PROLOGUE

10 0 0
                                    

AN: Antok na ako nong sinulat ko to kaya sorry sa typo mwa!!

AZZY LYNNE CRUZ MORENA!!!

Napabalikwas ako sa sigaw na yon ni nanay,grabe ang agang panira ng araw! Masisira pa ata ang precious kong tenga dahil sa ingay nya!

Wala na akong magagawa kundi ang bumangon ng maaga kasi nga sunday at kapag sunday malamang! dapat ilaan sa panginoon ang araw na ito kaya nagmadali na akong pumunta sa banyo.

Nagsuot lng ako nang casual dress na kulay blue kasi yon paborito kong kulay tapos partner na white shoes.

Nagmadali na rin akong bumaba at pumunta sa kusina para sa almusal.Nadatnan ko silang lahat na nakatitig sakin,alam ko na ang ibig sabihin nang titig nilang yan.Ako lng naman ang magdadasal kasi nga ako yung late.

Umupo ako sa tabi ni Zaica short for Zainn Cale Cruz Morena.Ang pinaka close ko sa lahat kasi sya lang naman ang nag iisa kong kapatid.Katapat naman namin si nanay tapos sa gitna naming tatlo si tatay.

Di ko na pinahaba ang dasal ko,nagrereklamo na kaya ang mga alaga ko sa tiyan.

Kanina pa ako gutom! Pano ba naman kasi nanaginip lang naman ako na wala akong kain sa loob nang limang araw kaya ang resulta ako ang nakaubos ng pagkain namin

Wala na silang reklamo,kilala na rin naman nila akong matakaw.
Kasalanan ko bang lagi akong nananaginip na wala akong makain?

Pagdating namin sa simbahan kinamusta muna kami ng mga ashers at saka pumasok sa loob.

Dalawang oras lang naman ang simba namin kaya maaga lang rin nakauwi sina nanay at tatay.Kung bakit sila lang ang umuwi at di kami kasama,may bonding pa kasi kami ng mga barkada ko na member din dito sa church. Syempre namimili rin ako ng kakaibiganin no para iwas temptations!

Zylene san tayo ngayon? Tanong sakin ni angel,and bestfriend ng kapatid ko.

Iwan,san ba maganda? Sagot ko.

Kina herald tayo ngayon wala daw tao sa bahay nila. Sagot ni raisy,ang pinaka mature mag isip saming lahat.

Tiningnan ko si herald at ang luko di man lang nakikinig sa usapan puro cellphone inaatupag!

Herald puro ka landi,nasa simbahan pa tayo may mamaya pa naman siguro nyan ano? Sarkastik na sabi ko sa kanya,palagi nalang talaga yang may ka text o ka chat,di man lang ginalang ang maganda kong mukha!

Nakikinig ako wag kang oa jan tss. Abat, sinong oa? Ako ba? Ako na maganda ay oa daw? Pedeng manapak ng lalaki?

Chill guys mahiya naman kayo kay G,kakasimba nyo palang sa lagay na yan ha. Sabi ni feya na lagi nalang umaawat saming dalawa ni herald pag mag aaway na kami.

Inirapan ko nalang si herald na nakangisi na ngayon. At talagang inaasar pa ako nang luko, sinabihan lng naman akong pikon na walang lumalabas na ingay sa bibig nya para walang makarinig! Lalo talagang pinapainit nito ang ulo ko! Grrrr!

Tara na nga,nangangamoy away na dito. Sabi ni zaica na hila hila na ako papuntang sasakyan.

Bakit pakiramdam ko sya yung ate?

Magkita kita na lang tayo kina herald!! Malakas na sigaw ni hazel sa aming lahat.

bago ako makasakay nakita kong sumabay ang lahat nang lalaki kay herald."Ang tatamad talagang magdala ng sasakyan may driver naman" nasabi ko na lang sa isip.

Habang nasa byahe iniisip ko ang mga events na gagawin namin ngayong summer.Malapit na kasi, excited pa naman ako sa youth camp at vbs!

Bat nga ba nahuhumaling ang isang dalagang tulad ko sa youth camp?
KASI MARAMING GWAPO!! Naks naman iniisip ko pa lang kinikilig na ako hehe baka sakaling may ibigay si Lord,charot!

When Love BloomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon