part 1

69 3 0
                                    

"TOL ano na ba?? tabi ba tayo??"

"hindi tol at katabi ko na sa upuan yung aking sinisinta"

"LANGYA! tol pinagpalit mo ko dun.. kailan ka pa naging makata??"

"maghanap ka na den kasi ng sayo tol"

"hah?? may sinasabi ka ba tol?? ano na nga yun??"

"ware pa to.. magbagong buhay ka na tol.!"

"oo nalang sayo tol.. ikaw ang magbagong buhay"

wala na naman patutunguhan tong pinag uusapan naming magbesfriend.. Panay kagaguhan lang pinagsasasabi namin e.. Ayun iniwanan ako mag isa dito at umakyat na sya sa bus..

Tour nga pala namin ngayon.

Mukang ako nalang ata ang di pa umaakyat.. E ANO NAMAN?? Wala akong katabi pero WALA AKONG PAKIALAM!! kAhit na magkakatabi pa yung magpapakner. DI USO SAKEN YUN..

Pero di naman maiiwasan na may magustuhan din ako. OO meron! Kaso ang TAHIMIK nya.. kalalaking tao e. Samantalang ako ubod na INGAY!! Magkaiba talaga kami.. AKO panay kagaguhan e sya mukang di makakagawa ng masama.. DINAIG PA KO!!

Lintekk!! Ano ba tong sinansabi ko?? kaklase ko nga sya pero di ko naman kinakausap..Di pwede to!! Ako ang tagapagtaguyod ng mga single e..

"MISS DELA CRUZ!!"

Ako nalang pala yung kulang. Pasaway talaga ko..

Pagpasok ko sa bus.. PUNO!!..

"ma'am wala na po bang bakante?'

"class, sino wala pang katabi?"

"JAN CYREEN DUN KA NA LANG SA TABI NI IAN KRISTOFF.. ALA PA SYANG KATABI"

"oh miss dela cruz dun ka na."

"thank you ma'am."

Naglakad na ko papunta dun. SHETNESS!! SIYA TOH!! kaso mukang walang kwentang kausap. napakasama ko talaga.. Pagkaupo ko. AYUN! Walang imikan. Panis laway ko dito. 

NAHIHIYA AKONG KAUSAPIN. hanep! meron pa ba kong Hiya?? Ang pinakamainam gawin sa ganitong sitwasyon ay

MATULOG!!

"IAN! PASANDAL! Wag kang malikot at matutulog ako"

Patapangan na lang ng hiya to. Tinignan lang niya ako ata saka NGUMITI!!

NGINITIAN NIYA AKO!! WAAAAHH!!! jc itigil mo yan .. Ngumiti lang e. 

Iba kase talaga.. Alam niyo yun?? Iba yung dating nya.. Nababaliw na ko..

Pagkagising ko nakapatong yung ulo ko sa balikat niya at yung ulo nman niya nakapatong sa ulo ko.

SHIYETT! KINIKILIG AKO!!

"AY SHET!! LANGYA NAMAN OO! LINTEK KRISTOFF NANANADYA LANG???"

Bigla ba nman kasi may tumugtog e nkalagay pala sa tenga ko yung headset tapos napakaingay pa nung kanta.. Etong lintek na kristoff naman PATAY MALISYA. KUNWARE TULOG.

"wahahahahahahhahah"

"JC ANo Ba naman yan???hahahahah"

Bakit ba nila ko pinagtatawanan?? Kaya tumingin ako kay tol.

opposite ATTACKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon