CHAPTER 12

242 223 6
                                    

Princess point of view

Today is Sunday, so wala akong gagawin ngayon linggo kaya dito ako sa kwarto buong magdamag, manonood lang ako ng k-drama HAHAHA

"Princess, bumaba ka na muna diyan sa kwarto mo." Sigaw ni mama mula sa baba.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at bumaba na ng kwarto ko.

"Yes ma? Bakit po?" Tanong ko

"Anong bakit? Wala ka bang balak mag breakfast?!" Sabi ni mama

Napatingin ako sa lamesa, ay shit, nakalimutan ko na mag breakfast kasi nasa isip ko puro k-drama, tinignan ko yung orasan namin already eight in the morning na, tumingin muli ako kay mama na nakataas yung kilay sa akin. Mygad! Galit na naman siya!

"Sorry po ma." Sambit ko

"It's okay, nagagalit lang ako kasi baka mapabayaan muna yung sarili mo." She said with a worried tone

"Ano ka ba ma? Syempre hindi ko papabayaan sarili ko dahil lang sa k-drama no" Sambit ko

"Kung pwede lang Sana, kung nakakain lang yung mga koreano kinain ko na, pero Hindi naman sila nakakain, sayang!" Bulong ko sa sarili ko, uy Biro lang yung mga sinabi ko hehe.

"Ano?" Tanong ni mama

"Ah? Wala po ma, tara na po kain na po tayo, ay wait? Nasaan na po ba si papa? Nauna na po ba siya sa trabaho niya?!" Tanong ko

"Oo anak, nauna na siya sa trabaho niya at ako naman, pagkatapos natin mag breakfast, aalis na rin ako." Paliwanag niya "kaya ikaw lang maiiwan dito sa bahay mag-isa, kaya bantayan mo tong mabuti, okay?" Bilin niya pa

Tumango lang ako sa kanya. Kumain kami ng breakfast ng tahimik ang paligid, wala ni isa ang nagsasalita sa Amin ni mama, well ganito naman kami palagi kapag kumakain, tahimik kami.

Pagkatapos namin kumain, ako na nag pasya na maghugas at magligpit. Nag simula na ako mag hugas habang si mama naliligo na. Pag katapos kong maghugas, saktong bumaba na si mama at naka ready na siya para sa trabaho niya.

"Oh anak ah, yung mga bilin ko sayo wag mong kalimutan, okay." Paalala niya

Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango, paanong Hindi ko makakalimutan yung mga bilin niya eh halos naka bente yata siyang paalala sa akin.

"Yes mama, Sige na po ma! Gumayak kana at baka matrapik ka pa po papunta sa mall." Sambit ko

Tumango lang siya sa akin tapos bago siya umalis kiniss niya ako at niyakap. Nang makaalis na siya sa bahay, sinigurado ko na naka lock ang pinto ng mabuti. Pagkatapos Kong I lock yung pinto, pumanik ako sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako ng binili ko kagabi bagong damit, isang over size t-shirt na kulay black tapos pants na kulay yellow lang yung sinuot ko. Tatlong kulay kasi yung pinili ko kagabi na over side t-shirt mga kulay, black, pink, yellow tapos sa pants naman tatlo din yun kaso, puro yellow lang pinili ko.

Habang nasa kwarto ako nakahiga at nanood ng k-drama, tinignan ko yung relo ko, ow. Ang bilis talaga ng oras, 1:30 agad. So, nagdecide na muna ako na matulog, a-alar'm ko nalang tong phone ko ng 3:00Pm ng hapon para medyo mahaba-haba tong tulog ko. Pinatay ko na muna yung phone ko at hinayaan ko na ang sarili ko na makatulog.

--

"Princessss, wake uppp!"

Unti-unti kong minulat yung mga mata ko dahil sa ingay ng alarm cloc'k ko. Saktong 3:00PM ako nagising, pinatay ko na yung alarm cloc'k ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya, bumaba ako sa baba para kumain. Pumunta ako sa kusina, kamalas-malasan naman talaga oh! Wala na kaming kanin pero ulam meron, no choice kaya bibili nalang ako sa kalenderya ng kanin sa tapat lang ng bahay namin.

The Princess Nerd Where stories live. Discover now