Takipsilim

18 3 0
                                    


Kay ganda ng umaga,
kay liwanag ng tala,

Heto ang nakikita ng aking mga mata,
dahil takipsilim na.

Lulubog, lilitaw, na parang araw

Minsan lang siya matanaw,
minsan din ay pumapanaw.

Pagmamahal ko sakanya ay buo,
pero dinurog niya ako at sinaktan ng todo.

Minsan na siyang dumating sa buhay ko,
pero agad ding naglaho.

Sabi niya ako ang kanyang mundo, dahil walang sawa ang pag-ikot nito gaya ng pagmamahal ko,
literal pala na pinaikot-ikot niya lang ako, at pinaglaruan ang puso.

Ngayon ko na napagtanto,
na sa bawat takipsilim na nakikita ko, ikaw ang naalala ko,

Sapagkat ikaw ang magandang bagay na nakita ko, pero agad ka ding naglaho.

Unspoken wordsWhere stories live. Discover now