Chapter 30

13 2 0
                                    

Kinaumagahan, halos lahat ng tao sa bahay sobrang abala at alala sa akin. Ayaw akong magpuyat. Pinapakain ako nang masustansya at sa tamang oras.

Si Mommy sobrang abala sa pagreresearch ng mga kung ano-ano tungkol sa pagbubuntis. Akala mo talaga hindi pa nagkaroon ng anak at walang alam.

Si Daddy naman, ambag lang ang moral support at advices. Matatawa na lang talaga ako sa hitsura nila sa tuwing inaalagaan nila ako.

Unang araw pa lang 'to na nalaman naming buntis ako pero mukha na silang stressed. Paano pa kaya kapag nanganak na ako?

Nasa loob ako ng kuwarto ngayon, katatapos ko lang maligo. Binabasa ko ang mga prinint out ni Mommy na mga articles tungkol sa healthy na pagbubuntis. Pakiramdam ko talaga si Mommy ang manganganak, eh.

Sumasakit lang naman ulo ko dito. Tsaka araw-araw namang tinatawagan ni Mommy si Doc para magbigay ng updates.

"Anak, hindi ba dadalaw ka sa puntod ni Nathan ngayon?" sulpot ni Mommy sa kuwarto ko.

Syempre. Kailangang malaman ni Nathan na magiging tatay na siya. Hahaha! Sobrang excited na nga ako, eh.

"Opo, bibihis lang ako." sagot ko.

"Hindi anak, okay na yang suot mo. Mainit sa labas baka mapagpawisan ka nang sobra."

At eto na naman siya sa pagiging maaalalahanin.

"Sige po, tara na." sabi ko na lang para hindi na himaba pa ang usapan. Tumayo na ako at sumabay sa kanya pababa.

"Manang, magdala ho tayo ng payong." utos ni Mommy.

Kumuha naman si Lola ng payong at agad na kaming sumakay sa kotse.

"Mom, can I have the copy of my ultrasound?" tanong ko bago lumabas ng sasakyan. Alam naman nilang hindi ko sila gustong samahan ako kaya magsstay na lang sila rito sa sasakyan.

"Eto, anak." sabi niya sabay abot sa picture ng ultrasound ko.

Kinuha ko yon at masayang lumabas sa sasakyan. Binuksan ko ang payong na binaon namin dahil sabi ni Mommy, kailangan daw kasi sobrang init. Sumunod na lang din ako.

"Babe, may maganda akong balita." sambit ko nang makarating ako sa tabi ng puntod ni Nathan.

Bago ko pa man masabi ang sasabihin ko, nagsilapit na naman ang napakaraming bulaklak sa tabi ko. Nasa tabi ko na naman siya.

Napangiti ako. "Magiging tatay ka na." Inilapag ko ang kopya ng ultrasound ko sa lapida niya.

Walang luhang pumatak sa mga mata ko ngayon. Puro ngiti lang at saya. Kahit wala na rito si Nathan, walang araw na hindi niya pinaramdam na nasa tabi ko lang siya.

At kahit iniwan niya na ako, may binigay naman ang Diyos na mula sa pagmamahalan naming dalawa.

"Lagi mo lang kaming babantayan ng baby natin ha? Mahal na mahal ka namin." bulong ko.

Pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang mga pangyayari kahapon at ang mga kaguluhan nila sa bahay dahil sa excitement, nagpaalam na ako kay Nathan.

"Dad, kina Tito Nathaniel po tayo." paglalambing ko kay Daddy na nasa driver's seat.

"Nga pala, tumawag pala sila kanina, tinatanong kung kailan tayo dadalaw, buti na lang anak pinaalala mo." singit naman ni Mommy.

"Sinabi mo na pong buntis ako?" tanong ko.

"Of course not, anak. Ikaw dapat ang magsabi." sagot naman niya dahilan para mapangiti ako.

Nang makarating kami sa bahay nila Nathan, agad na sumalubong sa amin ang parents niya.

"Gab! Naku, anak! It's so good to see you!" Tita exclaimed and she came near to hug me. Ganon din si Tito.

"Hello po tito, tita." I greeted.

"Kumusta na kayo?" tanong naman ni Daddy sa kanila.

"Okay naman kami. Ay naku, sa loob na tayo magkamustahan. Balita ko'y may maganda ka raw balita sa amin, Gab sabi ng Mommy mo." sabi ni Tito at sinenyas ang kamay na pumasok na kami.

"Opo, tito." sagot ko na lang at sumunod na kami sa kanila.

"Yaya, yong meryenda please." narinig kong utos ni Tita bago kami umupo sa sala nila. Sinundan naman ni Lola Teresita ang katulong nila para tumulong.

I cleared my throat before I finally speak up.
"Tito, Tita, gaya nga po ng sabi ni Mommy, I have something to tell you."

"Ano ba iyon, hija? At mukhang napakaganda ngang balita base from all of your faces." nakangiting sabi ni Tito at sinundan naman iyon ng hagikhik ng parents ko at si Tita.

"I'm pregnant po." I proudly said. Syempre, hindi ko na patatagalin pa. Alam ko namang naeexcite na ang magiging Lolo at Lola ng anak ko.

"Oh Jesus Christ! Totoo ba? Honey, magiging Lolo at Lola na tayo!" masiglang sabi ni Tita at napahawal sa kamay ni Tito.

"I'm two weeks pregnant po." dagdag ko.

"Wow, Gab, I'm so happy. Alam kong masaya rin si Nathan." sabi ni Tita at lumapit para yakapin ako. I'm so sure Nathan is happy. Siguradong-sigurado iyon.

"I'm excited to meet the baby, hija." sambit ni Tito at pinisil ako sa kamay. Halatang hindi na mapigilan ang saya.

Nang matapos na kaming magmeryenda at magusap-usap, nagpaalam na kami at umuwi ng bahay.

Sa tabi ng kama ko, kung nasaan ang litrato ni Nathan na pagkalaki-laki, nagsindi ako ng kandila at nagiwan ng panalangin.

------
Isang taon na ang lumipas at nasa puntod ako ni Nathan para ipagdiwang ang isang taong pagpanaw niya at para magpaalam na rin.

Ngayon na kasi ang oras para pumunta akong Switzerland gaya ng ipinangako ko kay Mommy at Daddy. Pero hindi naman ibig sabihin non na hindi na ako babalik rito.

"Natanya, come here baby, let's say goodbye to Papa." sabi ko sa anak ko na tatlong buwan pa lamang. Karga siya ni lola kaya kinuha ko muna siya para harapin ang puntod ni Nathan.

I promise, babalik kami dito kapag may isang taon na si Natanya.

Umupo ako sa tabi ng puntod ni Nathan at pinagmasdan ang munting apoy na galing sa maliit na kandilang sinindihan ko sa harap ng malaki niyang litrato.

Life is like this little candle. Sobrang ikli lang ng buhay so we must not waste any moment of it. Let's be a light to someone who needed light.

It's like Nathan. He became the light I needed when I was in darkness. At kahit wala na siya, dahil maikli nga ang buhay na nakatadhana para sa kanya, my life should be this little fire on this candle.

Ang buhay ko ay magpapatuloy katulad nitong munting apoy. Naiwan man ako ng taong pinakamamahal ko, alam kong ang buhay ay magpapatuloy.

Sadyang maikli lang ang naibigay na oras sa aming pagmamahalan, pero ang alab na mayroon ito'y naglalagablab at magpapatuloy hanggang sa huling sandali ng aking buhay.
Lalo na't may iniwan si Nathan na dahilan para ipagpatuloy ko ang mabuhay.

:)

AlabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon