Part 3

4 0 0
                                    

Better Than Revenge (CHAPTER 3)


Music class..

I'm a music major and I am on top of our batch. Kamalas-malasan ng ex -bestfriend ko at nandito siya ngayon sa teritoryo ko.

"Good morning freshies, today I want to hear some music from you as a part of our initiation in the org. And dun natin malalaman kung saan kayo ilalagay: musicians, aria (soloist), choir, band, or sa special class. You see, special class is not that special. Dun natin inilalagay ang mga kailangan pang pagtuunan ng pansin, you know? Those who needs improvement.", i said at nagtawanan ang lahat. Maliban kay Marielle. She knows to herself that she's not so good when it comes to everything other than stealing someone's property and making up stories.

"Okay, let's start?", Sandra opened the activity and she called the freshies one by one. At nagdesignate na rin kami kung para saan sila. And here it goes..
"Marielle Olivar?", tawag ng P.I.O ng org. Kinakabahan siyang tumayo at humarap sa table namin.

"U-Uhm.. I'm Marielle and I'm going to sing.", utal niya pang sabi. Ako naman ay walang emosyon na nanuod lang.

"Your on the phone and your girlfriend she's upset~", panimula niya sa kantang You Belong With Me by Taylor Swift. Napangisi ako. Bagay na bagay sa kaniya yung kanta. Kaniyang-kaniya nya, isaksak niya sa baga niya. Bago pa man ako matawa sa sarili kong iniisip, sumenyas ako na itigil ang music. Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.
"What are you doing?", I asked.
"U-Uhh singing?", sagot niya.
"You call that singing? I thought you're reciting a poem. Do you know what notes are?", ni hindi ko itinataas ang kilay ko pero parang mangingiyak na siya.
"Special class.", that ends it. Gusto kong matawa nung makita siyang napapahiyang umupo pabalik sa pinanggalingan niya. Who would have thought? Karma is real. Ganyang ganyan din ako napahiya noon because of her. I never had the chance to defend myself.

*flashback*

Hindi naman ako agad nakamove on kay CJ at halos isang buong buwan din ako naghabol sa kaniya after mailibing si lola. Nandoon din siya nung huling lamay at dun ko napatunayang mahal niya pa ako at baka nalito lang siya nung panahong wala ako. Araw-araw akong pumupunta sa training hall para dalhan siya ng pagkain at inumin like I used to do. Unti-unting bumabalik ang dating pagtrato niya sakin not until lumabas ang tunay na kulay ni Marielle. She created stories na inaakusahan ko siyang mang-aagaw at sinabihang malandi. She even brought fake witnesses to prove her claim.

"Ano bang sinasabi mo Marielle? Kahit kailan wala kang narinig sakin na ganiyan.", I said.
"Hoy Kath, wag mong ginaganyan ang kaibigan namin. Kung hindi ka makamove-on wag kang mandamay! Nananahimik si Mayeng pero kung ano-ano pang sinasabi mo! Narinig namin sinabihan mo siyang malandi!", sabi ng kaibigan daw niya na ngayon ko lang nakita.
"Oo nga. Nandun din ako. Diba ikaw yung malandi? Ikaw nga ang dahilan kung bakit naghiwalay si Mark at Marielle. Nagdate pa nga kayo diba? Tapos todo comfort ka kaya tuluyan silang maghiwalay samantalang kayo pa ni CJ noon. Kung meron mang malandi dito, ikaw yun.", dagdag pa nung isa.
"Girls, tama na. Alam kong hindi naman kayang gawin ni ate yum. Diba ate?", bait-baitan na sabi ni Marielle para kunwari di niya alam.
"Hindi totoo lahat ng sinasabi niyo.", sabi ko at tumingin kay CJ.
"Baka nagkataon lang yung nakita ko silang magkasama nung gabing hinabol ko si Mark.", painosenteng sabi ni Marielle.
"Magkasama kayo ni Mark?", tanong sakin ni CJ
"O-oo p-pero--", hindi ko pa tapos yung paliwanag ko nung nagwalk-out siya.
Hinabol ko siya pero parang pinandidirihan niya na ako.
Eventually, kumalat sa buong dance group that me and Mark had an affair. Nag-iba ang tingin sakin ng mga tao. My reputation was ruined because of Marielle's stories.
*end of flashback*

Dati hindi ako naniniwala sa karma. Pero ngayon parang totoo nga.

Lumapit ako sa babaeng mag-isa sa bench.

"So, how does it feel being alone and being judged by people you don't even know?", I asked without looking at her.
"Masaya ka na ba? Napahiya mo na ako, anong pakiramdam?", tanong niya na halos maiyak na.
"Dear, hindi kita pinahiya. Kasalanan ko bang panget ang boses mo?" natatawa akong tumalikod at akmang aalis na.
"Siguro ngayon natutuwa ka. Pero makakabawi din ako.", pangbabanta niya.
"Sure dear. Bring it on. Show me what else can you do.", I said and walked away.

-to be continued-

Better Than RevengeWhere stories live. Discover now