Prologue

5 3 0
                                    




NAGISING si Nich nang may naramdaman siyang masakit sa katawan, at sakit sa ulo.

"Ahh!" ungol niya ng mahina habang hawak ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Uyy, gising kana pala Mahal Kong Prinsesa" ani sa isang napaka-familiar na boses.

Napatingin si Nich sa kanyang harapan at doon nakita niya ang isang lalaking nakamaskara ng itim habang nagmamaneho at doon din niya napagtanto na nakasakay siya sa isang malaking van na akala moy bata siya na kinidnap.

"Sino ka? Ba't ako narito? Saan mo ako dadalhin?" sunod-sunod na tanong ni Nich habang ipinalibot ang paningin sa kabuoan ng malaking van.

"Easy ka lang, di naman kita sasaktan, sa totoo nga, ikaw ang walang humpay na nanakit sakin mula noon hanggang ngayon" ani lalaki na siyang kaniyang ikinalito at naguguluhan din siya sa mga pinagsasabi nito dahil hindi niya kilala ang lalaki maliban sa pamilyar nitong boses.

"Sino ka ba?" parang naiiyak na pagsasalita ni Nich habang nakatingin parin sa lalaking nagmamaneho sa harapan kahit siya ay hindi nito binalingan.

"Mamaya ko na sasabihin sayo, ang importante ngayon ay ang matulog ka muna, magpalakas ka, dahil medyo malayo pa ang pupuntahan natin" ani lalaki na sobrang focus sa pagmamaneho.

"Bakit? Saan mo ba ako dadalhin?!" di na niya napigilan ang pagsigaw doon sa lalaki. "Bakit mo ba ako kinidnap?! Hindi kita kilala, at isa pa wala akong ginawang masama, wala rin akong maalala na naging kaaway ko noon. May fiancee na ako at magpapakasal na kami bukas?! Please pakawalan mo na ako..." pagmamakaawa ni Nich sa lalaki.

Biglang hininto ng lalaki ang malaking van na kanilang sinasakyan sa tabi-tabi at sa wakas ay humarap na din sa kanya.

Tumaas ang isang kilay ng lalaki. "Ano ako tanga? Kinidnap kita pagkatapos pakawalan?" sarkastikong sagot ng lalaki na hindi pa rin hinubad ang maskara.

"Pero bakit?! Anong kasalanan ko?! May nagawa ba akong----" Hindi pinatapos ng lalaki ang sinabi ni Nich dahil sa biglaan nitong pagsigaw at mukhang naiirita na talaga sa kanya.

"MERON?!" sigaw ng lalaki sabay hubad sa kanyang color black na maskara, na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata.

"John?" pabulong na salita ni Nich.

"Oo, ako nga. Surprised?" ani John sabay tawa.

"Bakit?" tanong na naman ni Nich sa kanya. "Bakit mo to nagawa?"

"Bakit?" balik na tanong ni John kay Nich.
"Gusto mo ba talagang malaman? Nichole, alam mo na! Alam na alam mo na!" naguguluhan man si Nich, ay bigla na lang siya nitong hinalikan at siyang kanyang ikinabigla. Hindi siya humalik pabalik dahil may mahal na siyang iba at bukas na bukas ay ikakasal na sila.

Itinulak niya si John. Naiyak siya sa ginawa nitong paghalik sa kanya.

"Ano ba?! Bakit ang tigas ng ulo mo?! Ayaw ko sayo! Wala akong gusto sayo! Pakawala----".

"Pwes! Ako! Gusto Kita! Gustong-gusto! Alam mo? Mahal kita eh! Mahal kita simula nong wala pa si Tashrio sa buhay mo. Mula noon hanggang ngayon, nababaliw na ako Nichole, nababaliw na ako sayo!" nagsimulang magtubig ang mga mga mata ni John, na siyang ikinabigla din ni Nich.

"Bakit? Bakit hanggang ngayon ako pa rin?" di niya mapigilang magtanong.

"Ewan ko. Wala eh! Mahal kita. Ayokong makasal ka sa iba, AKO LANG AT WALA NG IBA!" sigaw niya sabay patak ng mga luha galing sa kanyang mga mata.

"Please" she begged with a tears on her cheeks. "Please let me go. I can't be with you anymore" she started sobbing. "Because I have Tashrio and I love him."

"You can't just love him and you can't be with him. Be with me Nichole, I won't hurt you, I will treasured you as my one and only love. Please be with me." ani John na basang-basa na ang mga mata sa kakaiyak.

"I can't-----" pinutol ni John ang kanyang litanya.

"YOU MUST!" sigaw ni John sa kanya.

"No---" tinakpan na ni John ng panyo ang baba ni Nich na may halong pantulog upang ito'y tumahimik na.

Then, he started the engine and continue driving.

***



By the way, NICH is well pronounce as NIK.

~B.L

Indenial WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon