Chapter 13

26 11 0
                                    

Long update ahead.

Chapter 13 

Fun. (Vacation, Part IV.)

Maya maya pa ay nakarating na kami sa beach house at pumasok sa loob. Pumunta kami sa sala at tumabi kela Astrid.

Ang gising pa lang ay si Candy, Mark, Astrid , the kids, me and Lucas. Kami pa lang. Wala bagsak pa rin yung apat.

Nakita kong nang-aasar na tinignan ako nila Candy at Astrid. Sabi na nga ba. Handa na ako.

"Good morning." Sabi ko at umupo sa tabi ni Sky tumabi naman sa akin si Lucas.

Bago pa nagsalita si Candy ay, "Ate Candy, Can you pass me the Juice." Sky favored Candy. Good boy, tama iyan. Protect your ate.

"Sure!" Masiglang sabi ni Candy at kinuha ang Juice.

Tinignan ko naman ang nasa hapag. The foods are, pandesals, lomi soup, sopas, orange juice and coffees. Marami pang iba, I can't remember their names 'e.

Nagdaan ang oras na hindi ako naasar nila Candu kaya medyo nagulat ako at nasiyahan din naman. Habang kumakain ako ay naglalagay ng pagkain si Lucas sa akin.
Hinayaan ko lang siya dahil ano namang masama doon?

Hindi ko pa rin mapigilang mapaisip at masilip sila Candy kung nakatingin ba siya o kung ano man.

Siguro ay hindi naman ako narinig nila Candy ano? Sana nga. Hays.

"So, Lucas. Ilang taon na kayo nila Lia?" Biglang tanong ni Astrid. Nasamid naman si Lucas. Kahit ako ay napatigil at nahiya sa tanong na iyon.

Nagpigil naman ng tawa si Candy at Mark.
Inosenteng tumingin naman si Liam. Habang si Sky naman ay mukhang interisado sa tanong.

Nagkatinginan kami ni Lucas, makikita mo sa mukha niya na pagaalinganang sumagot, mukhang nagpapaalam pa sa akin.

Tinignan ko naman siya nang 'Ano, sagutin mo na.' Inipit niya ang dalawang labi bago sumagot.

"2-" pinutol ni Sky ang sasabihin dapat ni Lucas.

"2 years na sila ate!" Sigaw ni Sky habang malaki ang nakaplastar sa mukha.

Natawa naman sila Candy at Mark, pati si Lucas ay natawa.

Kinurot ko naman sa pwet si Sky. Napa-'aray' siya at ngumiwi. Parang ang ginawa ko sa kanya kahapon. Hinawakan
niyaa naman ang pwet niya na kinurot ko.

"Ang sakit nun ate, inulit mo lang 'e." Reklamo ni Sky. Ngunit mahina lang iyon dahil binulong niya lang, para hindi marinig ng iba.

Nginitian ko naman siya at agad siyang natakot. Yung ngiti ko kasi ay parang sisipain siya paalis dito sa island. Takot niya lang talaga sa akin.

"Opo." Magalang na sagot ni Lucas kay Astrid. Napamaang naman ng kaunti si Astrid at ngumuti bilang sagot kay Lucas.

"I see." Tango ni Astrid at pinatuloy ang pagkain. Lucas and I awkwardly smiled.

Lucas was so stiff. Para bang first time boyfriend lang siya at we're meeting my parents. Well, technically parang ganoon na nga. Since mas matanda sa akin si Astrid. 2 years older. She's 18 as i've said, and I'm 16.

Kami nila Candy, Kio, Hazelle, Gwen, and Gavin are sixteen. While Lucas is 17. He's turning eighteen next 2 months actually.

There was silence surrounding us. Natapos kaming kumain nang walang pag-uusap. Nauna sila Liam at Sky sa pagkain ng almusal, lumabas at pumunta sila sa sala at doon sila nagkwentuhan. Mukhang tinuloy nila ang pinag-uusapan nila kanina na tungkol sa Street fighter, na sa tingin ko ay isang video game.

Something Special (Dela Cruz Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon