Chapter 2

0 1 0
                                    

MAG-IISANG linggo na ding hindi nag-iimikan at hindi nagpapansinan sina Nichole Jane at John Patrick simula noong nagkasagutan ang dalawa. Ito ay dahil na rin sa sinabi ni Nich na lubayan na ni John kaya ang ginawa ng lalaki ay ang lumayo nalang sa babae. At kung may pagkakataon mang magkakasalubong ang dalawa ay kusang iiwas si Nichole o di kaya'y si John sa tuwing magtagpo ang kanilang mga mata.

Dahil Lunch Break na, nasa canteen ngayon sina Nich at ang kaniyang dalawang mga kaibigan na si Feb at Shenny.

"Huy!" ani Feb na kinukuha ang atensyon ni Nich na abalang-abala sa pag-aayos ng pagkain.

"Oh, ano?" walang ganang sagot ni Nich sa kaibigan na hindi man lang niya binalingan.

"Pansin ko ha? Hindi na kayo nagpapansinan nung manliligaw mo." ani Feb sa kanya.

Natigilan si Nich tsaka siya binalingan na walang ekspresyon ang mukha. "Ito na naman? Pag-uusapan na naman natin to? Ilang beses ko bang sabihin sa inyo na ayoko ng marinig ang pangalan ng taong yun." saad niya sa kaibigan.

"Curious lang naman kami." ani Shenny na ngayon lang sumali sa usapan.

"Eh paano? Ikaw kasi, obsess na obsess kay Mr.Rodriguez, eh may Mr.Collens ka namang naghahabol sayo." ani na naman ni Feb.

"Huy Kaloka! Highschool pa tayo non ah, huwag kang chosera. We're College students right now, so, don't be so haba ng hair pagdating kay John." dagdag pa ni Shenny sa sinabi ni Feb.

Binaliwala na lamang ni Nich ang mga kaibigan, dahil sa totoo lang, sumasakit na talaga ang ulo niya sa mga ito. Kaya nagsimula na lamang siyang kumain, nagbabakasakaling hindi na umimik ang dalawa. Ngunit nagkamali siya, dahil bigla na lamang nagtanong sa kaniya si Shenny.

"Bakit ba galit na galit ka sa mga lalaki Nich?"

Nabilaukan siya sa sinabi ng kaibigan. Kaya nagmamadali ang dalawa sa pagkalikut ng tubig.

"Uhmm, tubig! tubig!" ulit niyang sambit habang walang tigil sa pag-ubo. Namumula na rin ang kaniyang mukha.

Napatingin na lang sa kanilang gawi ang iba pang mga estudyanteng kumakain.

"Oh heto, ikaw kasi!" pangaral ni Feb kay Shenny dahil sa biglaan nitong pagtanong.

"Sorry na. HEHE." sabay kamot sa ulo. "Di ko naman sinasadyang tanongin yun eh." paumanhin ni Shenny na nakanguso na ngayon, sabay nag-peace sign sa dalawa. Pero sinamaan lang niya ito ng tingin nang matapos siyang uminom ng tubig.

Nang makarecover na siya, tsaka niya sinagot ang kaibigan.

"Bakit ako galit sa mga lalaki?" sagot niya pabalik. Sabay ding tumango ang dalawa.

"Sinong hindi magagalit, eh ang tititigas ng mga ulo. At isa pa, walang ibang gagawin ang mga lalaki kapag nagsawa yan sa pagmumukha ng babae, eh agad agad mang-iwan. Gets niyo ba ang punto ko?" mahaba niyang litanya at tsaka nagtanong sa mga kaibigan.

"Huy Girl! Kailan ka pa titigil sa pagiging NBSB mo? Umasa ka pa rin ba na baka sakaling ligawan ka ng Hashtag(#) Long long time crush mo?" saad ni Feb na punong-puno ng sincerity ang boses.

"Tse! Ang chismosa mo! At ikaw rin isa ka pa!" nguso niya na tinuturo si Shenny. "Bakit? Hindi naman ako nagtatanong sa mga lovelifes niyo ha? At never din akong nagtatanong sa inyo ng mga personal questions!" pangatwiran ni Nich.

Wala ring nagawa ang dalawa kundi tumango nalang at nagpatuloy sa pagkain.

"Good, mabuti ng fair tayo." ani Nichole.

Habang sila ay kumakain, ay bigla na namang nagsalita si Shenny.

"Eh, hindi naman lahat ng mga lalaki Nich, mga manloloko at iiwan ka kaagad. Malay mo, si John, iba sa kanila. Malay mo, seryuso siya pagdating sayo." mahabang litanya ni Shenny na sinang-ayonan din ni Feb.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Indenial WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon