9am na at kasulukuyan akong nasa jeep para pumasok sa school. Kinuha ko ang earphone ko sa bag para mag soundtrip habang nasa byahe, habang pinapasak ko sa cp ko yung earphone narinig ko yung dalawang taga PML (Paaralang Mataas ng Lungsod) na nag-uusap.
Kahit na nakasaksak na yung earphone sa cp at tenga ko di ako nagpatugtog para masundan yung kwentuhan nila.
"Sis, narinig mo yung nangyari nung isang araw sa UDC?" - PML student 1
"Oo, baks grabe yon. Balita ko nga hindi daw nahuli kung sino gumawa eh." PML student 2
"Katakot no? Before opening of class pa talaga nangyari." PML S1
"Chrue ka dyan" - PML S2
After non, nagchange topic na sila kaya nagpatugtog nako. Syempre curious ako kung ano yung nangyari, mga hayop naman kase magchismisan tong mga to di pa kumpletuhin yung usapan kala mo sila lang nakikinig madami kayang tao sa jeep noh? Ang ending bababa kaming nga nakinig na walang idea at curious kung ano ba yung pinag-usapan nila.
Dapat isabatas yan eh, na sa oras na magchichismisan sa jeep siguraduhin na kumpleto ang lahat ng detalye para di makaabala sa mga nakikinig na ibang pasahero. Nakaka trigger kayo ng anxiety eh.
Habang lutang ako sa pagmumuni muni kung kanino ko pede itanong yung nasabing nangyari ang potaenang jeep biglang pumreno. Shuta nakaupo ako sa may dulo sa bandang labasan at kinukutkot yung sticker sa bakal, tangena subsob ang nguso ng lola nyo dun sa kinukutkot ko.
"Dito nalang ho ako, iikot nako eh" - Jeepney driver.
Ilang metro nalang yung babaan nahiya pa tumuloy si manong. Habang pinupunasan ko nguso ko. Nagbababaan na mga tao, ako nalang natira sa jeep at pababa na den sana ako ng sigawan pako ni manong driver.
"Hoy baba na, oh gusto mo ibalik kita sa sakayan?" - Manong
*Insert Shocked Pikachu meme* ganyang-ganyan reaksyon ko sa sinabi ni kuya, so si ako na bababa naman na eh natrigger. Nung pababa ako piniga ko ng matinde yung hawakan.
Habang naglalakad ako nakita ko si Deko na palakad sa direksyon ng City Hall, kagawad yung nanay nya baka dun sya pupunta. Pero syempre kiber nalang ako at dumeretso na sa klase.
Nagsimula at natapos ang 1st subject namin di ko nakita si Deko. Kaya nagtanong ako kay Erlinda kung nakita nya ba si Deko.
"Hinde bhe, ako unang dumating dito diko naman sya napansin." sagot ni Erlinda saken.
"Nakita ko sya kani... " Naputol yung sasabihin ko
"Ayan na pala beh oh." sabay nguso ni Erlinda sa pintuan.
"Aga mo para sa next sub bakla ah." biro ko kay Deko.
"That would be none of your business." - Deko
"Luh atichona si badeng. " -Erlinda
Ewan ko ba pero I felt something na kakaiba kay Deko nung araw na iyon kaya maghapon kong binantayan mga kilos nya. Luckily ala namang nangyari na masama maliban sa pagtataray nya everytime na mahuhuli nya kong naka tingin sa kanya.
Bigla kong naalala yung narinig ko sa jeep out of nowhere. Kaso nasa jeep nako pauwi at diko naman kasabay si Erlinda kase nagpunta sya sa Mall. Bukas na nga lang nacurious talaga ako sa issue na yan.
BINABASA MO ANG
Ako si Muntay at kwento ko'to
HumorBorn with superhuman strength Gr. 11 student Lauriel Muntay must find a way to survive the apocalypse... Char. Halina't tunghayan kung pano mag fifit-in ang Introvert na si Muntay sa kanyang eskwelahan kasama ang kanyang mga kaibigan.