Chapter 1

2 1 0
                                    


Jayzen's POV


Maayos kong inilagay ang mga damit ko sa cabinet ng bago kong kwarto. Yes, bago. Simula ng 'mabili' ako ng president na yon ay sa iisang dorm nalang kami nakatira, dapat nung nakaraang linggo pa ko dito pero medyo nahirapan ako sa pag lipat masyado kong madaming dala.


Huminga ako ng malalim matapos palibutan ng tingin ang kabuoan ng silid ko. Mas malaki ang dorm na tinutuluyan ko ngayon kesa sa dati, syempre presidente ang kasama ko e, wag na kong magtaka.



"Cortez!" Dali-dali akong lumabas ng silid at halos mapaatras ako ng bumulaga sakin ang hubad na katawan ni president pag bukas ko ng pinto, topless lang ha wag kang excited.




"Y-yes president?" Sa hindi malamang kadahilanan ay napayuko ako at hindi mapakali ang mga mata ko kung san ba ito dapat tumingin. Naiilang ako at hindi ko alam kung bakit. Lagi namang nakahubad si Rade pag nagpupunta yon sa dorm ko pero hindi naman ako naiilang, saka isa pa bakit ba ko naiilang e parehas naman kaming lalaki?




"Nagugutom ako. Magluto ka." Pag kasabi nya non ay tumalikod na sya saka umalis. Pinagmasdan ko ang likod nya at saka bumuntong hininga. Kararating ko lang utos agad? Haynako Jayzen hindi ka na nasanay.





Nagpunta na kong kitchen at binutingting na ang mga gamit doon saka naghanap ng kung anong laman sa ref para iluto. Malaki ang kitchen nya at hindi makalat, ayos na ayos ang mga gamit kaya naman hindi ako nahirapang hanapin ang mga bagay na kakailanganin ko.





"Matagal pa ba yan?" Sa kalagitnaan ng pag hahalo ko sa niluluto ko ay may iritadong boses ang bumasag sa maganda kong mood. Kung gusto nya ng mabilisang pagkain de sana sinabi nya, sana pinagluto ko nalang sya ng instant noodles.





"Malapit na, konti nalang." Magalang kong sagot. Buti nalang talaga sanay akong magluto. Kundi mamumuti ang mata nya sa gutom.




"Tss, bilis." Napairap ako sa pagkairita. Bakla mang aminin pero ganon ang ugali ko pag naiinis. Napapirap. E kung ipakain ko na kaya sakanya to, patay gutom.




Hindi na ako kumibo at pinag patuloy nalang ang ginagawa ko. Malapit nadin namang matapos itong niluluto ko.




"Heto na po." Pabagsak kong nilapag ang mangkok ng ulam na niluto ko. Naiinis ako sa pagiging bossy nya. Buti nalang di natapon.




Nakangiti ko syang tignan at hindi inalintana ang sama ng tingin nya sakin. Habang ako iwas na iwas na masagi ang tingin ko sa hubad nyang katawan.





"Ano to?" Kinuha nya ang kutsara na kasama ng mga plato at sinawsaw sa mangkok ng ulam na niluto ko saka inamoy.





"Walang lason yan wag kang mag alala. Wala pakong balak lasunin ka sa ngayon." Bulong ko sa huling pangungusap na binanggit ko. Wala pakong balak mamatay no saka isa pa pera nya ang nagpaginhawa sa buhay namin, kaya kunware nalang mabait ako sakanya. Kunwari. Jokjok lang.





"Makakain ba to?" Napairap ako at padabog na naupo sa harap nya.




"Oo naman no! Ang arte mo naman. Masarap yan gisadong sardinas with sayote, favorite ko yan at saka isa pa no sayote nalang ang meron ka sa ref mo. Yaman yaman mo walang laman yang ref mo." Kumuha ako ng kanin at nilagyan ang plato naming dalawa, nilagyan ko na rin ng ulam at saka ako nag simulang kumain. Napahinto ako sa pag subo nang mapansin kong nakatitig lang sya sakin na parang manghang mangha sa ginawa kong pagkain. "Masarap nga promise. Duwag mo naman. Bakla ka ba?" Umiwas sya ng tingin saka tinuon ang atensyon sa pagkain. Para bang nag dadalawang isip pa sya kung kakainin ba nya o hindi. "Hoy, lalangawin na yan." Unti unti nyang nilapit sa bibig nya ang kutsara at napansin ko naman ang pag taas baba ng adams apple nya bago nya isubo ang pagkain.




Learn To LoveWhere stories live. Discover now