Pagkagising ko sa umaga ay agad akong dumiretso sa banyo. Nilagyan ng toothpaste ang toothbrush saka nagsimulang magsipilyo.
Sa kalagitnaan ng aking pagsisipilyo ay biglang may nag-notification sa cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at pansamantalang itinigil ang aking ginagawa para basahin ang nag-mensahe.
From: Kuya
Maaga akong umalis dahil sa trabaho. Gawa ka nalang ng breakfast mo. Nasa ref yung cereal and also milk.Tumango-tango lang naman ako saking nabasa saka ibinalik ang cellphone saking bulsa. Nagmumog na rin ako para maisunod ko ng gawin ang paghihilamos.
Nang matapos akong maghilamos ay saka ako naglakad pababa sa kusina para kuhanin ang cereal at gatas. Kumuha na rin ako ng bowl saka doon inilagay ang cereal at isinunod ang gatas. Nagtimpla na rin ako ng hot choco at nagsimulang mag-umagahan.
Habang kumakain ng almusal ay isinabay ko ang pag-iscroll sa social media. Agad namang sumakit ang ulo ko nang makita ang pigura ng isang orasan. Masyado kasing o.a. ang style nito at ayaw ko ng mga ganun. Talagang nahihilo o kaya naman ay hindi ko nagugustuhan ang ganoong mga style.
Nang dahil sa nangyaring iyon ay nawala nako sa mood. Inayos ko na ang pinagkainan ko saka napag-isipang maglakad-lakad sa labas.
Kakalabas ko lang sa pintuan nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito sa bulsa ko saka sinagot ang tawag.
On phone: Kuya
"Hello?" Bungad ko.
"Kumain ka na ba ng breakfast?" Tanong naman nito.
"Yes kuya." Sagot ko naman.
Abala ako sa pagkausap sa kanya habang naglalakad kaya naman nagulat nalang ako nang may makakasalubong na akong lalaki na tumatakbo papunta sa direksiyon ko. Nasa gitna pa naman ako ng hallway ng mga oras na iyon at hindi ako kaagad nakaalis sa puwesto ko.
"Miss tabi!" Sigaw pa nito pero huli na ang lahat.
"A-Aray!" Daing ko nang tuluyan kaming magkabanggaan.
"Sorry miss, nakaharang ka kasi sa daan." Sinserong saad nito, wala sa tono ang galit.
"Sorry, are you okay?" Tanong ko naman dito habang dahan-dahang tumatayo.
"Yeah, I'm good." Sagot naman nito saka tumayo at tumalon-talon pa. "Basta next time miss, pay attention to your surrounding. Baka pag ginawa mo ang ganyan sa gitna ng kalsada, mabangga ka." Pabirong saad nito kaya parehas naman kaming natawa.
"Yes, I will. Thanks for your reminder." Nakangiting wika ko.
"Sige, una nako." Paalam nito at tumango lang ako saka ito naglakad paalis.
Doon ko naman napansin na on-call pa rin pala ako kay kuya. Alam kong nagsusumigaw na ito kaya hindi ko na ilalapat pa sa tenga ko ang cellphone. Basta ko nalang itong ini-loud speaker kaya umalingawngaw ang sigaw nito sa hallway. Mabuti nalang at ako nalang ang naiwan.
"Hoy, babae! Anong nangyari diyan?! Sumagot ka! Paulit-ulit nako rito!" Sigaw nito.
"I'm okay." Pagpapahinahon ko rito.
"Anong okay okay ka diyan?! Bangasan kaya kita?!" Galit na talagang sigaw niya.
"Shh stop shouting kuya." Bahagya pa akong napatawa. "It was just an accident, don't worry I'm fine." Sinserong saad ko kaya napahinahon na ito.
"Edi okay." Buntong-hininga nito. "Mag-iingat kasi sa susunod." Sermon nito.
"May pagtawag-tawag ka pa kasi e, ayan tuloy nawala ako sa wisyo." Paninisi ko naman dito.
