Part 4

4 0 0
                                    

Better Than Revenge


"Sige from the top tayo guys then we will have a break.", I said and pinatugtog yung music.

Everyone's doing great even si CJ. I can see that he really improved. May mga pitik na ang paggalaw niya at mas lalo siyang sumexy sumayaw. Fully developed na rin ang kaniyang physical appearance and that made him one of the new crush ng dance class. I can still remember how he started from mahiyain to what he is now.

"Okay guys, one hour break tayo sabi ni Pres. You can have your lunch na din and please don't eat inside the hall. See you later everyone!", narinig kong sabi ni Kian habang nag-aayos ako ng gamit. Naglabasan na din ang mga students after.
May nag-abot sakin ng blue na gatorade. Natuwa naman ako at kinuha ito.

"Pagod na pagod na naman ang presi ko.", panimula niya at ngumiti sa harapan ko.
"Part of the duty.", sabi ko at ngumiti din. Kumuha siya ng towel at pinunasan ang mukha ko.
"Gusto ko na talagang pahintuin ka kapag nakikitang napapagod ka but I can see how happy you are when you're dancing and leading at the same time. I will do everything just to see your smile, Kath.", puno ng sinseridad ang mga mata niya habang sinasabi yun. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at malungkot na ngumiti.
"I'm sorry Kian if I can't give what you want. Hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo sakin. I know you deserve a lot better than a piece of broken girl as I am.", I said at sinubukang ngumiti.

Si Kian ang Vice President ng org na palagi kong kasama simula umpisa. Siya rin lang ang pinagkakatiwalaan ko sa buong University. Siya ang kasama kong bumangon from that downfall. He confessed his feelings for me almost a year ago but I just can't give anything in return. Natatakot na akong magmahal ulit and honestly, I don't know how to love again.

"I'm sorry to interrupt but I need your signature for my membership.", biglang singit ni CJ na mukhang hindi natuwa sa nakita niya at nakabusangot ang mukha.
"Leave it right there, I'll sign it later.", sabi ko na parang walang nangyari at uminom ng gatorade.
"But I need it now.", he exclaimed. Nagtaas ako ng kilay at napaamang siya.
"Apurado ka? You don't tell me what to do. I'll send it to you later, you may go.", alam na alam niya ang nagyayari kapag hindi ako sinusunod kaya umalis siya agad. Pagkalabas niya ng pinto ay agad kaming natawa ni Kian. Natatawa rin kasi siya pag nakikita akong kunwaring nagmamaldita. He knows everything about me, every single detail about the new Katherina. I'm just so happy that I have him around.

Pagkalabas namin ni Kian ng hall, nakita kong nagkukumpulan ang mga students sa may bulletin. Nacurious ako at lumapit.

And there I saw my old photos posted in the bulettin. Nakalagay "Sana all nakakojic"
"Retokada, before and after"
"Gold digger"
"Nagpokpok para gumanda"
At iba pang bastos na salita tungkol sakin.

"Totoo ba? May anak na daw siya?", sabi ng babae sa harapan ko na halata namang ako ang tinutukoy.
Napansin ako ng ibang students na nandun at nahihiya silang tumingin. Isa-isa rin silang umalis sa tapat ng bulletin at tinitigan ko namang maigi ang bawat pictures. Lumapit sakin si Kian at nag-aalalang tumingin.
"Hays. Tsktsk.", sabi ko at umiling-iling.
"Napakapambata naman neto, ni hindi nga ako naasar. Tss", sabi ko habang nakatitig sa board.
"Tara na?", tanong ko kay Kian at namamangha siyang ngumiti. Naglakad kami papunta sa canteen at pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Ako naman dedma lang. Nakita ko din sa isang table si Marielle na nakahanap na yata ng mga kaibigan. Well, good for her. Nakita kong napatingin siya sakin at ngumisi.
Santa-santita talaga. Ewan ko ba kung bakit ako lang nakakapansin niyang kadimunyuhan ng babaeng yan? Well, dadating din yung araw niya.

"Kath. Narinig ko yung balita, someone tried to sabotage you. Do you know who it is?", tanong sakin ni Sandra pakaupo niya sa table namin.
"Yes, and saan ka galing?", I asked.
"U-uhh diyan lang nagbasa sa library.", sagot niya.

---kinabukasan---

Maaga pa lang madami nang nagkukumpulan sa bulletin board. Napairap nalang ako kung ano na naman yun. Paglapit ko pinagtinginan agad ako ng mga tao. It was a picture of me and Kian sa hall na mukhang nagkikiss pero hindi naman. Kahapon to ah.
"So stalker ka na pala ngayon.", mahinang sabi ko sabay kuha ng picture. Pinupuno ako ng babaeng to.
"All of you, go to your rooms. NOW!", malakas ngunit kalmado kong utos. Agad naman silang sumunod.

Nilukot ko ang picure gamit ang isa kong palad at nag-isip.

"If you think it's Marielle, magkasama kami maghapon hanggang gabi at alam kong hindi siya ang gumawa niyan.", biglang sulpot netong kumag na CJ.
"Too bad at hanggang ngayon bulag ka pa rin. Tss. Walang pinagbago.", pasinghal kong sagot.
"Nothing's new, yes. It's still you.", he said.
"Hahaha nakakatawa na pinagtatanggol mo yung girlfriend mo while saying that you still love me. How ironic. Dahil ba hindi niya magawa ang pag-aalaga na ginawa ko sayo? Hinahanap mo din ba yung pinagkakasunduan nating mga gawain? Hahaha di ko maintindihan, CJ.", sarkastiko kong tugon.
"Yes. She can't replace you. She can't give what you can give. She can't take care of me like what you did. Pero gusto siya ng parents ko at ayaw na kaming paghiwalayin. And dad will be so disappointed in me. Isa pa.. mahal niya ako at hindi niya ako niloko. Hindi niya ako pinagpalit sa iba. Baka nga tama ka, baka nalilito lang ako dahil nagkita ulit tayo. I'm sorry if I said I still love you.", bawat salita niya ay tumutusok sakin. Bakit masakit? Isang singhal muli ang kumawala saking bibig.
"Tss. Hanggang ngayon namumuhay ka sa kasinungalingan. Wala na akong magagawa pa sa tulad mong bulag sa katotohanan.", walang emosyon kong tugon at naglakad palayo.

-to be continued-

P.S. May nagbabasa pa ba? Hahaha

Better Than RevengeWhere stories live. Discover now