I welcomed the New Year with my family.Though,I'm with my family,I cannot lie,I feel incomplete.Tita joined the New Year's eve through video call,and I'm secretly hoping that Jazz will ask for me and such,but that thing didn't happened.
The class started and Jazz ask our prof if he can exchange seats.Good thing he didn't ask that thing in front of me.I only knew what happened through my classmates who talks behind my back.I didn't know if they already knew about our break-up,pero sa taglay nilang ka-chismosahan,hindi na ko magtataka.
Dumiretso ako sa cafeteria at kumuha ng table.Nilabas ko ang phone ko.
Me:
Ano na?Pag-hihintayin mo nanaman ako?Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya.
Rayden:
Pag labas ko ho kasi ng room ay hallway,bumababa pa ho kasi ako bago makarating sa lintek na cafeteriang pagkalayo layo.Po.Me:
Jusme,ke-tagal!Hindi na siya nag-reply dahil nandito nadin naman siya.
"Anong pagkain dun?"tanong niya.
"Aba malay ko,hindi naman ako tindera"umarte siyang ginagaya ang sinasabi ko at nag make face pa!Nag lakad siya papalayo para bumili ng pag kain,sumunod naman ako.
Inakbayan ko siya kaya napayuko siya. "Ano ba yun?Hindi kita ililibre eh!"
Lalo ko pa siyang binaba. "Ang bait naman ng bestie ko!Manlilibre!"ginulo ko ang buhok niya habang nagpupumilit siyang kumawala.
Napatigil ako ng may dumaan sa harap ko.Hawak niya ang tray na may pagkain para sa dalawang tao.He stopped when he saw us.He looked at our position and then he smirked.Napaayos ako ng tayo.Rayden looked at me with so much confusion and then he looked at the person I'm looking at.
Bumalik uli sakin ang paningin ni Rayden at inakbayan ako. "Tara!Ano bang gusto mo,bilis baka mag bago pa isip ko"at hinila niya ko palayo.
Habang kumakain,hindi ko maiwasang tignan ang table kung nasan siya at si Ianna.She came to visit him,huh?
"Yan tayo eh,sinamahan mo lang ako para sa libre ko?Ang galing!"hindi ko siya sinagot. "Zoey nandito ako oh,sa harap mo mismo...kung saan saan pa kasi tumitingin..."
"Ha?Ano yun?"
"Hatdog!"
"Psh!"
He looked back para makita ang tinitignan ko. "Ayun ba?Eh walang wala pala yun sayo eh?"nangunot ang noo ko. "Oo!Maniwala ka sakin!Daig mo pa yun!Aba,mas malakas topak mo dun panigurado-aray!"
"Ayan!Dyan ka magaling!"I rolled my eyes at him.
"Pero seryoso..."he looked at me straight into the eyes. "I know you're more worthy than anyone else..."I got swayed by that.
"Psh!HAHA,hindi bagay sayo!Kumain ka na nga!"I said to him and he smiled and nodded before he continue eating.
I'm happy for him,at least he knows where to stand,at least he knows where he will be happy.Though it hurts,that its no longer me,and no longer with me.
Today,Rayden have a basketball practice,he texted me to come along.I hesitate at first,kasi syempre ano bang gagawin ko dun?Isa pa,nandun si Jazz for sure.They're teammates.
"Dito nalang kaya ako?"huminto kami sa paglalakad,nasa harap na kami ng campus.Lumingon ako sa paligid. "Dun oh,sa coffee shop nayun,hintayin nalang kita don,kahit matagal-"
"Kahit hanggang bukas?"kinunutan ko siya ng noo. "Wag ka ng umarte,samahan mo na ko minsan lang to eh,tsaka,hindi naman si Jazz pinunta mo dun diba?Hindi naman diba?Ano?Sagot!"tinanguan ko siya. "Yun naman pala eh,tsaka may gagawin ka dun,di ka lang tatambay."
"Huh?Anong gagawin ko dun?"
"Taga punas ng pawis ko-Aray Zoey!Joke lang naman!Mapanakit ka talaga eh noh?!"inirapan niya ko.
"Tss,bading!"
"Eh kung ha-"
"Sige ano!"inambaan ko siya ng suntok.
"Hatdog!
