Chapter 14
Last Day (Vacation, Part V)
We packed and left in the morning, since this is our last day. Ngunit bago kamj umalis ay pinagmasdan muna namin ang pagsikat ng araw. It was beautiful and majestic. That already made my day. Seeing the beautiful sights and inhaling the fresh air from the peek of this mountain.
Medyo nahirapan kami sa pagbaba dahil pagod kami sa pag-akyat kahapon. Pero okay lang naman kami, wala namang nadisgrasya o ano man.
Ngunit habang pababa kami ay napansin namin nila Candy na hindi nagpapansinan sila Gwen at Gavin, sa totoo lang ay kagabi pa. Walang asaran at pikunan ang naganap kagabi. Ang huli sumbatan nila ay noong pumasok sila sa kani-kanilang tent.
That made us curious and worried. Hindi kami sanay sa ganoong lagay nilang dalawa.
Hinayaan na lang namin sila at nagtungo na sa speed boat."Hayaan na lang natin sila, girl. Magbabati din yan mamaya, tignan mo lang." Bulong sa akin ni Candy kanina noong bumaba kami sa bundok. Tumango na lang ako.
-----------------------------------------------------------
"Hey! Did you all have fun? Nagtaka ako bakit ngayon lang kayo nakauwi, I figured that you all spend the night there." Sabi ni Astrid habang naka-upo sila sa Gazebo.
"Oo! Masaya hehe. Hindi malamok at tama lang yung weather." Masayang sagot ni Candy sabay tabi kay Astrid. Agad siyang nagkuwento at nakinig naman itong si Astrid sa kanya.
"Pasok muna kami." Paalam ni Kio at pumasok sila Hazelle. Magpapahinga muna siguro sila.
"Ako din." Sabi ni Gwen sabay sunod kela Hazelle. Nasabi ko na ba na magkaibigan sila ni Hazelle? Yes, they are close friends.
"Bro, pa sabay ng gamit ko." Sabi ni Gavin , inabot naman ito ni Kio at tumango.
Umupo siya at nagsindi ng sigarilyo sa may puno. Sa tingin ko ay ayaw niyo pumasok dahil andoon si Gwen. Hmm.
"So ayun nga!" Narinig ko ang sabi ni Candy.
I think tapos na siya magkuwento."Masaya siguro kayo doon." Sabi ni Astrid at ngumiti. Lumaki lalo ang ngiti ni Candy.
"Ay alam mo ba!" Malakas na sabi niya. Jusko hindi na natapos.
Natawa lang si Mark at nagpaalam kay Candy na ipapasok ang gamit nila, sumabay si Lucas sakanya at pinasok rin ang gamit namin.
Naiwan kami nila Astrid, Gavin, Candy at syempre ako.
Nagtaka ako nang hindi ko makita sila Liam at Sky, gusto ko sana tanungin si Astrid kaso nagdadaldal pa si Candy kaya mamaya na lang.
Liningon ko ang dagat at nakita kong nakaupo pa rin si Gavin, hindi kalayuan sa amin. Napag-isipan kong lapitan siya at kausapin.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya para hindi niya ako marinig.
"Boo!" Gulat ko at nagulat naman siya. Napatingin pa siya kung sino ako, sabay naman kaming natawa.
"Tangina, akala ko kung sino." Tawa ni Gavin sabay hithit sa sigarilyo. Napaubo ako sa usok na lumabas sa bibig niya.
"Ang baho naman niyan, bakit ba gusto niyo yan." Diring sabi ko at tumabi sa kanya.
"Weh, baho raw pero tumabi sa akin." Asar niya, binatukan ko naman siya.
"Pakyu." Mura ko at bintukan ulit siya.
"Aray, para kang si Gwen, tsk." Reklamo niya at hinimas ang ulo niya. "Mabobo ako nito."
BINABASA MO ANG
Something Special (Dela Cruz Cousins Series #1)
RomanceDela Cruz Cousins Series #1 Alliana Haisley Dela Cruz. The spoiled brat of The Familia Dela Cruzes, has found herself in trouble, i mean in big trouble. So as a punishment, her parents temporarily cut her credit cards, threw her out of their house...