TRUST

169 55 0
                                    

Axecel's Point of view

______________________________________
T - Trust

Sabado at hinihintay kong dumating ang amo ko. Tanghali na ngunit wala pa rin s'ya, pero sa totoo lang ay maganda talaga ang buhay 'pag ikaw ay isang VIP. Normal na pagkain na ang kinakain ko, may sarili akong banyo para maligo, hindi ko na rin kailangang maglaba ng damit ko, at higit sa lahat ligtas ako sa anumang peligro. Narinig ko ang mga papalapit na yapak, kaya umayos ako ng upo sa gilid ng kama. Pumasok ang isang lalaki sa pinto. Sa pakiwari ko'y nasa 30+ ang edad n'ya. May binulong s'ya sa dalawa n'yang kasama na siguro ay guard n'ya, tumingin muna ang mga ito sa akin bago umalis.

"Magandang tanghali! Ako si Arman." Tumayo ako at ngumiti kasabay ng paglahad ng aking kamay.

"Ako po si---" napatigil ako sa pagsasalita dahil hindi ko alam ang aking pangalan.

"Hindi mo rin maalala ang pangalan mo ano?" Nakipag kamay
s'ya sa akin.

"O-opo eh, hindi ko po alam ang pangalan ko." Sinenyasan n'ya ako na umupo. Nang maka upo ako ay umupo rin s'ya sa tabi ko.

"Simula ngayon ang pangalan mo na ay Alas, dahil balang araw ay magiging Alas ka ng islang 'to. Sa ngayon ay kailangan mo lang magtiwala sa akin." Naguguluhan ako sa sinabi n'ya. Isa lamang akong simpleng tao dito sa isla na pinalad isang araw, tapos magiging Alas ako? Gusto ko 'yon bilang pangalan ko, pero... ako? Magiging Alas ng islang ito? Imposible.

Sa tingin ko ay malapit ko ng malaman ang lahat. Para itong isang puzzle na iilang piraso na lang ang kulang at malapit ng mabuo. Malapit ng matapos.

"Malapit na , malapit ng matapos ang palabas na 'to."

Natutuwa,
Alas.

______________________________________
12am na pala! Hindi ko namalayan ang oras! Pero ayos lang dahil gabi pa naman ang pasok ko bukas, at kaonting pahina na nalang ang hindi ko nababasa.

The Alphabet's Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon