"Wala ka talagang balak sumuko mula nung una palang, nakakalungkot dahil unfair ang mundo kaya sana mag silbi itong aral mula sayo!"
masama ito kasalukuyan niyang hawak-hawak ang kaibigan ni munting Jane, hindi ako pwede gumawa ng ano mang galaw dahil baka masaktan niya pa ito at iniiwasan kong maganap yun
nung una pa lang na malapitan ko ang mga lalaking ito ay alam kong may mali na kaya malakas ang loob nilang gumawa ng ganito kalaking kaguluhan sa loob mismo ng paaralan.
Pero sa ngayon mas kailangan ko mag isip ng paraan para mailigtas ang kaibigan ni munting jane mula sa kamay ng lalaking ito, madali lang sana to pero mukhang hindi uubra sa kanya ang pamamaraan na ito dahil sa kalagayan niya ngayon pero bahala na, sana gumana
tinignan ko ito ng deretso sa mga mata upang linlangin sa pamamagitan ng pakikipag laro sa kaniyang isipan at sa ganun ay hindi niya malaman o mabasa ang binabalak kong gawin
Umayon naman ang lahat sa gusto kong mangyari dahil sinagot din niya ng pag tingin ng deretso ang mga mata ko
"Ngayon mag laro tayo sa mundo ko" mahinang sabi ko
nang matapos kong sabihin yun ay sinimulan ko nang humakbang papalapit sa kanila ng dahan dahan at hindi inaalis ang mga tingin ko sa mga mata niya
Brent's pov
Anong nangyayari?
bakit hindi pa siya sumusugod para iligtas si Nicole?
teka! nag lalakad na siya papalapit sa akin
pero. . . . . bakit hindi ako maka galaw ngayon?
A-anong nangyayari sa akin, bakit ang tatalim ng mga tingin niya sakin?
Sino ba talaga ang lalaking ito, bakit parang hindi siya normal na tao?
Ang mga tingin niya, parang tingin ng isang mabangis na leon na ready nang sunggaban ang pagkain nito anytime
H-hindi, mali
mas nakakatakot pa siya sa isang mabangis na leon, hindi ako makagalaw dahil sa mga tingin niya sakin
para siyang isang demonyo, naninigas ang katawan ko. . . natatakot ba ko?
Nakalapit na siya mula sa kinatatayuan ko ngayon pero kahit na nasa harapan ko na ito ng malapitan ay hindi ko pa din magawang igalaw ang katawan ko para atakihin ito, naka tingin pa din ito ng deretso sa mga mata ko
kahit ang bibig ko hindi ko magawang ibuka, na hypnotized niya ba ako? o iba ang dahilan?
"Pasaway na bata"
S-sino yung nag salita?
siya ba?
pero hindi ko nakitang bumuka ang mga labi niya, teka! paanong?
P-paanong hawak niya na ngayon si Nicole?
H-hindi ko nakitang gumalaw siya, paano niya nakuha sakin si Nicole?
"Miss ligtas ka na" sinabi niya kay Nicole habang naka ngiti dito ng malawak
nagagalaw ko na yung katawan ko ngayon, pero ano yung ginawa niya kanina?
Hindi pwede! hindi sila pwedeng basta-basta nalang umalis ng hindi nagbabayad sa mga ginawa nila sa akin
"H-hoy ikaw! Anong ginawa mo sa akin kanina?" tanong ko mula sa lalaki, hindi ko mabigkas ng maayos ang itatanong ko sa kanya dahil pinag papawisan ako ngayon at naguguluhan pa din sa nangyari sa akin kanina
YOU ARE READING
The Devil I Loved ( ON GOING )
Actionwarning: Bawal sa soft hearted "The Lucifer". a living legend known for the past five years. A man who made an Unusual event in the history of the country, managed to kill one hundred government employees during a Night and was considered one of...