Chapter 1

22 8 0
                                    

*Krrrng Krrrrng Krrrng*

"Aaargh, ingay"

*THUD* isang hampas at tumigil ang ingay na gumugulo sa tulog ko.

Dali dali namang tumakbo si mama paakyat sa kwarto ko dahil sa ingay na narinig nya.

*BANG* sa lakas ng bukas ni Mama, kumalabog pinto ng kwarto ko.

"LU-RE! PUNYETA BUMANGON KA NA DYAN! PANG LIMANG ALARM CLOCK NA YANG WINASAK MO! " - Mama

Kung di ako nagising nung alarm clock, i assure you na napabangon ako ng sigaw ni mama. So eto ako sabaw habang nasa kama.

"Oh? " - Ako na nakapikit pa den

"First day mo sa ref kumain yung school ng gumayak na hotdog" - Mama again

"Oh" - Ako ulet

"Tayo na dyan" - Mama habang naglalakad pabalik sa baba.

"Geh" sagot ko

Pero syempre di tayo tumayo, nakatunganga lang ako dun sa kama mga 5 mins ata. Tapos nakita ko yung alarm clock na wasak and BOOM PANES nagising diwa ko.

"Shet first day of school nga pala. Taena napuyat ako kaka ML" Sabi ko at dali daling bumangon.

So ok introduce yourself muna tayo habang nililinis kotong kalat ko, My name is Lauriel Muntay at putangina nyo pag minisread nyo yung last name ko. Gr. 11 Humss student sa Universidad de Capo.

Nagtataka siguro kayo kung pano ko nasira tong alarm clock sa isang hampas, well sabihin nalang nating kamag anak ko sila wonder woman, char. I am born with power, oh! Sino ka dyan? So ayun nga I have super strength... Wait not actually super ano lang, mga captain america level lang siguro ganern.

Anyway I grow up being taught to keep my powers as a secret. As a kid they always explain na kailangan ko sarilinin yung abilidad ko for the sake of living a normal life. Also for some reason di nagpanic sila mama at papa na may super power ako na para bang expected nila. Pero kebs ang mahalaga di sila takot saken.

Ano? Ha? Introvert? Sinong introvert? Ako? Wag kayo maniwala dun sa plot na binigay ng author imbento yon. Socially awkward lang talaga ako, lumaki ako na ingat na ingat sa bawat galaw ko to the point na mas pinipili ko nalang lumayo sa iba kaya hirap ako makipag socialize. Btw nandito nako sa baba namen itapon ko lang to saglit.

Pagkatapos ko itapon yung sinira ko dumeretso nako sa kusina para mag almusal. Kung iniisip nyo kung bakit parang di ako nagmamadali 2 hrs early yung alarm ko baka sabihin nyo plothole eh.

"Ma, nasan na yung almusal ko?" - Kilala nyo na kung sino

"Nasa ref nga sabi, paulit ulit" - Obvious naman siguro kung sino

"Luh, paulit ulit eh wala ka namang sinabi" - Ako

"Kunin mo nalang bago ko ibato sayo tong platong sinasabon ko" - Mama

Naghuhugas kase sya ng pinagkainan. Di kase kame sabay sabay kumakain dito sa bahay Iba-iba kase oras ng pasok namen nila kuya at papa.

Oo may kuya ako pero wala syang power ako lang, ganda ako eh. Pero pwera biro kahit normal yung kuya ko never sya nagpakita ng inggit saken bagkus (Ay wao makata ka ghorl?) lagi nya akong pinoprotektahan... Well not precisely pinoprotect more on inaawat, one time kase na sumapak ako ng umaaway saken muntik na mawalan ng abilidad ibuka bibig. Nga pala pogi kuya ko and single so kung bet nyo ng matangkad, moreno, matalino at masungit pm me char.

Naliligo na nga pala ako now, oh bakit? ano akala nyo habang nagkukwento ako nasa isang lugar lang ako? Time is running mga utot. And sa totoo lang kinakabahan ako pumasok, kayanin ko kaya?

Kakayanin ko naman siguro, hello nakasurvive nga ako ng highschool eh. Ez nalang to 2 yrs tapos college naman, and then trabaho. Sana lang umayon saken ang tadhana.

Ako si Muntay at kwento ko'toTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon