Simula.
Jayzen's POV
Abot-abot ang kaba ko ng tuluyan akong makalabas ng dorm ko dito sa loob ng skwelahan na pinapasukan ko ngayon. Scholar lang ako at umaasa sa auctiong magaganap mamaya. Sana'y malaki laking pera ang mapunta sakin, may sakit si lola kailangan ng malaking pera para sa pag papagamot nya.
"Hoy Jayzen ngumiti ngiti ka naman." Sita sakin ng kaibigan ko.
"Pano Rade? Mukha bang gusto kong magpabili sa mga 'officers' nyo dito?" Inis kong sagot sakanya. Ngunit alam ko naman na kahit anong ayaw ko ay wala akong magagawa dahil kailangan ko ng pera.
Every six month ay may nagaganap na auction. Sampung studyante ang pinagbotohan para sa auction, limang studyante ang kailangan at isa ako sa pinag palang studyanteng iyon. Ang limang napiling studyante ay ang pinaka bida sa magaganap na auction dahil sakanila iikot ang mga pangyayari, ang limang officers ay nararapat na magkaroon ng tigiisang studyante upang maging PA nila, pero may kapalit. Pera.
"Pera, pera, pera." Mapanginis na wika nya. Hinawakan ko ang strap ng bag ko at sinimulang mag isip ng mga posibleng bagay na mangyari mamaya sa auction.
Lima ang officers dito, Ang Tresurer, PRO, Secretary, Vice President, at President. Isa-isa kong inalala ang mga mukha at pangalan ng bawat officer at kinilatis sa kanila kung sino ang posibleng makapili sakin.
Tresurer: Jacob Mourize Lortex. Mukhang maloko to base sa kilos at ngiti nya, mukhang di kami mag kakasundo. Mabait kasi ako e, LOL. At sa tingin ko ay hindi nya trip ang lalaking PA, wala lang hula lang.
P.R.O: Crayzon Lavver Jimenez. Eto mukhang mabait at hindi makabasag pinggan. Mahinhin syang lalaki pero hindi naman sya mukhang bakla, sadyang tahimik lang sya at madalas walang kibo, pansin ko lang. Sana sya ang makapili sakin. Pleaseee.
Secretary: Yxabellee Cross. Ang nag-iisang babae. Eto posibleng piliin ako. Pero sana si Crayzon talaga makapili sakin.
Vice President: Tyrrone Hernandez. Eto mukhang maloko rin gaya ni Jacob. Ayoko dito.
President: Rigid Raicco Fuentes. Mas lalong ayaw kong mapunta dito! Base sa napansin ko, simula ng mapadpad ako dito isang linggo na ang nakakalipas, wala pa kong nakitang nginitian at pinakitaan nya ng galang at kabaitan. Kung ayaw ko kay Jacob at kay Tyrrone, triple ang sa taong ito. Mukhang hinding hindi ko magugustuhang ang ugal nito.
"Jayzen, ayusin mo nga yang mukha mo. Kung ako ang mga officers, hinding hindi kita pag aaksayahan ng pera." Nawala ang pag mumuni-muni ko ng mga bagay-bagay at inis na tinignan ang katabi kong nag lalakad.
"Tigil-tigilan mo ang pang iinis sakin ngayon Rade ha. Wala ako sa mood."
"Ang sunget pre ha, may regla ka no?" Abat! Buong pwersa ko syang binatukan at sya naman ay tumawa lang na para bang hindi man lang nasaktan sa pambabatok ko. Matibay.
"Palibhasa mayaman ka, kaya wala kang pinipoproblema tulad nito." Madramang sabi ko. Nanlaki ang dalawang mata ko ng akbayan nya ko ngunit agad din akong nakabawi ng marealize ko na, ganto naman talaga sya. Kung hindi kami mag kaibigan nito iisipin kong may gusto sya sakin. LOL.
"Gusto mo ba ampunin nalang kita?" Nakatanggap nanaman sya ng batok sakin na kinatawanan nanaman nya. Abnormal talaga. Napahinto kami sa paglalakad ng tumunog ang speaker na malapit sa kinatatayuan namin na hudyat na may announcement na magaganap.
YOU ARE READING
Learn To Love
RandomSa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang panahon, at sa hindi inaasahang tao... Ako natututong magmahal.