Chapter 02

6 4 0
                                    

Pagbaba ko ng kotse, kita ko agad ang mga deboto na nag lalakad papasok sa simbahan. Napatingin ako may makitang pamilyang masayang naglalakad. I smiled bitterly. I wish mine was like that too.

Since college dito na ako sa Manila. I live independently, tho sila pa rin naman ang nag babayad ng tuition tsaka rent sa apartment na tinitirahan ko noon.

Hindi ko close si Mama lalo na si Papa siguro dahil sa nangyari noon. Pero hinayaan ko na rin dahil baka ganun talaga 'yung kailangan.

They're living in Pangasinan.

They needed to stay there to look for Lola. Walang mag aalaga sa kaniya ngayon. Paminsan-minsan bumibisita ako doon pero si Lola lang ang pakiramdam ko'y sumasalubong at nag we-welcome sa'kin. I'm a Lola's girl. Si Lola ang palagi kong tinatakbuhan kapag hindi okay sa bahay. Never naman naging okay pero kapag hindi ko na talaga kinakaya, si Lola ang nandiyan para pagaanin ang loob ko. Iniisip ko tuloy na bisitahin siya.

Nang makapasok sa loob, umupo ako doon sa gitnang parte ng simbahan. Para makita ko si Father at mabilis din akong makakalabas mamaya para hindi masiksik ng mga tao.

Napatingin ako sa katabi kong mag boyfriend, naka couple shirt sila at naka holding hands pa habang nakikinig ng sermon. Sana all.

Itinuon ko nalang ang sarili ko sa pakikinig.

"May mga tao sa buhay natin na aalis din. 'Yung akala mo nandiyan na sila para sayo habang buhay pero hindi. Kailangan mong sanayin ang sarili mo na walang permanente sa mundo at minsan, kailangan natin na maiwan." Sabi ni Father.

Napaisip ako bigla 'dun sa sinabi ni Father. At some point naka relate ako. Siguro tama rin na ganun 'yung nangyari. Nandito ako sa kung ano ako ngayon at wala akong pinag sisisihan sa mga nangyari noon. Nagpapasalamat pa nga ako kasi baka kung hindi nangyari 'yung mga nangyari noon e, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Pagkatapos nung misa ay dumeretso na ako ng Mall. May grocery naman doon sa Condo pero gusto ko din mamasyal ngayon. Idi-date ko lang ang sarili ko. #metime.

Napadaan ako sa isang Designer Brand at pumasok ako. Tumingin ako sa mga bags and dresses na pwede kong magustuhan pero wala ako mood mag shopping. Nang mapatingin ako sa section ng bags ay nanlaki ang mga mata ko nang makita 'yung bag na matagal ko nang hinahanap. I grab it and look at it. It's an LV bag na mahirap hanapin limited edition daw kasi 'to. I'm so happy na nakita ko 'to dito. Hindi na ako nag dalawang isip at binili ko na 'yun.

Ngiting tagumpay tuloy akong lumabas ng store. Dumeretso na ako sa Grocery dahil baka matukso pa ako ng mga stores dito. Mahirap na.

Una kong pinuntahan 'yung mga frozen goods. I bought some meat and chicken hindi naman ako mahilig sa beef at most of the time kapag kasama lang si Yssa ako kumakain nun. Kumuha din ako ng hot dog and bacon. Balak ko din mag sinigang ngayon para sa lunch. Invite ko din si Yssa mamaya para mag lunch siya sa bahay. I just got the ingredients for my sinigang.

Tumingin din ako ng mga essential na magagamit ko. Mauubos na kasi 'yung para sa skin care ko at nag bayad na pagkatapos.

Nang nasa tapat na ako ng unit ko, napatingin ako sa kabilang pinto. It was close, of course. Kapag iniisip ko pa lang na naka tira sa tabi ng bahay ko 'yung tao na 'yun ay natatakot na agad ako. How can I survive on this? Makikita ko na nga siya sa opisina, pati ba naman dito sa tinitirahan ko?

Pumasok na ako sa bahay at sinimulan ko nang ilagay sa ref ang mga pinamili. Napakunot ako ng noo nang mapansin parang may kulang sa mga pinamili ko.  Ilang beses kong tinignan 'yung mga paper bags nang marealize na hindi ako nakabili ng mga prutas.

Kailangan ko ng prutas lalo na ng apple. Minsan kasi hindi na ako nakakapag breakfast kapag papasok, kakamadali. Kaya nag babaon nalang ako ng apple.

More than This (ONGOING)Where stories live. Discover now