THIRD INSTANCE

21 2 0
                                    

It's been 2 weeks since I saved her life. At ngayon, nakatira na s'ya kasama ko. Real quick. I decided to adopt her for the mean time kasi napagtanto kong she's so weird. Pagka-gising n'ya after the major operation, she just punched me. Akala n'ya isa raw akong kalaban,

"Ligpitin ang isang iyan, isa siyang traydor at madurogas!"

Hindi ko alam kung anong klaseng druga tinitira n'ya. But, one thing I can assured of, baliw s'ya. Until now pala-isipan pa rin sa akin kung bakit nakapasok s'ya sa loob ng campus. Ni hindi n'ya nga maintindihan minsan mga pinagsasabi ko, kailangan ko pa tuloy aralin 'yung mga deep Filipino words para lang magkaintindihan kami dito.  Napansin ko ring madami s'yang hindi alam, lalo na sa mga bagay na nakikita n'ya dito sa condo. Ultimo tv na wala namang ginagawa sa kanya, kinakatakotan n'ya.

"Bakit ninyo sila kinukulong sa maliit na kahon na ito? Alam kong palala nang palala ang mga kastila, ngunit hindi rason iyon upang alipinin ninyo sila sa ganitong pamamaraan."

That's the weirdest thing I've heard sa tanang buhay ko.

"Ginoo, maari mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit umiinit itong kapipiranggot na metal na ito?"

Naisampal ko na lang din ang magkabilang palad ko sa mismong pagmumukha ko. Sa'ng mundo ba galing ang babaeng 'to. Maski pangalan nga n'ya ayaw n'yang sabihin sa akin, tf.

"Hindi lang 'yan kapipiranggot na metal, okay? Tawag d'yan ay stove." paliwanag ko sabay on dito.

Sumilay ang pagkamangha sa mukha n'ya at bigla pumalakpak. Ignorante, jusmeyo.

"Kamangha-manghang tunay, akala ko'y tanging init lamang ang inilalabas niyan, nakakatiyak akong pag isinangguni natin ang imbinsyon mong iyan sa mangangalakal galing tsina, doble-dobleng pera ang makukubra mo, Ginoo."

Ayoko na, nakakabobo na 'to. Wala na akong maintindihan, anong klaseng sakit ba meron ang babaeng 'to. Mukha naman s'yang malusog at normal. Minsan mukha din s'yang matino⚊pero kadalasan hindi.

"Seryoso ka ba?"

"Hindi likas sa pagkatao ko ang magbiro, Ginoo." pahayag nito.

Ay ewan. Mamamatay ata ako sa stress dahil sa babaeng 'to. Ano ba nangyayari sa buhay ko, karma ko na ba 'to dahil sa mga pinaiyak kong babae? Ito na ba, ito na ang karma na sinasab⚊

"Saan ka paparoon, Ginoo?"

"Matutulog." maikli ko na lang ding sagot

"Ginoo?"

Automatiko napalingon uli ako sa gawi n'ya,

"Bakit?"

"Maaari ko na bang kunin ang aking mga gamit? Ako'y uuwi na sana sa amin, sapagkat nakakaramdam na ako nang pangamba at pagaalala sa mga naiwan ko."

Naupo na muna ako bago nagdekwatro.

"Hindi ka uuwi hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang pangalan mo o kung sino ka ba talaga." seryoso kong untag.

Sa loob ng dalawang linggo, puro kawerdohan lang ang alam ko sa kanya. At kung subokan ko mang usisain kung sino at sa'n s'ya galing, suntok at tadyak lang ang makukuha ko sa kanya. Mukha s'yang amazonang barbie.

"Ilang ulit ko bang ipapaalala sa iyo na labag sa kautosan ng pamilya namin ang ipaalam sa isang istrangherong gaya mo ang tungkol sa akin at sa buhay ko."

Aktong sasakmalin na sana ako nito, nang aksedente nitong naapakan ang higaan ng pusa ko. Medyo tanga.

"Karma, bitch." saad ko habang marahang tumatawa.

"Plano mo ba ito? Nais mo bang kitilin ang buhay ko." asik nito habang papatayo.

Okay. I think, she's now in a dangerous mode. Napabalikwas kaagad ako nang tayo at dagling umalis. Alam ko na kung ano gagawin ng babaeng 'to.

"AT SAAN KA PAPAROON?"

"Sa kwarto, matutulog na.."

"HAYAAN MONG AKO MAGPATULOG SA IYO."

Kasabay nun ang pagtakbo ko⚊habang hinahabol n'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAST PRESENT (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon