Dedicated to BellaArancesPRLOGUE
“Belle dalian mo na baka maiwan tayo sa flight, ma sasabunotan talaga kita tingnan mo” na-iinis na tugon ko kay Belle na kausap ko sa cellphone.
Nagmama-dali ako sa pag labas sa bahay dahil ilang oras nalang mai-iwan na kami sa flight namin pa-puntang London. Tanghali na ako na-gising dahil nag celebrate pa kami kagabi para sa success nang project na natapos namin at sisimulan na namin ang project sa London.
“ Eh kasi naman eh! Ang sakit pa nang ulo ko girl. Skyrelle Leeves Vargaz don’t you realize that I still have a hangover from our celebration last night!? shit! Ang sakit pa nang ulo ko!” naiiyak na boses nya.
Since college best friend ko na si Belle, pareho kaming Engineering at sabay din kaming gum-raduate at marami ring napagkaka –sunduan kaya nagtagal ang pagkakaibigan namin. Since then sya na talaga kasama ko sa lahat nang bagay, she’s a bit noisy sometimes kung nasa mood pero pag wala mukhang halimaw sa sobrang sungit.
At simula nang umalis sila mama at papa papuntang New Jersey para sa business nila ay naiwan ako dito sa pilipinas at si Belle ang kasama ko sa Condo ko kaya hindi naging boring, nag hihiwalay lang kami kapag holidays kase pupunta akong New Jersey habang sya naman Australia para dun mag spend nang Holidays kasama pamilya nya din.
“I told you not call me on my full name, didn’t I!? And so? E c-cancel na ba natin ang project natin? Just because of stupid hangover!? Hah!?” naiinis ko na ding sagot sa kanya.
“Nakakainis naman kasi Sky eh! ‘bat ba kase an gaga!??” Naririnig ko ang pag papadyak nya sa sahig.
Umiingos sya at halat sa tunog na galing sa cellphone na nag-mamadali syang maghanda, narinig ko rin ang tunog nang mga susi para malaman ko na paaalis na sya.
“Oo! Cge na! paalis na ako. Hintayin mo ko,I’ll be there in 30” sabi nya sakin tapos binaba na nya ang tawag.
Umiiling iling nalang ako at sumakay agad ako sa Ford Ranger na regalo ni papa sakin nung graduation day ko. Masipag daw kasi akong mag-aral kaya nagka Latin Honor ako nung college kaya itong sasakyan ang regalo nya sakin.
Ilang minuto ang nagdaan at na stuck ako sa traffic papuntang NAIA para sa flight namin.
“Kainis naman oh, maiiwan na ako sa flight. Bilisan nyo naman!!!” sigaw ko sa labas nang kotse.
Napa-igtad ako at inis na lumingon sa cellphone kong kanina pa ring nang ring.
“Hello!! Baakit!?? “ dala sa frustration ko sa traffic ay napa sigaw ako dahil sa ingay din.
“Hoy babae ka! Akala ko ba ako mag madali dahil baka ako ang maging dahilan nang pagka-iwan natin sa flight huh!?”
“ Teka lang, teka lang!! ito na umu-usad na ang traffic malapit na ako!!” binaba ko kaagad ang tawag.
Dali daling lumiko ako para maka iwas na ako sa traffic at mapa bilis na ako sa pagpapatakbo. Pagka dating ko sa airport ko ay tumakbo na agad ako papasok at dumiritso na sa flight ko.
“OMG!!”
Napatili ako nang may bumanga sakin at nahulog ang mga dala kong bagahi dahil sa bu-manga sakin. Mukhang nag mamadali din at at may katawagan sya at binaba nalang nya. At dahil sa sobrang inis ko at frustrasyon ay na sigawan ko sya. Hindi sya kumibo pero tinulungan nya akong mag pulot sa mga gamit na nahulog ko.
“I’m sorr—“
Habang nag pupulot ako ay natigilan ako nang Makita kong naka tingin sya leeg ko na natatabunan nang pulang scarf ko. Sa sobrang gulat ko ay napatayo agad ako.