"Tss, oo na. Bye na ha, ingat." Paalam nito saka walang paalam na in-end ang call.
"Bastos." Napapailing na saad ko saka muling ibinulsa ang cellphone.
Nagpatuloy nalang din akong lumabas hanggang sa makasakay ako sa taxi. Wala ako sa wisyong sinabi kung saan ako pupunta, kung ano man ang lumabas sa bunganga ko.
Pagkababa ko sa may Intramuros ay agad akong namangha. Ngayon lang ako nakagala nang mag-isa, at ngayon nalang ulit ako nakapunta rito dahil sa matagal na pamamalagi ko sa Australia.
Dahil gusto ko ng tahimik na paligid, nadesisyunan kong pumasok sa loob ng simbahan. Nakangiti ko pang pinagmasdan ang bawat sulok nito, wala pa ring kupas ang ganda nito. Nakapikit pa kong huminga saka naupo sa isa sa mga upuan.
Tahimik lang akong nakatitig sa harapan nang biglang may nahulog na kung anong bagay sa may likuran ko kaya napatingin ako rito.
"Oops sorry hehe." Saad ng lalaking nakahulog ng hawak niyang cellphone.
Napatingin din ako sa cellphone nito na may gasgas na. Napailing pa ako, ayoko kasi ng nakakakita ng gasgas o basag na cellphone. Alam niyo yun...parang ramdam ko yung sakit nung nahulog sila or nung nakita kong may gasgas at basag na.
"Miss..." Napatingin naman ako sa lalaki nang iwagayway niya ang kamay niya sa harapan ko. "Okay ka lang?" Tanong niya pa.
"A-Ah okay lang ako." Pilit ang ngiting sagot ko saka ito tinalikuran.
Dinig ko naman ang pagbungisngis nito at nagulat pa ko nang tumabi ito sakin saka ilahad ang kamay niya sa harap ko, "I'm Jerimy." Pakilala nito pero nananatili pa rin ang facemask niya sa mukha.
"Ahmm, Alexa." Nahihiya ko pang kinuha at tinanggap ang kamay niya. "Okay lang ba yung cellphone mo?" Tanong ko, nagulat ito at pati na rin ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla ay kinausap ko ito.
"Haha yung cellphone talaga eh noh?" Tawa nito.
"Hindi kasi ako sanay na may makitang mahulog na cellphone tapos diko tatanungin kung okay lang ba." Sagot ko naman na mas ikinatawa nito.
"Okay lang naman yung cellphone." Tumango naman ako. "Eh pano pag yung tao ang nahulog, tatanungin mo ba kung okay lang?" Pabirong tanong nito.
"Siyempre, tatanungin ko rin. Baka nga saluhin ko pa. Haha." Biro ko kaya sabay kaming tumawa.
Napatitig pa kami sa isa't-isa saka sabay na tumingin sa harapan. Awkward... Hindi nalang muna ako tumingin sa kanya, nagulat pa ko nang lumuhod siya kaya lumuhod nalang din ako para magdasal.
***
Papalabas nako ng simbahan nang may humawak sa pulsuhan ko. "Naiwan mo Alexa." Hawak-hawak na ni Jerimy ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha sa kanya saka ito tinitigan sa bawat sulok nito.
"Salamat." Nakangiting saad ko.
"Wag mo na ulit kakalimutan yang cellphone mo. Mas masakit kasing maiwan keysa mahulog." Double-meaning na saad nito. "Sige, mauna na ako." Paalam pa nito saka naglakad paalis.
Napatingin pa ko sa cellphone ko na nasa kamay ko. Kinakabahan nga ako pag cellphone ko ang nawala...paano pa kaya pag yung taong pag-aari ko na?
Teka...teka... Nababaliw ka nanaman Alexa! Eh wala ka ngang jowa!!
YOU ARE READING
My Time Has Stop (On-going)
Teen FictionIt was 10:12 when I finally closed my eyes, and fall asleep...until eternally. @captivating_bluemoon