Her: Para sa'kin, mas madali 'yung pag-amin nang parang pa-joke lang.
Him: Crush kita, eh...
Her: Oo, parang gan'yan.
Him: Tinry ko na kaya umamin sa crush ko. Hindi rin directly, pero by giving clues... kaso hindi ko alam kung manhid ba siya, o slow lang talaga.
Her: Eh? Umamin ka na kay Klein?
Him: Hala! Hindi, ah!
Her: Gulo naman nito! Akala ko ba umamin ka na sa crush mo?
Him: Oo nga, pero hindi naman si Klein ang crush ko.
Her: Weh?! Hindi si Klein ng crush mo? Well, anyway, pa'no mo ginawa?
Him: Hindi ko nga direktang sinabi, pero I gave clues. Like, on how I call her—tinatawag ko siya nang sweet.
Her: Baka mukha kang nagjojoke.
Him: Tapos lagi ko pa siyang binibigyan ng favor.
Her: Baka kala niya normal lang 'yon. At saka hindi naman 'yon pag-amin, 'no!
Him: Wait kasi, sinabi ko rin sa kan'ya, "Dapat kasi tayo na lang eh," kaso hindi niya narinig.
Her: Dapat inulit mo!
Him: Dapat kasi tayo na lang eh.
Her: Huh?
Him: Dapat kasi tayo na lang.
Her: ...
Him: 'Di ba? 'Di ko talaga alam kung manhid ba siya, o slow lang talaga.
YOU ARE READING
A Thousand Lives
Short StoryA compilation of all the short stories I have written. Note: Most of my works in here are not proper stories. Majority are just simple scenarios that has a story to tell. Also, I started writing at 13! And I'm not a "writer" writer. Bear with me, pl...