"What the hell?"
Agad akong bumaba ng kotse ko nang maabutan ko ang mga kasambahay na inilalagay sa isang van ang aking mga maleta. Hindi ako puwedeng magkamali. All of those are my stuff!
"What's going on?"
Takot na binalingan ako ng mga kasambahay. Maski ang driver na nakaupo sa van ay tahimik at ilag ang tingin sa akin.
"Speak or I'll make you speak?" Baling ko sa isang kasambahay. Pero bago ko pa man mahawakan ang ilag na braso nito ay agad may nagsalita.
"Ms. Devi."
Nilingon ko ang nagsalita, only to find my father and his right hand together with armed men in black.
"Lord ordered this." Mr. Frederick said while handing me a folder that I immediately opened.
"Hell no! Why would I enroll myself on that university? That's where all Mafias' lair." I looked at my father who was staring blankly at me. Walang pakielam, what would I expect?
"Instead of getting kick out from your all girl schools, it would be better to transfer you there. You're more likely belong there Ms. Devi." Again, si Mr. Frederick ang sumagot sa akin.
I know he's my father's consigliere. An advisor, and his right hand. But couldn't I at least get an answer from my father? Tinitigan ko siya pero walang nagbago. Sinundan kong tingin kung nasaan ang atensyon niya ngayon. Patuloy na inaayos ng driver at ng mga kasambahay ang mga maleta ko. The hell.
"No need to say for an excuse that I'm a daughter of a Mafia Lord. Gets ko. That's his only way to get rid of me right?" Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Mr. Frederick sa akin nang hindi rin sumagot sa tingin niya ang aking ama. "Fine. Then let it be."
Hindi ko na hinintay pa ang van. Agad na din akong sumakay sa aking kotse ulit at paspas na lumabas ng gate ng mansion. The guard even let the gate opened for me. Alam na alam ng lahat sa mansion na pinapaalis na talaga ako. Kung dati hinahabol nila ako kasama ng mga tauhan ni Daddy para itago at ikulong sa loob ng mansion, ngayon hindi.
I gripped tightly on the steering wheel out of my frustration. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala. For not to be kick out huh? I'm not stupid. Alam kong plano na nila akong ipatapon doon.
That university is where some of my cousins goes. Personally, I have nothing against it actually. Sa pagkakatanda ko, the last time I saw them were five years ago. Panigurado ay magtatapos na ngayong taon kaya ngayon lang din makakalabas ng lugar na iyon. Base sa mga kuwento nila noong bago pa man sila pumasok doon. They hate to study there since they will be controlled inside. At iyon lang ang issue ko doon.
Isipin ko pa lang na mas madami ang batas sa lugar na iyon kaysa sa mga napasukan kong unibersidad ay mukhang masisiraan na ako ng bait. I was controlled inside the mansion. The only place where I'm quite exempted of being controlled was school. Pero kung doon pa lang ako papapsukin, baka ako ang unang maging kaso ng kick out. Baka makapatay lang ako sa loob ng lugar na iyon nang dahil lang sa pagtitimpi.
But thinking of my cousins made me think. Tumino ba sila doon? I mean, I know mafiosos are not one of those kind beings. But maybe at least they haven't kill anyone yet right? Dahil kung may napatay na sila at napaalis ng eskuwelahan, hindi lang pamilya nila ang magagalit. My father would be furious about it. Dahil ang pinaka dahilan ng unibersidad na iyon ay ang pansamantalang katahimikan sa pagitan ng lahat ng mafia clans.
"Id Ms." Ibinaba ko ang bintana ng kotse ko at ipinakita sa guard ang isang puting id na may logong krus.
"P-pasensya na po Ms. Gi-Giovanni. Wala po kasing logo yung kotse nyo Ma'am. Pasensya na po talaga. Pasensya. P-pasok na po kayo Ma'am." Hindi ko na pinansin pa ang utal utal at kabadong guard. Masyado nang masama ang araw ko at ayaw ko nang dagdagan pa.
