Friend zone

7 3 0
                                    


Minsan akala natin siya na,
dahil simula pagkabata ay magkasama na kayong dalawa,

Pero tama nga ang sabi nila,
mali pala talaga ang salitang akala.

Nagbibigay siya ng motibo at ito naman ako umaasa,
na baka sakaling mahalin din niya,

Ngunit hindi pala talaga kame para sa isa't isa,
dahil tanggap kona na kaibigan lang ang turing niya.

Isang araw bigla niya akong tinawag at sinabi ang salitang "mahal kita at ayaw kitang mawala",
akala ko totoo na, yun pala para yun sa iba.

Sinubukan kong umamin sakanya, at sabihin ang aking nadarama,
pero ang sabi niya "mahalaga ka pero kaibigan lang talaga".

Ang sakit pala talagang magmahal ng taong hindi ka mahal.
Yung kahit binigay mona lahat, hanggang kaibigan lang pala dapat.

Unspoken wordsWhere stories live. Discover now