Prologue

7 1 0
                                    

Prologue

Habol ang hininga ko habang mabilis na tinatahak ang daan patungo sa Cafeteria. Isang minuto lang ang oras na binigay nya sakin para makarating don at galing pa ko sa dorm na ilang metro ang layo sa Cafeteria, para bang nakakapansisi ang pag kamangha ko sa lawak ng paaralan na ito.


Napatukod ang mga palad ko sa aking tuhod ng marating ko ang entrance ng malaking cafeteria ng paaralang ito. Pinunasan ko ang pawis na tumulo mula sa aking noo saka nilibot ang aking paningin para hanapin kung nasan sya. Nang makita ko syang masamang nakatingin sakin ay agad kong tinignan ang wrist watch ko at 10 seconds palang naman akong late.



Sino ba naman kasing matino ang may sabing sundin ko sya? Well, yung pera nya.




"Anong kailangan mo?" Tanong ko ng makalapit ako sa kinaroroonan nya.




"Late ka." Walang emosyong sabi nya. Napairap ako saka ngumiti ng sarkastiko sakanya.



"Sobrang lapit kasi ng dorm dito sa Cafeteria at ang haba masyado ng oras na binigay mo sakin, Mr. President." Lalong sumama ang tingin nya sakin at kulang nalang ay umusok ang ilong nya sa pag kairita.




"Ginagago mo ba ko Jayzen?!"



Oo.



Umiling ako sakanya saka matamis na ngumiti.




"Ipakita mo namang deserving ka sa 100 million ko Mr. Cortez." Nakangising dagdag nya na nagpakulo ng dugo ko. Sinabi ko bang bilhin mo ko?




"Hi Jayzen, gumagwapo ka lalo ha." Singit ng isa sa kaibigan nya, si Jacob. Ewan ko ba kung lalaki din trip nito o sadyang mapang-asar lang talaga. Nginitian ko lang sya saka muling bumaling kay Mr. President.




"Kunin mo yung laptop ko sa dorm, naiwan ko. 2 minutes." Umarko ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi nya. Kung yun lang din naman pala ang iuutos nya bakit hindi pa nya sinabi kanina para hindi ako mahirapan? Bwisit.




"Bakit hindi mo pa--"




"Angal ka?" Nilunok ko lahat ng mga salitang gusto kong isigaw mismo sa mukha nya dahil naalala kong pag mamayari nya nga pala ako, ang malas ko. "Bilisan mo, malapit na mag simula ang klase." Sabi pa nya. Gustong gusto ko syang sapakin nalang bigla sa mukha yung tipong hindi ako titigil hanggat hindi namamaga ang kamao ko. Pahirap sya masyado sa buhay. Habang hindi sya nakatingin ay inirapan ko nalang sya saka umalis. Kahit na mukha akong bakla sa ginawa ko ay hindi ako nag sisising ginagawa ko iyon tuwing naiirita ako sa kasamaan ng ugali nya.




Hindi ko ata kayang tagalan sya ng anim na buwan. Gusto ko mang itigil na ang pagpapaalipin sa kanya ay hindi ko magawa dahil sa kadahilanang nagastos ko na ang perang pinambili nya sakin, oo binili nya ko. Pag mamayari nya ko, kaya wala akong magawa kundi ang sundin lahat ng gusto nya.




Kung ano ang dahilan kung bakit naging pag mamayari nya ko? Isa lang, 100 million.



Rigid Raicco Fuentes, ang anak ng may ari ng skwelahang ito, ang presidente ng student council, ang nagmamay-ari sakin. Ang kamalas-malasang nakabili sakin.


---

Learn To Love.
Boys Love Series#1
Ayeeongg_

Learn To LoveWhere stories live. Discover now