#Epiphany1
I woke up from the loud noise coming from my alarm clock. Pikit-mata kong kinakapa ang alarm clock na nasa gilid ng aking kama para patayin iyon.
Kahit pakiramdam ko'y hinihila pa ako pabalik sa kama, pinilit ko ang sarili kong bumangon at dumiretso sa cr para maligo.
After doing my morning routine, mabilis akong bumaba mula sa kwarto at nagtungo sa kusina. Nakayuko ako at dahan-dahang naglakad nang makita ko na nandoon na si mom kasama ang bunso kong kapatid si Nessie.
"Good morning mom," bati ko kay Mommy bago hinila ang silya at umupo. Tumango lang siya habang patuloy pa rin sa pagkain at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi na rin ako nagulat, hindi naman na bago sa akin ang mga ganitong tagpo.
Simula ng mawala si Dad ganito na ang pakikitungo sa akin ni mom. Noong una, masakit dahil hindi naman siya ganito sa akin. She's the most loving mother one could ever have. At hanggang ngayon, masakit pa rin pero the pain is already bearable. Siguro dahil nasanay na rin ako. Sa loob ng isang taon, araw-araw niyang pinaparamdam 'to sa akin at hindi ko rin naman siya masisisi.
I'm the reason why she lost the most important person in her life.
Ako yong dahilan kung bakit nawala si dad...
"Good morning Ate Vienne," nakangiting bati naman sa aking ng kapatid ko. She's Vanessa and we often called her Nessie, my 5 years old younger sister.
4 years old lang siya ng mawala sa amin si Dad. Madalas niya itong hanapin sa amin at maaga pa lang pinaintindi na namin sa kanya na wala ito. That he is already our guardian angel guiding us from above.
I composed myself bago humarap sa kanya at pilit na ngumiti sa harap ng kapatid ko.
"Good morning baby," bati ko saka hinalikan ang kanyang matabang pisngi. Napansin kong may kanin siya sa kaliwang pisngi at kinuha iyon.
"Tutukain ka ng mga chicken 'pag nakita nila 'to," pagbibiro ko sa kanya sabay pakita ng kanin na nakuha ko sa kanyang pisngi.
She giggled and started talking about chickens. I smiled, this time, a real one. Nagpapasalamat ako dahil nandito ang kapatid ko. Dahil sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano ako ngingiti sa sitwasyong mayroon ako ngayon.
Natigil sa pagsasalita si Nessie ng tumayo si mom. "Aalis na ako. Mali-late na ako sa trabaho," mom said.
Lumapit siya kay Nessie, yumukod upang magkapantay sila at inayos ang uniform nito. "Anong gusto ng baby ko mamayang pag-uwi?" mom asked.
"Donuts!" Nessie excitedly exclaimed.
"Okay baby. Si nanay na ang bahala sa iyo ha. Mom needs to go," paalam ni mom saka hinalikan si Nessie sa noo.
I bit my lower lips. At some point, I envy my sister dahil kailanman hindi nagbago ang pakikitungo ni mom sa kanya. Her full attention was on Nessie. At ako? Para na lamang akong sampid sa pamilyang 'to.
But I don't hate my sister. Hindi niya naman kasalanan kung bakit naging ganito ang treatment sa akin ni mom. Wala siyang alam at wala siyang kasalanan.
"Mag-iingat po kayo mom," sambit ko pero tuloy-tuloy na ang paglalakad nito palabas ng bahay.
I smiled bitterly habang nakatingin kay mom na unti-unting naglalaho sa paningin ko. When I looked at Nessie, nasa tabi na nito si Nanay Lina, ang kasambahay namin na siyang nag-aalaga sa amin ni Nessie at malungkot na nakatingin sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin at nagmadaling tinapos ang pagkain ko.
How I wish dad was still here. How I wish na sana hindi na lang siya kinuha sa amin. Siguro hindi kami ganito. Sana ngayon, tinatanong ni mom kung kumusta ako, kung anong mga nangyayari sa buhay, katulad ng dati. Dahil dati kung paano niya alagaan si Nessie ay ganoon rin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Epiphany (On-hold)
Teen FictionBTS Series #2 This is a story about finding myself... After all, it's not bad to choose yourself right? Ako naman... sarili ko muna... Started: 09-08-20 Ended: Highest Rank: #1 - Young Adult Fiction #2 - Loneliness #3 - Epiphany #4 - Believe #7 - Do...