Hinila na niya ako hanggang sa makarating kami sa court.And to my surprise,wala pang tao,maliban sa janitor.
"Hoy pwede ba tayo rito?"Tanong ko kay Rayden ng magdire-diretso siyang lumakad sa gitna ng court.
"Boss peram kami ng bola."aniya sa janitor.Pag ka-pasa sa kaniya ng bola,tumingin na siya sakin. "Hindi,pero tayo pwede."
"Huh?"
"Pwede yan,ako bahala.Oh salo"binato niya sakin ang bola.Nakita ko kung paano siyang nagulat.Nasalo ko ang bola kahit hindi ko inaasahang mabilis niyang ibabato sakin yun,at mabilis rin akong naka-pwesto para i-shoot ang bola.
Bingo!
"Ano?Panis!"pagya-yabang ko.Ginanahan ako kaya inilapag ko sa bleachers ang sling bag ko.Good thing I'm wearing a leggings and a comfy shirt. "Akina!Pasa!"
He smirked at me. "Anong pasa?Magkalaban tayo uy!Agaw!"
Ini-stretch ko ang mga kamay ko na para bang naghahanda.Nag umpisa siyang mag-dribble at gumalaw,binantayan ko siya.Umikot siya pakaliwa habang nag-dribble.Alam ko na ang technique na yun kaya imbes na sundan ko siya sa kaliwa ay nag-abang ako sa kanan.And viola!Naagaw ko ang bola.Tumakbo ako papuntang ilalim ng ring at shinoot ang bola.
Bingo!
"Oy oy oy!Ano yun?Traveling yun ah!"aniya habang nakaturo sakin at ang isa niyang kamay ay nakahawak sa bewang niya at naglalakad papalapit sakin.
"Sinungaling!Anong traveling!Eh wala nga kong dalang passport!"alam ko ang tinutukoy niya,pero gusto kong mang-inis.
Nag-dribble ako kahit hindi ko sigurado kung tama ba ang ginagawa ko,at kahit muka akong tanga.Sinubukan kong gawin ang ginawa niya kanina pero hindi ako makabwelo.Siguradong kung nagawa kong hulihin siya kanina ay mas kaya niyang gawin yun.Pero sinubukan ko parin.At sa kamalas-malasan,pag-ikot ko ay natapilok ako!Naihagis ko ang bola at kung babagsak ako ay likod ko ang mapupuruhan.
I closed my eyes,naghahanda sa pag-bagsak.But someone catches me.I opened my eyes,at pag dilat ko ay tumama ang noo ni Rayden sa noo ko.Nalaglag ang bola na naihagis ko sa ulo niya kaya nag-kauntugan kami.Kasabay ng pagpikit niya ay ang pagpikit ko din dahil sa sakit ng pagkaka-untog.Napa-kamot ako sa noo ko.Pag dilat ko ay nag tama ang paningin namin ni Rayden,parehas na naka-kunot ang noo namin.Nakahawak padin siya sakin mula sa pagkakabagsak ko.Ilang segundong titigan bago...
"HAHAHAHAHA!"sabay kami na tumawa,napaluhod na siya para ihiga ako sa sahig at pagkatapos non ay humiga din siya sa tabi ko.Unan ko ang braso niya. "Grabe Zoey!Mag bawas ka nga,ang bigat mo!HAHAHA"
"HAHAHA,kapul ka sa ulo noh!"
Nagtawanan lang kami hanggang sa makarinig kami ng yabag patungo saamin.Sabay kaming tumingin ni Rayden sa paanan namin para makita kung sino ang nandon.
Si Jazz!
And he's with Ianna.Naka-sabit ang kamay niya sa braso ni Jazz.It hurts me,but I can't deny it.They look good together.
I looked at Rayden,at walang sabi sabi,sabay nanaman kaming tumawa!
"HAHAHA!HAHAHA-"
"Just get a room."it's Jazz.He looked so bored.After he delivered his words,they head towards the bleachers,right next to where my bag's at.
Enjoy reading...
~Rhodon
YOU ARE READING
October First
Подростковая литератураThere's this two guy who she met during middle school. She had feelings for the both of them in different times during middle school,luckily both of them doesn't care about her or didn't even knew she existed. She get that as a perks for her because...