04: Beautiful in White

14 3 0
                                    

CW/TW: Death

You're in a white school uniform when I first saw you. Ang ganda mo. College tayo noon. College din tayo noong niligawan kita. Sabi mo, sasagutin mo ako kapag tapos ka na sa pag-aaral. Pang pre-med pa lang ang tini-take mo noon, ibig-sabihin matagal pa ang hihintayin ko. Pero worth it 'yon.

You're already wearing a doctor's lab coat when our relationship finally became official. Ang ganda ganda mo. Proud na proud ako dahil naabot mo na ang pangarap mo. Ang saya saya ko para sa'yo, para sa'tin.

You're in a white wedding dress when we experienced the best day of our lives. Ang ganda ganda mo talaga. Hindi ko ito makalilimutan. Ito ang araw na naabot ko ang pangarap ko, ang pangarap natin. Mahal na mahal kita.

At ngayon, mahal na mahal pa rin kita. Mamahalin at mamahalin pa rin kita. Nakalulungkot lang na kahit pa napakalapit ng isang tao sa medisina, may mga bagay pa rin talagang hindi nito malulunasan. Tuluyan kang nawala. Pero ang ganda ganda mo pa rin. You really look so beautiful in white, even in a funeral dress.

A Thousand LivesWhere stories live. Discover now