Chapter 01

5 4 0
                                    

Tumango lang si president at lumabas na nang opisina ko. Napaupo naman ako sa swiveling chair at napatakip ng mukha.

What now?

"Uy te, ayos ka lang?" Umupo pa si Yssa sa visitor's chair at kinalabit ako ng bahagya.

"I think I can't meet him." I said. Fixing my clothes. Trying to continue sketching kahit distracted na ako.

"Si President na mismo nag sabi sayo na pumunta, Ash. Sumama ka na. Balita ko hot daw yung si Atty. Baka bet mo hahaha" napakunot ang noo ko at tumingin sa kaniya. Bakit ngayon niya pa naisipan pag usapan namin yung taong 'yun? Argh.

"Sumama ka na. Treat kita shawarma tsaka milktea after. Promise." napairap ako sa kaniya. She's trying to convince me using my weaknesses. Dumbass.

"Fine, I'll come. Wait mo'ko matapos dito." I said. Bringing back my attention on what I've been doing.

"Sure! I'll go back here when you're done na. Tatapusin ko din yung iba kong plates, hihi. Bye!" she waved her hands while running out of my office.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko kahit wala nang pumapasok na idea sa utak ko. Distracted na talaga ako.

Nag desisyon na akong itigil ang pag ssketch bago pa masira ang iPad ko at baka masira ko lang yung nasimulan kong layout.

Kinuha ko na 'yung hand bag ko at lumabas na ng office. I went at Yssa's office and saw her comfortably sitting on her sofa. Excited siyang tumayo at sinalubong ako.

Don't tell me naka upo lang siya diyan kanina pa hanggang sa dumating ako?

She pick up her hand bag before facing me. "Let's go?"

Napairap nalang ako sa ere at nauna nang lumabas. Sa elevator pa lang ay naiisipan ko nang mag back out sa project na 'to. Kahit na big project 'to, mag bback out talaga ako!

Pero wala rin naman akong choice. Baka naman pag sinabi ko kay President na gusto kong mag back out e, magalit 'yun. Tsaka ang unprofessional ko naman kung ito lang ang  dahilan para mag back out!

Napansin ata ni Yssa na wala ako sa katinuan kaya isinabit niya ang isa niyang kamay sa braso ko at hinatak ako palabas ng elevator.

"Bakit ba parang may something dun kay Atty. Gozon at ayaw mo siyang ma-meet?" Tanong niya nang makapasok na kami sa sasakyan. Kotse niya ang ginamit namin dahil 'di ko dala yung kotse ko kanina pag pasok.

She started driving while I'm here, thinking how to act in front of him. This is so frustrating!

Naguguluhan ako kung dapat ko bang i-kwento sa kaniya.

"He's my childhood friend," I said. Not bothering to look at her.

Tumingin siya sa'kin sandali at nilipat na sa daan pagkatapos. "Oh, what's the matter? You'll be working with your childhood friend. Isn't that cool?"

Wala nga pala siyang alam sa past ko. Best friend ko na si Yssa since College but I never mention anything to her about Ry and I.

It's something deeper than her thought. At natatakot ako dun sa pwedeng mangyari samin dahil sa project na 'to.

"He's not just my childhood friend, Yssa." I'm calming myself. Trying to be ready for her next question.

She parked the car in front of a restaurant pero hindi siya bumaba. Siguro may naisip na siyang dahilan sa utak niya kaya hindi ako kumportable kay Atty. Gozon.

"What's your past relationship with him?" She ask. Staring intently at me.

Natakot ako sa tanong niya. Paano ko ba ie-explain sa kaniya yung past namin ni Ryder?

More than This (ONGOING)Where stories live. Discover now