Chapter 2

4 1 0
                                    



Jayzen's POV



Agad akong lumapit sa babaeng nakaluhod at pilit syang pinatayo pero ayaw nya.




"Rigid, please come back to me. I love you, I really really love you. Please. Rigid." Umiiyak na sabi ng babae.




"Enough, Elly! Desperada ka na. Hindi mo ba nakikita? Ayaw ko na sayo." Sigaw nya pabalik sa babae. Sinamaan ko sya ng tingin kahit na hindi naman sya sakin nakatingin. Kahit ano mangyari babae parin ang kaharap nya! Dapat hindi sya ganito. Nakakainis ang ugali nya.




"I still love you, Rigid."




"But I don't. Get out Elly." Pumikit sya na parang pinipigilan ang sarili saka tinuro ang pintuan na daan papalabas dito sa office nya.





"Rigid! Ano ka ba naman." Saway ko dito. Ayaw ko man na manghimasok ngunit naaawa na talaga ako kay Elly. Grabe nya sigurong kamahal si Rigid. Ang tanga nya at sinayang nya.




"What?" Iritadong baling nya sakin.




"Wag kang ganyan mag salita. Babae parin sya."




"Tss." Pabagsak nyang inupo ang sarili nya sa swivel chair saka hinawakan ang sintido nya. "Palabasin mo sya dito." Utos nya sakin. Lumuhod din ako para paabot ko sya at pinunasan ang luha nya.





"Elly, pakalmahin mo muna ang sitwasyon. Bumalik ka nalang dito pag hindi na mainit ang ulo ni Rigid." Pag papakalma ko dito.




"Ano mo si Rigid?" Mataray na tanong nya. Nagulat ako dahil sa tono ng pananalita nya. Walang wala sa kaawa-awang babae kanina.




"Personal Ass-"




"Wala ka na don. Lumabas ka na dito." Pag putol ni Rigid sa sasabihin ko. Hinawi ng babae ang pag kakahawak ko sa braso nya saka padabog na humakbang palabas.




"Bakit ba ganon ka makipag usap sakanya? Babae yon."




"Paki mo ba?" Masungit na tanong nya. Napairap nalang ako at padabog na umupo sa sofa dito sa loob ng office nya. Dyata nga sa labas pa ko umupo, diba? Lol corny.





"Ano bang kailangan mo?"




"Nag rereklamo ka ba Cortez?" Nakataas na kilay na tanong nya. Gusto kong sabihin na Oo. Pero wag nalang baka sipain ako nito palabas.




"Hindi po. Mr. President." Nakangiting sagot ko, pero syempre plastic. Wag nyo ng asahan na totoo lahat ng ipapakita ko sakanya hindi nya deserve. "Ano pong kailangan nyo?"




"Ha? Uhmm..." nilibot nya ang paningin nya na parang may hinahanap saka bumaling sakin. "Mag linis ka." Seryoso? Gusto ko sanag isigaw sakanya na PA ako at hindi yaya pero syempre 100 million. Pinag masdan ko ang buong paligid at  mukhang kalilinis lang naman? Seryoso ba sya?




"Malinis naman na ha?"




"Ede linisin mo ulit. Bilisan mo. Wag kang pabagal-bagal." Napairap muna ako bago kinuha ang vacuum cleaner sa lalagyan at sinimulang mag linis sa malinis namang office nya. Mema lang siguro sya. Mema utos.




Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko saka hinawi ang buhok ko, nakakapagod din palang linisin ang malinis namang lugar no? Hinawi kong muli ang buhok ko at napatingin sa gawi ni Rigid na nakatingin sakin pero agad nyang iniwas ang tingin nya ng mapansing nakatingin ako sakanya.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Learn To LoveWhere stories live. Discover now