Chapter 04

5 2 0
                                    

Wala akong nagawa kundi maghintay na dumating si Ryder. Naiinis ako na isipin na kasabay ko na nga siyang kumain dito sa bahay, at siya pa ang mag mamaneho ng sasakyan ko.

I think Lola was doing this for us to be close again. But honestly, lalo lang ako naiirita. I don't want this man to be my driver and also, I don't want him getting close to me. It makes me gross.

Naka-upo lang ako sa sofa at nag hihintay na dumating si Attorney. Bibigyan ko nalang siya ng pamasahe para umuwi siya ng mag-isa. Ayoko talaga siyang maka sama sa iisang sasakyan. At isa pa, kaya ko naman ang sarili ko. Heler, I'm a kid no more.

Nang dumating siya ay agad akong lumapit sa kaniya. Nasa pinto pa lamang ay hinila ko siya palabas ng bahay. Gulat man ay nagpahila lang din siya sa'kin.

Nang sa palagay ko ay wala nang makaka-kita samin ay saka ko siya binitiwan. I crossed my arms and then I look straight to his eyes. Kahit na ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko pinansin iyon. Mas lalala lang ang malakas na pag tibok nito kung hahayaan kong makasama ang lalaking ‘to sa sasakyan ko.

Ilang sandali ko siyang tinitigan at pilit na binasaba ang emosyon sa kaniyang mukha pero nang gumanti siya ng tingin ay parang nanghina ang mga tuhod ko. Agad akong nag iwas ng tingin para hindi niya mabasa ang mga iniisip ko.

"Hindi mo'ko kailangan ihatid," pag uumpisa ko. Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Kaya kong umuwi mag isa." Dagdag ko pa. Ramdam ko ang tingin niyang humahagod sa buong pagkatao ko. Mas lalo akong nanghihina sa mga tingin niya. Hindi ko na ‘to kaya.

"You heard Lola, Ashy." Sagot niya habang nakatingin pa rin sa'kin. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko para mas mukha akong desididong hindi siya kailangan.

"Can you please stop calling me ‘Ashy’? Atasha ang pangalan ko kaya tawagin mo'ko don." Pagkasabi no’n ay tinignan ko na siya ng deretso.

"Look, hindi mo'ko kailangang ihatid dahil kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako lasing para kailanganin ng maghahatid." Ramdam ko na ang pagkairita sa boses ko pero wala na akong pakealam. Ayoko talaga siyang maka-sama.

"Nangako ako kay Lola na ihahatid kita, at hindi ko iyon babaliin." Sabi niya sa mahinang tono.

Natawa ako ng mapait sa sinabi niyang ‘yon. Ano bang alam niya sa mga pangako? At anong sinasabi niyang hindi niya babaliin? Kailan pa siya natutong tumupad sa mga pangako?

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niyang ‘yon.  Bumalik sa ala-ala ko ang mga sinabi niya noon. Ang mga pangako. Wala naman siyang natupad ni isa doon. Ang dami mong alam!

Kita ko sa mga mata niya ang lungkot, pangungulila, pagod, at pagsisisi. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkaka tingin ko pero wala na akong pakealam. Hindi ko kayang mapalapit ulit sa kaniya. Baka hindi ko na kayanin pa.

Nanumbalik sa'kin yung masasayang mga alaala noon. Yung mga kulitan at tawanan namin ng magkasama. Pero agad rin namang napalitan ‘yon ng mga alaalang matagal ko nang gustong kalimutan.

Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na may tumulo na palang luha sa pisngi ko. Papahirin sana iyon ni Ryder pero agad akong umatras saka ako mismo ang nag punas ng sariling luha. Kailangan kong pigilan ang mga nangyayari. Kung wala akong gagawin ay ako na naman ang talo. Ako na naman ang maiiwan sa ere at ako na naman ang masasaktan.

"Wag mo akong hawakan. Kaya ko ang sarili ko. Mahirap bang intindihin ‘yon? Iniisip mo ba na bata pa rin ako sa mga mata mo kaya hindi ko kaya ang sarili ko?" Natawa ako ng pilit sa huli kong sinabi. Agad din namang napalitan ng pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

More than This (ONGOING)Where stories live. Discover now