NASA classroom sina Nich at ang kanyang mga kaibigan na si Feb at Shenny. Sila lamang tatlo doon na nag-uusap-usap tungkol sa kanilang presentasyon sa isang subject. Hanggang sa...
"Nich, may sasabihin sana ako sayo" ani Feb na namumutla ang mukha at halatang kinakabahan.
"Ano 'yun? Kung tungkol iyan dito sa presentasyon natin, no problem just go ahead and tell me what it is." walang ganang sagot ni Nich na patuloy sa pagbabasa sa mga nakasulat sa papel na kanilang ginagawa para sa presentasyon.
"Ahh, hindi. Ano kasi... Uhmm si----" hindi natapos ang sasabihin sana ni Feb dahil naunahan na siya ni Shenny sa pagsasalita.
"May pinapasabi sayo si John na magkita daw kayo mamayang lunch sa likod ng School don sa bandang may garden" sabi ni Shenny na siyang pinanlakihan ng mga mata ni Feb dahil sa walang filter na pagsasalita.
"Sino? Si John? Makikipagkita sa akin?" sabay tumango ang dalawa.
"Bakit? Tungkol na naman ba ito sa walang kwenta niyang panliligaw? Ilang beses ko na siyang nire-reject ayaw pa rin huminto." ani Nich na pigil-pigil ang galit, ewan...o nanggigigil siya kay John. Parang isang iglap nalang ay sasabog na si Nich na nakatitig sa kanila.
"Nich?" Tumikhim si Feb. "Uhm, advice lang ano, wag mong mamasamain, kung ako sayo? Bibigyan ko siya ng chance, eh kawawa naman 'yung tao, palaging hahabol-habol sayo" sabi ni Feb na siyang tinanguan ni Shenny.
"Oo nga. At tsaka, kausapin mo siya ng matino, 'yun bang huwag ire-reject kaagad. Malay mo, may sasabihin sana 'yung tao kaso hindi niya masabi-sabi kaagad sayo, dahil hindi mo man lang siya binibigyan ng pagkakataong magsalita." dagdag pa ni Shenny.
"Aba! Kailan pa kayo nagkaroon ng pakialam sa mga kalalakihan ngayon?" tanong ni Nich sa dalawa na ngayo'y nakayuko na.
"Akala ko ba wala na tayong pakialam sa kanila ngayon? Kayo nga mismo nagsabi sakin niyan eh tapos kayo din pala ngayon ang maglalakad sakin papunta don sa hinayupak na yun?!" biglang nalungkot ang mukha ng dalawa dahil sa kaniyang biglaang pagsigaw.
"At isa pa, gusto kong malaman niyo na pagdating na pagdating sa pag-ibig, walang awa yan, kusang dadating 'yan. At wala akong pakialam kong kawawa ba siya o hindi." dagdag pa niya.
"Kahit anong sabihin niyo, AYOKO!" tumayo siya. "AYOKO! AYOKO! AYOKO!" aniya sabay walkout na wala man lang pasabi.
NAGLALAKAD ngayon sina John at ang kaniyang apat na mga kaibigan galing SA classroom patungong Basketball Gym.
"Dude! Wait up!" sigaw ni Louie na hinahabol-habol si John dahil sa mabilis nitong paglalakad.
Ngunit kahit mabilis ang paglalakad ni John ay naabutan pa rin siya ng kaibigang kahit anong gawin niya, ay hinding-hindi siya nito tatantanan. Wala ring nagawa ang tatlo kundi ang sumunod kay Louie sa pagtakbo patungo kay John.
Nang nakahabol ang apat, biglang nagtanong si Joshua.
"So, spill the beans. Who's Nichole Jane Wilbert?"
Natigilan siya, hindi dahil narinig niya ang pangalan ng babaeng kaniyang hinahangaan, kundi naguguluhan kung saan nito nalaman.
BINABASA MO ANG
Indenial Woman
Ficção Adolescente"Tang'na lahat ng lalaki sa mundo. Lahat sila mga manloloko, walang ibang gagawin kundi sasaktan lahat ng mga babae na nagkakandarapa na walang ibang hihihingi kundi pagmamahal." KATAGANG hindi malilimutan ni Nichole Jane Wilbert.