Ipinarada ko ang kotse ko na sinasabing walang logo. Hindi ko rin siya masisisi. Bago lang ang sasakyang gamit ko kaya walang logo ito ng pamilya namin. Malamang ay hinanap iyon ng guard nang natanaw na papasok ako sa lugar na ito.
I inhaled deeply before walking out from the car. I went inside a mosque like building and roam my eyes. Walang nagbago mula noong huli kong punta dito. Malinis ang lugar at tila kumikintab ang mga disenyong ginto na nakaukit. Ang tanging bago lang sa loob ay ang mga bagong bulaklak na nakalagay sa vase at ang mga kandila. The place was filled by different kinds of lavender, her favorite flowers.
"Hi Mom." I said and touched her grave. With those two words, I found my comfort. My world seems whole again even though it's not.
Hindi ko na nabilang kung umabot ba ako ng ilang oras sa lugar na iyon pero sigurado akong nagtagal ako dahil nagising na lang ako sa mga tawag ng isang unregistered number sa aking telepono.
"My goodness Devi! Kanina pa kita tinatawagan. Mr. Frederick called me and asked me if you're now here. Ngayon ko lang nalaman. Dito ka na pala papasok? Alam mo bang- oh my goodness! Wait. Before anything else, where are you na ba? Pumunta ka na dito. Nandito na ang mga bags and stuffs mo. Kanina pa hinatid kaya nagtataka na kung bakit wala ka pa rin dito. Mr. Frederick will be here in any minutes kapag hindi ka pa pumunta here. Drive safely, I'll be waiting at the university's gate okay?" Hindi na ako sumagot pa kay Sofi at agad ibinaba ang tawag. Her name doesn't suit her well. She's not a soft spoken lady.
Lumabas na ako at agad sumakay sa kotse para umalis ng sementeryo. Sigurado akong ibinigay ni Mr. Frederick ang numero ko kay Sofi para macontact ako. Sofia is my cousin. Bukod sa dalawang pinsan ko na graduating at ahead sa akin ng taon, si Sofi ang isa ko pang pinsan na nagaaral doon na kasing edad ko lamang. I wonder how's she. Dahil diretso siyang pumasok at nagaral doon mula nang bumalik ang pamilya niya galing Estados Unidos kaya hindi ko na alam kung kamusta siya.
I sighed upon remembering her straight conyo lines. So ito na talaga? They really want me to go there and tell everyone that I'm his daughter? Parang naglista lang ako nang dadagdag sa mga gustong pumatay sa akin. But anyway, dala ko ang apelyidong takot na hindi marespeto. Besides that university offers peace right? Hindi naman siguro ako makikipagpatayan pagkaapak ko ng paa sa lugar na iyon di'ba.
Ilang minuto bago ako nakarating. Seeng these huge letters from an arch makes my heart pumps faster. Nervous? No. Kung may salita man na magpapalarawan ng nararamdaman ko, iyon ang excitement.
I couldn't wait to make the peace of this university turned into troubles. Iyon ang nasa isip ko, na naging pagkakamali ko.
I can see Sofi near the gate where the parking lot is. Hindi pa man ako nakakababa pero ang excitement na sinasabi ko kanina, naglaho. Excitement turned into curiosity.
With a near distance, I can see two male students stabbing each other with knives. At sa hindi kalayuan malapit sa isang puno sa parking lot ay kita ko ang isang lalaki na pinapalibutan ng tatlong lalaki habang nakatutok dito ang baril sa noo.
Before I could even ask what the hell is happening, Sofi hugged me immediately. Nang kumalas ang yakap niya ay tiningnan niya kung saan ako nakatingin. I'm expecting her to explain but the only thing I got from her was a creepy smile while welcoming me.
"Welcome to Mafillia University Devi!"
BINABASA MO ANG
Mafillia University
ActionMafillia University, a university built by former Mafia Lords for every Mafia familias. They thought that the university serves as an agreement as a temporary ceasefire with all Mafias however, they didn't know what's the reality happening inside. T...