A hundred years ago...
"Ina, saan tayo pupunta?" pangpitong tanong ko na kay ina. Pero kahit ilang ulit pa ako mag tanong ay hindi yata niya sasagutin. Maaga palang ay umalis na kami sa bahay dahil may pupuntahan daw kami o lilipat na kami ng tirahan. Bawat segundo ay pabilis ng pabilis ang takbo ng aming sinaksakyan na karwahe. Siguro dahil sa kakulitan ko ay napilitan na rin na humarap sa akin at sabihin ni ina kung saan kami pupunta.
"Anak, ilang oras na lang ang iyong iintayin at tayo ay makakarating din sa ating pupuntahan"
Nagkibit-balikat na lamang ako. Hinawi ko ang kurtina ng karwahe para naman makita ko ang kagandahan ng gubat na tago. Ilang taon narin kaming tumira dito. Marami-rami na rin akong naging kaibigan,kayat mahirap para sa akin na maglipat ng tirahan. Sa susunod na buwan ay aking labing-walong kaarawan kaya siguro may supresa si ina sa akin.
Inilagay ko ang aking isang braso sa bintana at ipinatong ang aking ulo. Sinasayaw ng hangin ang aking puting buhok. Ang aking mukha ay nasisilaw dahil sa sikat na araw kaya inalis ko na lamang ang aking braso doon, ayaw kong mangitim, pero kahit naman anong gawin ko ay hindi ito naitim. Ang mga kaibigan ko ay naiinggit sa akin dahil sa kulay puti kung balat at buhok.
"Anak", pagtawag sa akin ni Ina
Nagtatakang tumingin ako sa kanya "Bakit po ina?",
"Natatandaan mo ba ang mga kweninto ko sa iyo, tungkol sa ating pinagmulan?"
"Syempre naman ina, iyong ang hinding-hindi ko makakalimutan" taas noo kung sambit sa kanya.
"Lagi mong iyong alalahanin, dahil ang emperyong tinutukoy ko, ang Sillican Empire, mula ngayon dito na tayo titira at ikaw ang magiging reyna"
---------------------
To be continued....
♡Leunesangseu
YOU ARE READING
Fleurdelia : Soldier of Sillacan Empire
AvventuraAng Fluerdelia ay sumisimbolo ng katatagan, kalakasan, kagandahang panglabas at pangloob na katangian ng mga lalaki. Dahil sa nalalapit na ang araw ng paglilipat ng trono sa nakatakdang dapat na maging Reyna, kinakailangan ang matinding proteksyon s...