CHAPTER 6

71 12 0
                                    

" kuya uuwi na po ba tayo? "
tanong nito sa akin na mababasa mong may bahid ng takot sa kanyang mga mata

"Hindi pa eh, kailangan mo pa daw kasi mag palakas at mag pagaling ng lubusan, pero wag ka mag alala Lyn malapit na tayo umuwi kaya mag pagaling kana ah!"
hinimas ko ang mga buhok nito at bahagyang inayos ang ibang mga  buhok na tumatakip sa kanyang nuo.

susubukan ko nalang na palakasin ang loob niya para kahit papano ay mawala ang takot niya,

"wag ka mag alala Lyn kapag magaling kana, mamamasyal tayong dalawa! pupunta tayo sa park mag lalaro tayong dalawa dun ng habulan, mag papalipad ng saranggola, kakain ng sabay, tsaka hihiga sa damuhan. Diba gusto mo yun?"

kasabay nito ay nginitian ko siya ng napaka tamis at hinalikan sa may bandang uluhan 

"Talaga kuya? pangako?"
matipid niyang tanong sa akin pero napalitan na ng pagka galak ang kaninang natatakot na mga tingin niya 

mabuti naman at naibsan ko kahit papano ang takot na nararamdaman niya halos mag aanim na linggo na siyang nandito sa hospital dahil sa kalagayan niya

"Promise Lyn, oh sige na mag pahinga kana para gumaling ka agad" 

Inalalayan ko ito sa pag higa upang hindi siya masyadong gumamit ng pwersa at masuportahan ko siya

nang maka higa na siya ng tuluyan ay inayos ko ang kanyang mga kumot at muling humalik sa kanyang ulo.

"Kuya saan  ka po pupunta?"
tanong nito sa akin ng makita niyang binuksan ko ang pintuan ng kanyang silid matapos ko siyang halikan

"Aalis muna si kuya, Lyn wag kang mag alala hindi ako mag tatagal at pag balik ko may dala akong paborito mong mga pag kain kaya mag pahnga ka lang habang wala ako ah!"

bilin ko dito 

"opo kuya! pag balik mo magaling nako pangako yan kuya"

sagot nito sa akin na sinamahan ng isang matamis na ngiti

.

.

.

.

.

.

.

" I'm sorry pero ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya para ibalik yung normal heartbeat niya pero kahit anong gawin namin ay patuloy pa din ito sa pag bagsak, sumuko na ang katawan ng pasyente kaya wala na kaming magagawa, condolence and excuse me muna saglit"

wika sa akin ng lalaking naka suot ng puti bago ito tuluyan mga paalam at umalis

.

.

.

" Pag balik mo magaling nako kuya! pangako yan"

.

.

.

" kelangan mo ng pera para sa operasyon ng kapatid mo diba? kung ganon gawin mo na ang pina gagawa ko sayo!"

.

.

.

"Pag balik mo magaling nako kuya! pangako yan"

.

.

.

" Gawin mo na! patayin mo silang lahat! pagka tapos niyan ay ako nang bahala para sa kapatid mo!"

The Devil I Loved ( ON GOING )Where stories live. Discover now