Better Than Revenge
"Did you receive all of my messages before? I tried to contact you, Kath.", he asked.
"Wala akong nabasa or narinig mula sayo not because hindi yun nakarating sakin, it is because I don't wanna hear any lies from you. Sapat na yung sakit na dinanas ko sa'yo noon. Wala na nga akong maramdaman ngayon e. You know what, I should thank you. Dahil sa'yo I would not be in my position right now.", sabi ko at binigyan siya ng pekeng ngiti.
"I-I don't love her. I-It's still you, Kath.", utal niyang turan na ikinangisi ko.
"Too bad for you and for her. Kung wala ka nang sasabihin, I better go. See you in dance class.", tinapik ko siya sa balikat at lumakad palayo.
Sinong niloloko niya? Hahaha two years ago sobrang miserable ng buhay ko dahil sa kanila.*flashback*
Dalawang taon na kami ng boyfriend kong si CJ when Marielle entered into the picture. Nakilala siya ni CJ dahil sa common friend na nagpapatulong sa kaniya magchoreograph ng sayaw. Pero hindi pa gaanong tiwala si CJ sa sarili niya that time. So as a girlfriend I wanted to help and I volunteered to help. Hindi alam ni Marielle na may girlfriend na si CJ and nagulat siya nung ako yung magtuturo sa kanila ng sayaw.
"Hi everyone, this is Kath my girlfriend. She will be the one who will teach you the steps and position. Sana maging cooperative kayo sa kaniya. And by the way, she's a great dancer kaya nakakainlove talaga but she's mine okay? Haha", buong pagmamalaki niyang paalala sa lahat na ikinakilig nila maging ako.
"Thank you, love.", I said before we started dancing and gave him a kiss on cheeks.
As time goes by, palagi niyang kausap si Marielle sa chat concerning everything about their dance project. Sa tutuusin hindi talaga marunong si Marielle sumayaw and I'm having a hard time teaching her. Kaya medyo ilag siya sakin at kay CJ siya lumalapit. So I decided to talk to her.
"Uhm, Marielle can we talk?"
"Yes ate. Ano po yun?", she asked.
"I'm sorry if medyo strict ako sa pagtuturo ha? I mean- I just want you to learn and give your best. And I am hoping that we could be you know-uhh friends?", medyo nahihiya ko pang sabi.
"Hala oo naman po ate! Naiintindihan ko naman po.", masaya niyang sabi at niyakap ako.Mula noon naging close kami ni Marielle. Lahat ng problema niya sinasabi niya sakin and palagi akong tumutulong. Even financial needs, I always come to help. We treated each other as bestfriends. Nagkaroon siya ng ka-MU, si Mark. Naging part din ng circle of friends namin si Mark. Palagi kaming may double date; ako at si CJ, si Marielle at Mark.
Wala namang problema until after 2 months naghiwalay sila."Kath pwede mo ba akong samahan?", sabi sakin ni Mark na halos maluha na sa harap ko.
"Bakit boi ano nangyari?", nag-aalala kong tanong.
"Marielle dumped me.", sagot niya at tuluyan nang naiyak. Agad ko siyang nilapitan at hinimas ang likod para mapagaan ang loob niya. Tumawag ako kay CJ para sana magpaalam na samahan si Mark kaso out of reach kaya tinext ko nalang.
Sinamahan kong maglibang si Mark that day. Nagvideoke kami at kumain nang kumain para mapagaan ang loob niya."Thank you Kath, it means a lot.", sabi niya sakin habang nasa tapat na kami ng bahay namin.
"Wala yon boi, para san pa at magkaibigan tayo?", ngumiti ako at nagpaalam na at pumasok sa bahay. Chineck ko ang phone ko. Walang reply mula kay CJ kaya tumawag ulit ako. Hindi na naman sumagot kaya iniisip ko na baka busy. Pagpasok ko ng bahay, nakita ko sila mommy iniimpake ang gamit ko.
"Thank God Kath you're here. I know it's fast but it's very urgent. Your lola kasi she's dying and she wants to see you.", my mom explained. Nabigla ako kasi lola's girl ako. And I am really afraid to know that she's dying. Puno ng luha agad akong nag-ayos ng gamit.
"Your dad booked a flight at 9pm so you better hurry, darling.", sabi ni mom at tinulungan akong mag-ayos.
To make the long story short, I flew immediately to Hong Kong to take care of my lola. At hindi ako nakapagpaalam kay CJ. Tumagal ang pagstay ko dun, almost two months of staying, okay pa kami ni CJ. Nakakapagcommunicate pa naman kami. Kaso nung 4 months na, napapadalas ang pag-aaway namin. Maliliit na bagay pinag-aawayan namin. Hanggang sa nakipagbreak siya sakin through phone call.I was really shocked and I don't know what to do. I bought a ticket pabalik ng Pilipinas at nagpaalam ako sa lola ko na saglit lang ako at pinagkatiwala ko siya sa tita ko na pinsan ni mommy.
As soon as I arrived, pinauwi ko ang gamit ko at nagmamadaling pumunta sa dance studio na pinagpapraktisan nila CJ. And there, I saw him. Kasama niya si Marielle at magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila habang nag-uusap.
"CJ let's talk.", sabi ko at gulat na gulat sila na makita ako.
"Kath.", yan lang ang nasabi niya. Agad kong tinignan si Marielle na nakayuko lang sa harap ko.
"I didn't know that you two are THAT close?", taas kilay kong tanong na may diin bawat salitang sinasabi ko. Nagagalit ako at baka kung anong magawa ko kaya pinigilan kong magsalita.
"Kath, let me explain. It's not what you think.", he defended.
"Of course. I'm not here to have a discussion with you. I'm here to save our relationship, CJ. Almost three years na tayo, Love. Tatapon mo nalang ba yun basta?", maluha-luha kong sabi.
"I'm sorry Kath-"
"Bakit? Anong dahilan?"
"Napapagod na ako. Hindi na ako masaya, Kath. Wala na akong maramdaman.", sabi niya at iniwas ang tingin sakin.
"What? Yun lang ba ang pagmamahal? Love, sabi mo pag napagod tayo magsisimula tayo ulit diba?", sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Pero binitawan niya lang yun.
"Kath, tama na. Wag na natin pahirapan ang mga sarili natin. Ayoko na sayo at hindi na kita mahal.", sabi niya at iniwan ako. Umiyak ako nang umiyak kung saan niya ako iniwan. *kring kring*
"Hello?"
"Kath nasaan ka? Bakit mo iniwan ang lola mo? *sobs* w-wala na si Inay, Kath *sobs*"
Nabitawan ko ang phone ko dahil sa narinig ko.
Dahil sakin namatay si lola.
*end of flashback*Hinding-hindi ko makakalimutan ang hirap na napagdaanan ko dahil sa kanilang dalawa. Nalaman ko eventually na isang buwan na silang mag-on bago makipagbreak sakin si CJ. And that made me really mad at them. I've decided to move on after that. I changed myself. After a year, nakakatanggap ako ng mga messages from CJ. Nagsosorry siya and he still wants me back. Nabalitaan ko ding nakikipagbreak na siya kay Marielle pero hindi siya pumapayag. Nagustuhan ng parents niya si Marielle and that gave him reason why he chose Marielle over me before, ayaw kasi sakin ng parents niya dahil masyado akong totoong tao.
But now, malapit na sila mahulog sa sarili nilang hukay.
-to be continued-
