CHAPTER 1

26 2 0
                                    

Jonga's POV:

"Maraming salamat sa pakikinig. Huwag niyong kakalimutan ang inyong takdang-aralin ha. Kailangan printed, colored, at nakalaminate. Kapag may gusot o gasgas ay hindi ko tatanggapin," sabi ni Prof Vergara.

Nagring na ang bell kaya nagsitayuan na kami. Napakamot naman ako sa ulo at napahilamos sa mukha. Saan ako nito kukuha ng pampaprint? Ni pamasahe nga ay wala ako!

"Oh pre, bakit parang pinagbagsakan ka na naman ng langit at lupa?" tanong ni Chog sa akin.

"Hoy Chog, tigilan mo nga ako. Wala ako sa mood ngayon," inis kong sabi.

"Hoy ka rin, Jonga. Huwag mo akong tawaging Chog at panira sa chix! Reynald o Rey ang itawag mo sa akin, ang bango-bango ng pangalan ko eh. Ang napakagwapong si John Reynald Alviar!" sigaw pa ni Chog.

Napailing na lang ako at isinukbit ang aking bag. Muntik ko pang maibato ang upuan ko nang bumukha ang zipper ng bag ko at masira.

"Putang ina, konti na lang talaga. Yayaman din ako pagdating ng panahon," timpi kong sabi.

"May extra akong bag sa bahay, iyo na lang. Bigay noong eleksyon ni Kap Milar, hindi ko pa naman nagamit. Ang angas pa nga ng style," alok ni Chog.

"Salamat pre, pasensya na ah. Sabay tayo palabas tapos deretso na ako sa prutasan nila Ching para magtinda. Alam mo na, walang kakainin si Jeric at Kinchay. Naggagamot pa si tatay ngayon," buntong hininga kong sabi.

"Sige pre, tulong ako sa inyo pagsweldo ko kay Tiyang Cora. Ingat ah, ikumusta mo na lang ako sa kanila," sabi ni Chog kaya tumango ako.

Sabay kaming lumabas ng Bernardo Senior University ni Chog pero umiba na ako ng daan. Sapo ko pa ang ilalim ng bag kong sira na ang zipper. Lintik na ito, ang galing ng timing.

4th year college na ako ngayon. Kumuha ako ng kursong Biology dahil gusto ko sanang magdoktor kung papalarin, kung hindi pasyente na lang. Wala kasi kaming pera at scholar ng bayan lamang ako. Tumigil pa ako ng isang taon dahil sobra kaming kinapos.

Laki ako sa hirap simula kabataan. Sa squatter lamang kami nakatira pero masaya. Madami ngang nagtataka kung bakit daw napakagwapo ko kahit mahirap lamang kami. Amerikana raw kasi ang nanay ko sabi ni tatay, wala naman akong pake sa ina namin dahil pinabayaan niya kami.

Sanggol pa lamang yata ako nang iwan ako ni nanay. Si tatay na ang nagpalaki sa akin kasama ang dalawa, si Kinchay at si Jeric, na inampon namin. Mga batang lansangan silang magkapatid, kami na ang kumupkop.

Muntik pa akong masubsob sa gutter dahil nadulas ako. Napabuntong hininga na lang ako at pinigilang magwala. Sobra na ako sa pag momonologue.

Konting lakad pa ay narating ko na ang palengke. Pumasok naman ako sa prutasan ng amo kong si Manang Bireng at nagtanggal ng polo.

"Jonga, gusto mo ako na ang magtanggal?" tanong ni Ching at nagbeautiful eyes sa akin.

Napangiwi naman ako at lumayo sa kaniya. Pinagpagan ko naman ang balikat kong hinawakan niya.

Bente pa lang si Ching at anak ni Manang Bireng. May gusto siya sa akin simula noong pumasok ako sa kanila. Naiirita na talaga ako sa bungal na iyan at gusto ko na umalis dito. Kung wala lang talaga akong utang kay Manang Bireng!

"Ako na, kaya ko na. Tigilan mo nga ako Ching," saway ko sa kaniya.

Pagkahubad ko ng aking polo ay isinabit ko iyon sa gilid. Lumabas naman na ako at nagtawag ng mga mamimili.

"Bili na kayo! Prutas kayo r'yan! Masarap at fresh na fresh pa!" sigaw ko habang nagtatali ng panyo sa aking ulo.

Nakita ko naman ang mga babaeng namamalengke na halos maglaway na sa akin. Kinindatan ko naman sila kaya nagtilian ang mga ito.

The Last Running ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon