasahero. Narinig ko ang pagtawag ng iba sa kanila sa mga crew ng eroplano. Hindi ko inalis ang tingin ko kay daddy. He’s in pain and I don’t even know what to do. All I can do is to continue calling his name.

Lumapit ang dalawang flight attendant sa gawi namin, “Sir are you okay? Naririnig niyo po ba ako?” tanong ng isa sa kanila. Hinawakan naman ng isa ang pulso ni daddy.

“Tell the situation to Captain Madrigal and others. We need medics here,” sambit nito sa kasama niya na namang umalis.

Lumingon sa akin si daddy. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. He barely smiled at me.

“I love you anak,” he muttered. Hindi ko man narinig ang mga salitang ito kay dad alam kong ito ang ibig sabihin nang pagbuka ng kaniyang bibig.

Sa hindi ko malamang dahilan bigla na lamang nag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko. Kitang-kita ko ang pagtirik ng kanyang mata at ang pagbula ng kanyang bibig.

“D-dad… D-daddy…” paulit-ulit kong tawag sa kaniya habang niyuyugyog ang kaniyang balikat.

Tiningnan ko ang stewardees, “A-ate ano pong nangyayari sa daddy ko?” tanong ko sa kaniya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin at hindi ako sinagot.

The next thing I knew, I was at the hospital. Para akong sinaksak ng libo-libong punyal nang ianunsiyo ng doktor ang kagimbal-gimbal na bagay na siyang magpapaguho sa mundo ko.

Dahan-dahan akong napaupo habang nakasandal sa pader. Ang kamay ko'y nakahawak sa tapat ng puso ko. Wala pa ring tigil sa pag-agos ang aking mga luha. Ang hagulhol ko ang siyang umaalingawngaw sa buong hallway ng hospital.

Ito na sana ang pinakasamasayang araw ng buhay ko pero hindi e. Dahil sa araw na ito, binawi ng tadhana ang lalaking pinakamamahal ko. I lost my dad the day before my special day.

Vincent Lavinia, dead on arrival. Cause of death: cardiac arrest.



Epiphany (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon