It's me, Alexandra De Castro, I have a brother named Alexander De Castro, the most caring brother I have...
"Hey stop eating those chocolates, might as well get fat?" Agaw sakin ni kuya ng tatlong balot ng kisses na nasa kamay ko.
"Kuya, you know I can't get fat that fast. Duhhh." Angil ko naman saka nakipag-agawan ng chocolate. "Mom, kuya Alex is teasing me." Kunwari'y pag-iyak kong sabi.
"Alex stop teasing your little sister! You're not a kid anymore, grow up." Sermon ni Mom kay kuya.
Inis namang lumingon sakin si kuya pero binelatan ko lang siya saka binawi yung chocolates ko. "Buti nga." Bulong ko pa.
Pauwi na kami ngayon sa Philippines from Australia. I miss the summer in the Philippines kaya nga sobrang saya ko nung sabihin ni Mom na sa Philippines kami magkakabakasyon.
"Mom, okay na ba mga bagahe namin? I really want to leave and go back to the Philippines." Ngusong ani ko.
"Don't worry sweetie, you're private plane is going to arrive soon." Ngiting sagot ni Mom saka kunot-noong nilingon si kuya. "Bantayan mo yang kapatid mo ha, wag puro chicks nasa isip kong lalaki ka." Nakadurong ani Mom.
Pagkatapos naming magkapaalaman ay umalis na din si Mom para bumalik doon sa business namin. Maiiwan sila ni Dad dahil magiging busy sila, and sobrang saya ko naman dahil I'm free na. Hihi.
Kuminang naman ang mga mata ko nang matanawan ang pagbaba ng private plane namin. Napatalon pa ko dahil sa tuwa saka naunang pumasok sa loob habang naiwan naman si kuya Alex sa labas para ayusin ang mga bagahe namin.
It's been years since I visited here in the Philippines. Gladly today, I would have the chance to be on there.
Maya-maya nga lang ay lumipad na ang plane namin habang buong biyahe lang akong nakatingin sa labas ng bintana.
Goodbye Australia, Hello Philippines...
After that long and tiring flight...pero hindi man lang ako napagod hehe. Nakalapag na din sa wakas ang eroplano sa airport. Nang makalabas ako ay sinalubong ako ng napakasariwang ihip ng hangin. Na-miss ko 'to!!
Natulog din naman ako kaagad nang makapasok kami sa tutuluyan naming hotel. Bukas na bukas din ay sure na maggagala ako.
***
Patalon akong bumangon sa kama nang magising ako. Pumasok na din ako sa banyo para makaligo at magsipilyo. Nang makapagbihis ay patakbo din akong bumaba ng hagdan.
"Hoy Alexa! Wag kang tumakbo!" Sermon sakin ni kuya nang makita niya akong tumatakbong pababa ng hagdan.
"Gagala ako ngayon, dun nako kakain!" Pasigaw kong paalam.
"Dito ka na kumain, aba." Tutol nito.
"Hindi na nga!" Wala naman na itong nagawa pa nang maisuot ko na ang sandals ko. "Alis nako,bye-bye!!" Masayang paalam ko saka tuluyang lumabas.
Inilabas ko naman ang cellphone ko saka ito binuksan. Maghahanap ako ng magandang pupuntahan. Busy ako sa pagc-cp nang may makabangga ako.
"Aray ko po." Napaupo naman ako sa sahig kaya inangat ko ang ulo ko para makita ang lalaking naka-mask sa harapan ko.
"Sorry miss, nagmamadali lang." Saad nito saka nito inilahad ang kamay.
"A-Ah okay lang." Yung boses niya kasi, tss...nevermind.
Hinawakan ko naman ang naglalahad niyang kamay saka ako nito tinulungang makatayo. Ang lambot ng kamay, at ang bango niya din. Hayst, ano ba tong iniisip ko.
"I'll get going." Kita ko ang pag-angat ng kanyang mga mata, ngumiti ito.
Di man lang tinanggal yung face mask para sana nakilala ko...
"Sige, una na din ako." Saad ko saka naunang maglakad paalis.
I wonder what his name is...
Nang makasakay nako sa taxi ay naisipan kong pumunta sa mall. Na-miss ko na ang malawak na Mall Of Asia dito sa Manila.
Malapit lang naman yun kaya agad din akong nakarating. Pumasok nako sa loob at napangiti nang makita ang loob ng mall. Habang nakangiti akong tumitingin sa bawat shop na madaanan ay bigla namang kumalam ang aking sikmura. Nagugutom nako...
Luminga-linga naman ako sa paligid saka naisipang kumain sa Pepper Lunch at um-order ng kung anong unang makita ko sa menu. Mukha namang masasarap ang lahat kaya maalin nalang siguro sa kanila.
Habang naghihintay ako ng pagkain ko ay bigla nalang may lumapit saking lalaki na naka-mask din pero alam kong hindi ito yung lalaking nakasa lubong ko.
"Ahmm miss can I ask a question?" Nagkakamot sa batok na tanong niya.
"Yes?" Tipid namang tugon ko.
"Bat ang cute ko?" Napatahimik naman ako dahil sa sinabi niya at napansin naman niya iyon. "Jokeeee, by the way may nakaupo ba dito? Wala na kasi akong mahanap na mauupuan." Saad nito.
"Pwede ka namang maupo diyan, wala din naman akong kasama." Sagot ko.
"Salamat miss cute." Ngiting sambit nito.
"W-Walang anuman." Nahihiyang sambit ko.
"Bat ka nauutal?" Bigla'y natatawa niyang tanong.
"Hindi ako sanay na binibigyan ng compliment." Napapakamot ng batok na saad ko.
"Naku, sa cute mong yan talagang madaming tao ang magbibigay ng compliment sayo." Sinserong saad nito.
"Ah haha ganun ba." Buti nalang at dumating na ang in-order kong pagkain, wala na din kasi akong masabi pa sa kausap ko.
Tahimik naman kaming sabay na kumain. Pero hindi ako makakain ng maayos dahil hindi ako komportable sa kasama ko.
"Mukha dika komportableng kasabay ako ah." Pansin nito sa ikinikilos ko.
"Sorry, di lang talaga ako sanay na may ibang lalaking nakakasabay bukod sa kuya ko." Pagdadahilan ko.
"It's okay miss. Hindi naman ako ibang tao na mukhang manyak e, kita mo itong mukhang ito." Turo pa nito sa mismong mukha. "Ako lang ito, si Ethan...ang cute na si Ethan." Pabiro niya pang tugon na ikinatawa ko.
"Siguro nga masasanay din." Kibit-balikat na sagot ko.
"Paano ba yan..." Tumayo naman na ito sa kanyang kinauupuan. "Mauuna nako sayo." Akmang tatalikuran niya nako nang muli siyang humarap sakin. "By the way, my name is Ethan Velasquez. Just state your name when I see you again, and in that day... let's be friends." Mahabang litanya nito saka ako kinindatan at maglakad papalabas.
I guess I really am in the Philippines now...
I guess it's a welcome back to the Philippines for me...
YOU ARE READING
My Time Has Stop (On-going)
Teen FictionIt was 10:12 when I finally closed my eyes, and fall asleep...until eternally. @captivating_bluemoon