May nabasa ako sa RA ko na may nag share ng picture.. ang nakalagay eh.. FRIDAY is may second favorite F word. Natawa lang ako. Ano kaya yung pinakFAVORITE nya?hehehe
Jireh's POV:
Natapos ang kasal ng hindi ko man lang namalayan. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na alam kung anong oras ba umalis si Heidee. Si Heidee, ang kababata ko, ang bestfriend ko. Kung hindi sana ako napasubo sa kasalan na ito baka masaya na kaming dalawa. Mahal ko sya. Matagal na. Pero natatakot ako na masira ang pagkakaibigan namin kung sakaling magtapat ako, kaya lahat na lang ng babaeng lalapit sa akin hindi ko pinapalampas. Naging babaero ako para hindi sya tuluyang mawala sa akin. Pero karma ko siguro ito, sa hindi inaasahang pagkakataon nakabuntis ako, alam ko na mali na magpakasal dahil lang sa baby pero ayaw ko lang maranasan ng anak ko ang mga naranasan ko, ang mamuhay ng walang kinikilalang ama.
At tanggap ko naman na ito ang kabayaran ko sa kaduwagan ko. Pinilit kong magmukhang masaya nung ibinalita ko ang pagpapakasal ko. Gusto ko talagang makasama sya ng gabing yun, para ipaintindi sa sarili ko na magkaibigan lang talaga kami. Pero sino nga ba ang hindi magugulat sa mga ipinagtapat nya. MAHAL nya ako. MAHAL nya rin ako. Pero huli na ang lahat. Kaya pilit kong tinanggihann ang alok nya na may mangyari sa amin. Kahit gustong gusto ng puso ko, ng utak ko. Ayaw ko na mas lalo syang masaktan. Tama ng ako na lang ang masaktan sa aming dalawa. Pero nagwagi pa din sya. Kahit kailan sunod sunuran ako sa kanya. Ang gabing hindi ko makakalimutan. Buong gabi ko syang MINAHAL. Ang gabing ayaw ko na sanang matapos pa.