" Sir malapit na po mag alas tres ng hapon kailangan niyo na pong pumunta sa airport"
narinig kong sinabi ni Sandro mula sa aking likuran habang patuloy ako sa pag suntok mula sa punching bag sa harapan ko
"Ganun ba! ang bilis naman, akyat muna tayo sa ring at mag sparring for the last time" pag aaya ko dito subalit tinanggihan niya
"hindi po pwede Sir Jayce, kailangan niyo na pong pumunta ng airport ngayon at sunduin si Ma'am . . . ."
"Okey okey! enough. . . sige na pumunta na tayo dun, mag sha-shower lang ako saglit"
pinutol ko na ang gusto niyang sabihin dahil alam ko naman kung ano yun, itong lalaki na to napaka laki ng katawan pero takot na takot sa babaeng yun
nag lakad nako papunta sa locker room upang kunin ang towel ko dahil balak ko munang maligo bago umalis, alam ko naman kasi na pag tataasan nanaman ako ng nakakarinding boses ng Babaeng yun kapag naamoy niyang amoy pawis ako na nag sundo sa kanya, doon ata nag mana si Jane ng ka sungitan eh
mga ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos na din ako maligo at agad naman akong tumungo pabalik sa locker room upang makapag bihis na ng damit, kailangan ko nang mag madali dahil ayokong mabulyawan ng Babaeng yun kaya hindi ako pwedeng mahuli sa airport kahit na isang minuto
"Sandro let's go"
ibinato ko kay Sandro ang susi ng sasakyan senyales na siya ang gusto kong mag drive nito at agad naman siyang pumasok sa loob ng sasakyan matapos niyang saluhin ang ibinato kong susi
" Sigurado pong matutuwa ang kapatid niyo kapag nakita niya si Ma'am" Sandro saying habang kasalukuyang nag mamaneho ng sasakyan
sigurado ako sa bagay na yun, its been a long time mula nang huli silang nagka samang dalawa natatandaan ko pa kung gaano kalakas ang iyak ni Jane nang malaman niyang aalis na ito upang manirahan sa Singapore at matatagalan bago bumalik dito sa Pilipinas sa mga oras na yun naawa ako ng sobra sa kapatid ko, siya lang kasi ang bukod tanging nakakasundo niya bukod sa akin palagi silang masaya at kahit isang beses hindi sila nagkaroon ng tampuhan sa isat-isa
"Alam na po ba ni Ms. Jane na ngayon ang balik niya dito sa Pilipinas?" tanong ni Sandro
umiling ako ng ulo bilang sagot dito
hindi pa alam ni Jane na ngayon ang balik niya sa Pilipinas dahil biglaan lang naman ito na nag sabi sakin na uuwi pala siya dahil gusto niyang mapanuod ng live ang paparating kong laban sa National Arena at nung araw na umuwi ako sa bahay para sabihin ang tungkol dito kay Jane ay tulog na ito sinabi ni Dart na napagod siya sa school kaya naman hindi ko na siya sinubukang gisingin pa para tuloy-tuloy na ang kanyang pag papahinga
"Nandito na po tayo Sir Jayce"
sa wakas nandito na kami ngayon sa airport at naka habol kami sa oras ng pag landing ng eroplanong sinasakyan niya 4:15 PM ang eksaktong oras ng pag baba ng sinasakyan niyang eroplano kaya maaga kami ng mga five minutes, hindi ako makakarinig ng bulyaw galing sa kanya, kanina ko pa inihahanda tong mga tenga ko eh akala ko kasi masesermonan agad ako ng wala sa oras buti nalang at si Sandro ang pinag drive ko kaya nakahabol kami sa oras
"maaga tayo ng five minutes, bumili ka muna ng makakain natin sa loob habang nag hihintay" utos ko dito na agad naman niyang sinunod
sinuot ko muna ang shades ko bago kami tuluyang lumabas ng sasakyan at nag sabay na kaming pumasok sa entrance, dali-dali naman siyang lumihis ng landas pagka pasok namin sa loob para mag hanap ng mabibilhan ng aming kakainin habang ako naman ay nag tungo sa lugar na napag usapan naming pagkikitaan namin
YOU ARE READING
The Devil I Loved ( ON GOING )
Actionwarning: Bawal sa soft hearted "The Lucifer". a living legend known for the past five years. A man who made an Unusual event in the history of the country, managed to kill one hundred government employees during a Night and was considered one of...